Candidate
"Baks? sure na ba ako sa plano ko?" shet, grabe ang tibok ng puso ko, para na ngang lalabas. Di ako sure kung mananalo ako sa pagiging SC President. Although, matagal nakong nililigawan for this pero di ko pa feel that time, ewan ko ba kung kailangan ko tong gawin. No choice, i find myself na nakapila na dito sa office.
"Ay gaga! desisyon mo yan diba? tsaka matagal ka na ring nililigawan ni Sir Mark sa posisyon na yan sa Student Council. Kung si Lanie lang naman ang pino--" hindi na natuloy ni Sasha ang dapat na sasabihin niya dahil may biglang sumabat sa usapan namin.. Lanie, Lanie Manzano... Here we go again.
"So, you finally made up your mind? talaga bang gusto mong mapahiya ha? Kung kailan nga naman ako ang tatakbo, don ka naman tatakbo.Sorry girl, talo kana" napakasure naman ata ng babaeng ito! Lanie Manzano, ang kontrabida ng buhay ko! Ipagtipon mo lahat ng palaka sa mga wattpad story, tsak! yun si Lanie! Punyeta talaga sa buhay ko kahit kailan!
"Look Lanie, wala akong pakialam sayo at wala akong time sa kashitan mo! Kaya pwede ba? Let's just do this na walang pakialamanan sa isa't isa. Do your thing and i'll do mine" i rolled my eyes. Grabe! kulong kulo dugo ko sa bruhang to! Kahit kailan, parang may mga mata siya sa mga ginagawa ko dahil lahat ng kilos ko, may masasabi siya. Shit siya diba?!
"That is what i'll really do! Wala din naman akong pakialam sayo! Im just here to inform you na matatalo ka kaya wag kanang mag file ng candidacy, pero dahil mataas ang pangarap mo, titignan nalang kita na mahulog" puno ng kumpyansa niyang sabi.
Oy ate, di ako papatalo. Lalo nat naiinip ako sa mukha nito
"Ewan ko sayo, basta ako, malinis ang hangad ko sa.paaralang ito. Kung mananalo man ako, dahil yun sa plataporma ko at hindi dahil peke kong dede na nilalantad sa mga kalalakihan sa campus! Tangina mo!" hinila ko na si Sasha papasok sa Faculty.para makapag file na. Kala niya ha! Sinulyapan ko siya bago pumasok, nakanganga pa ito na tila di makapaniwala na nasabi ko yun. Don't mess with Ara Angeles, I'm bitchier.
"Goodmorning teachers" nakangiti kong bati sa kanila. My buttons are really pushed by that witch! wala ng atrasan to.
"Yes Ms. Angeles? we're kinda busy dahil sa mga nagfa-file ng Candidacy.. Later ka na namin ie-entertain. Unless, you would fi--- You'll accept my long time offer?!!" amused na amused na saad ni Sir Mark. Ngumiti ako bumuntong hininga.
This is it pancit!
"Yes sir, I'll file for SC President"
"Owemgee baaakss! Sana talaga manalo ka!" kinakabahan parin talaga ako pag naiisip ko yan. Bakit nga ba ako tumakbo? Una, para lamang sa portfolio ko, dagdag grades daw kasi pag nasa SC ka sabi nong mga fresh grad ng HS. Running for valedictorian ako kaya napili ko ang president position. Second, that with Lanie pushed my buttons! Punyeta siya!
"Sana nga. Pero sabi ko nga, pag mananalo ako, dahil sa malinis kong plataporma" totoo naman. I will never be like that Lanie The Witch. Pag nagca-campaign kasi yun, putok make-up, short skirt, putok butones na blouse at pinapakita ang fake boobs niya, that's why men are after her, her boobs. Mas malaki kasi ang population ng boys dito. Kaya boobs panlaban niya, FAKE NAMAN.
"Yeah, speaking of the dirty devil" napatingin ako sa tatlong babae na papalapit sa table namin. Nasa Cafeteria kami ngayon. Urgh,mansisira na naman ng araw ko!
"You really did file huh?" tanga bato? nakita naman siguro niya na pumasok ako tapos nasa bulletin board name ko.
"obviously"
"Well, sorry to burst your bubbles, little enemy, but I'll surely win." yeah, with your boobs on it? you'll win. I'm being sarcastic here.
Tumayo ako, nakakawala ng gana, gutom pa naman na ako. Punyeta kasi tong bichesa nato! I rolled my eyes.
"Watch and roll" taray! sinapian ako ni Samantha Perez don ha!
"Baks, ayaw mo pang matulog?" tinignan ko saglit si Sasha na nagda-dry ng buhok gamit lang ang towel. Papatulog na kami, nakakapagod ang araw nato! Dagdag mo pa si Lanie na nakaka putang-ina ang paguugali non.
"Nah, tatapusin ko lang tong Take Me To Your Heaven" saad ko at binalik ang tingin sa Cellphone at nagpatuloy ang pagbabasa, maabutan na naman ako ng umaga nito. Kayanin natin mga mata ko ha? Kaya to.
"Okay, basta pag iiyak ka wag yung bongga ha? ayaw kong magising" inaayos na niya ang mga unan niya. Humikab siya at umayos ng higa. Kilalang kilala talaga ako ng bruhang to! Hihihi.
I wiped my tears and turned off my phone. Tinignan ko ang wall clock. Shocks.... 3:46 A.M Kawawa na naman mata ko nito, mamaga to dahil umiiyak pako. Pero okay lang, worth it naman.
Inayos ko ang unan at nagkumot, umayos ako ng higa at napatingin sa kisame. Sana, may totoong Wattpad World, I'll be very much willing to stay there. Yun bang hindi na aalis?
I sighed.
Tumagilid ako at pumikit hanggang sa unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
*****
Story mentioned: Take Me To Your Heaven by Miss_Sixteen