The Wattpader.
"Ayan! kung hindi cellphone, libro ang hawak." Hindi ko na pinagabalahang tignan kung sino ang nagsalita, no other than my bestfriend na kontrabida. Papasa siyang kontrabida sa Wattpad, swear.
"Shut up. Nasa kalagitnaan nako ng story." I really don't like na may mangiistorbo saken lalo nat nasa gitna na ako ng story, masasapak ko talaga at doon ko ibubuhos galit ko. Exemption natong kaibigan ko, sanay nako dyan eh.
"Yeah yeah" saad nito at tamlay na pumadausdos sa upuan niya. That's what I like about her naman, pag ginaganyan ko na siya, alam niyang focused ako sa binabasa ko. Kaya wala siyang ginagawa kundi manahimik hanggang sa ako na ang papansin sa kanya.
"Goodmorning" A man in his early 20's entered our room. Wala akong choice kundi isara ang librong binabasa ko dahil pumasok na prof namin. Infair ha, hindi siya mukhang proffesor namin, mukha lang siyang college or fresh grad.
"Shit" napatingin ako sa katabi ko na bigla bigla nalang nagmumura. Problema nito?
Kinalabit ko siya.
"Uy? ayos kalang?" nag-aalala kong tanong. Umiling lang siya at focused ang mga mata sa prof namin sa harap na nagpapakilala. Aba! may crush yata to kay prof eh!
"Goodmorning! I'll be your teacher in History. I'm Diego Alfonso. Let's start" pagpapakilala nito. Isa-isa kong tintignan ang mga ka-klase kong babae, eh? sila ata lahat may crush kay prof, pwera sakin at kay Xandra, na Xander naman ang puso.
He's handsome, yes. Pero for me, I'll not drool over. He's not my type though. Thanks to wattpad, tumaas standards ko. HAHAHA!
"In love ata ako besh" saad nito at palihim akong niyugyug. Hala? in love agad?!
"Tangina mo! Ano? 10 year gap? pedophile?" irap ko at inayos ang nagusot kong gamit dahil sa pagkakayugyug niya sakin. Inirapan nalang niya ako at umayos ng pakikinig sa prof namin. Tss, love is pain. Kahit pa na grabe ako kaadik sa Wattpad at nagpapatunay na may forever dahil sa mga almost perfect na story sa libro at sa wattpad. They are still not real. Kung sa iba, wattpad makes them believe na may forever and they became hopeless romantic, not me. Although, nagiging hopeless romantic na nga din ako.
"Dismissed" Di ko man lang namalayan na tapos na pala ang discussion ni prof. Inayos ko na ang mga gamit ko ng bigla akong hilahin ni Sasha.
"Tangina mo Sasha! sandali nga! Jesus i can walk!" saad ko at binitawan na rin niya ako. At parang umamo ang paglalakad niya. Kanina kase ay parang may humahabol sa kanya. Tinignan ko ang hallway. Oh, kaya pala. Cenvir Almarez, the guy who broke her heart unconsciously. She loved Cenvir since grade 5, katulong kasi ng mommy niya si Nae-Nae, nanay ni Sasha, sa boutique nito
"You still not over him?" seryoso kong tanong nang makahanap na kami ng table at umupo na. Ngumiti naman siya at umiling ng bahagya. Sasha is a type of girl na amazona at palamura, we both are actually, kaya nga siguro naging magkasuperfriend kami kase birds with the same feather flocks together diba? Pero kahit na ganyan ang ugali niya, she has this attitude na pinipilit niyang itago. People may not know, pero, She is so fragile. And I admire her sa pagtago ng ugali niyang yon. Kasi ako? Im so transparent.
"order nako. Same lang tayo?" tanong niya. Tumango ako at inabot ang pera ko. She fell in love unconsciously and got hurt consciously. Ang sakit ng ganon. Pero, sabi nga nila. You may not know that it is love if you dont feel pain.
"Here" di ko manlang namalayan na dumating na siya. I helped her na iayos ang pinagkainan namin. Then we started eating, and she opens up a topic.
"Don't you want a real boyfriend?" i looked at her with questioning eyes.
Why would she ask that?
"Ha?" nakakapagtaka kasi tong tanungan na ganito? may fake ba? kung sa bagay, baka fake relationship na parehas sa wattpad, pero as far as I know, wala naman akong bf kahit pretend. Wala.
"Yung lalaking nahahawakan mo, hindi yung diyan lang sa isip mo. Yung sa real world, at hindi sa wattpad" seryoso niyang tanong. Why would she open up this sudden topic? Naloka na!
"Teka nga? why'd you ask ba?" nagtataka kong tanong. What's up?
"Ara, ang dami mo kayang manliligaw. Tapos ayaw mo, eh ang babait naman. Alam ko namang you're finding a man in the book. The perfect ones" Saad nito at kinagatan ang burger niya. I maybe finding the perfect one pero alam ko namang walang ganon. Its just that, hindi ko talaga mahanap yung spark eh, yung music, yung parang nagsasabi yung aura niya na, AKO ANG PARA SAYO. Ay ewan ko!
"Like who?" tanong ko nalang. Dahil kung ilalabas ko ang thoughts ko kanina, hahaba at hahaba usapan namin.
"Uhmm....YUN! Si Kyle Borromeo, he's a soccer player. Matalino, mejo bad boy kase snob. He aims to be a lawyer." saad nito na parang kilala ang ipinakilala sakin. Well, who does not know THE KYLE BORROMEO. Sikat kaya yan. Riguel Alleje nga ang datingan niyan eh.
"Nope. I have Riguel Jameson Alleje" proud kong sabi na parang mapapasakin talaga. Tripped by jonaxx is one of the best for me. Kaya hindi ko makalimutan si Riguel eh.
"But your not his Lilienne" umirap pa ito at sumimangot pako. I know naman eh, and he does not exist! That's reality. Sasha is also a wattpader, kaya lang. Naka mind set sa kanya ang reality at hindi naa-attach sa bida. Eh hindi ako ganon, kaya mas attached pako sa glue.
"Pakyu." saad ko at ininom ang tubig sa harapan ko. Tumayo ako at inayos ang uniform ko. Susubo pa sana ulit si Sasha pero hinila ko na siya.
"Let's Go"