4th Tale

24 1 0
                                    

Downfall

Maaga akong nagising dahil ke agaga ay aligaga si Sasha. Ba naman! inaantok pako mahirap nakong makatulog ulit.

"Huy?! ano ba? bag aligaga ka?" nakapikit pa ang isang mata ko. Tumayo ako at dumiretso na sa CR.

"Gaga! di ba di tayo nakagawa ng assignment sa A.P? Punta na tayong library! terror pa naman yun si Cayabyab! Dali!" Para akong sinampal dahil don. Shit! oo nga pala. Dalidali akong naligo at nagayos. Mabuti naman at naghintay talaga si Sasha sa akin

"Ang tagal ah" umirap pa ito. Umirap din ako at hindi na siya pinatulan pa. Kung sana ginising ako. Tanga din eh -_-

Tumatakbo na kami papuntang library. Punyeta, nasa 4th floor yun eh! Ba naman.

"Whoooo" napahawak pako sa dibdib ko. Nakakapagod umakyat sa hagdan. Para akong nag fun run. Shiz.

Pumasok na kami ni Sasha sa library, buti nalang at nagbubukas na ito 6 in the morning palang. Agad kaming nagtungo sa Literature Shelf at hinanap ang pagkukunan namin ng sagot. Ng nahanap na namin ay humanap na agad kami ng table at dali dali na kaming nagsagot.


"Tapos ka na?" sinara ko na ang notebook ko at binalik na ito sa bag. Nilingon ko si Sasha na nagaayos nadin ng gamit niya.

"Tara" yaya niya. Napatingin ako sa wall clock dito sa library. Eh? 7:00 na? ambilis ng oras. Ay shet! Late na kami!

"Tangina! late na tayo!" agad ko siyang hinatak at nagtatakbo na naman kami papuntang room namin. Walang katapusang pagtakbo ngayong araw.

Pag dating namin sa room ay mayroong sariling mundo ang mga kaklase namin. Busy sila, means, wala pa si Prof. Nagpunta agad kami ni Sasha sa assigned seat namin. Grabe! nakakapagod.

"Shet, para akong sumali sa marathon" tinignan ko si Sasha na kulang nalang humiga. Yumuko ako at tinahan ko ang paghinga ko.

"Baks? Bukas na pala election? ang dali ng araw no?" hala! oo nga pala, bukas na ang election. Nako! bahala na kung yung babaeng yun manalo, atleast nag try. Grades lang naman talaga habol ko kaya ako tumakbo.

"oo nga eh, pero bahala na kung sino manalo." hindi ko din naman maiwasang kabahan, pano pag nanalo ako? kaya ko kayang maging leader?

"sana manalo ka no?" nakangiti niyang sabi.

"well, let's just hope so..." pero sana nga, gusto ko din namang maexperience yung ganon, ang maging leader.



"Goodmorning, Im just here to inform you guys na wala tayong klase today kasi bukas, election na. So, enjoy your day and vote wisely" nakangiting saad ni Prof. Grabe effort ko ngayong araw tapos walang klase? Shutes!





"Ay? oo nga pala, nakalimutan ko. Sinabihan nga pala ako kahapon ni Sir na walang pasok ngayon" tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. Tangina! nataranta pako ng bongga pero wala palang pasok? Hustisya men!




"Gaga ka! nataranta nako't lahat lahat wala palang pasok?!" babatukan ko sana siya pero umilag na siya.

Umirap siya


"Aba baks, hindi ka nagiisa. Nataranta din ako." tinignan ko siya na umupo sa kanyang upuan at nilabas ang kikay kit niya.



Lalandot na naman to -_-




"ano? lalandi ka ulit?" sinamaan niya lang ako ng tingin. Inirapan ko siya. Ano bang pwedeng gawin ngayon? Kompleto na naman na daw ang requirements ko sabi ni Sir Mark, sabi nga niya just sit back and relax kaya yon din maman ginagawa ko. Masunurin ako eh




Sid&Ara (A wattpader's tale)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon