The Bestfriend
"Hi nay!" bungad ko sa nanay kong nasa kusina at naghihiwa ng mga sakap. Hmmm.. magkakare siguro to.
"Oh? bat ka dumalaw?" napa pout naman agad ako. Ang sama ng nanay ko, di ako gustong makita. Huhu
"Nay? bawal naba kitang dalawin? ayaw mo naba sa akin? may kabit kaba? di mo na ba ako mahal? Nay? anong nagawa ko? Huhu! naaaay!" pagdadrama ko sa nanay ko at kunwareng may luha pa, tuloy nakatanggap ako ng batok.
"Baliw ka na ata! Oh Sasha, hindi mo ba pinapakain to sa dorm niyo?" lumapit naman si Sasha kay nanay at nagmano.
Tumawa naman ito ng bahagya.
"Nako nae-nae, nasobraan lang po yan ng pagbabasa. Ina-apply sa sarili." napailing-iling pa si Sasha habang nilalagay ang baso sa sink.
"Oh, nandito na pala ang mga dalaga namin!" Tinignan ko ang babae na nasa pinto sa may kusina namin.
"Naaaay!" agad na inambahan ng yakap ni Sasha ang nanay niya. Lumapit ako kay nae-nae at nagmano.
"Nae-nae!" masaya kong bungad. Nanay ang tawag ko sa nanay ko, tapos Nae-nae naman ang tawag ko sa nanay ni Sasha, ganon din naman si Sasha. Halos sabay na kaming lumaki ni Sasha, magkaibigan ng bongga si Nanay at Nae-nae kaya wala din kaming choice, chos. Hahaha.
"Kain na nga tayo. Nako tong mga batang to" saad ni Nanay at hinain na ang kare kareng niluto niya shet, ang bango!. Umupo agad kami at masayang kumain habang naguusap.
"Kumusta naman ang pag-aaral niyo?" tanong ni Nae-nae. Maganda si Nae-nae, pag pinagtabi mo nga sila ni Sasha, masasabi mong anak niya talaga. Sasha clearly looks like her mom.
"ayos lang nay" kampanteng saad ni Sasha. Sasha is an intelligent woman. Perfect package na nga tong bestfriend ko, maganda, sexy and brainy. Di nga lang nakita ni Cenvir yun. Hihinga pa nga lang si Sasha, halos isumpa na ni Cenvir. Taray! parang si Jeydon lang at si Charity sa Why Do You Hate Me? ni jonaxx.
"Aba! dapat lang no! grabe pag titiis namin na mamiss kayo, bakit kase may pa dorm dorm na pakulo yang skwelahan niyo" Saad naman ni Nanay. Maganda naman ang nanay ko, of course. Kaya lang, hindi kami masyadong kamukha, may resemblance naman, kaya lang mas makamukha kami ng tatay ko. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. 6 years old palang ako ay namatay na ang tatay ko, car accident. Samantalang si Sasha naman ay hindi na kinagisnan ang tatay niya, namatay nadin kase ito dahil sa pagmamadali papuntang ospital dahil manganganak na nanay niya. Car accident din.
Usap, tawanan at pagkain lang ang ginawa namin. Ahh! namiss ko talaga to. Dito nadin kase tumira sila Nae-nae at Sasha simula nong namatay si tatay. Pagkatapos namin kumain ay kami na ni Sasha ang naghugas ng pinggan, pagkatapos naman ay nag-shower nako. Saturday ngayon kaya dito kami muna sa bahay hanggang bukas, tapos bukas ng gabi ay sa dorm na ulet kami. Nasa rule kase talaga na dapat sa Dorm sa school kame mag stay. Ka-echosan ng school namin.
Pagkatapos kong maligo ay nagtungo agad ako sa kwarto upang magbihis. Wala si Sasha sa kwarto namin, baka nasa labas. Dali dali akong nagbihis at tinungo ang maliit na garden namin sa bahay, nandon siya tinitignan ang bahay sa harap namin. Nilapitan ko siya.
"Hala siya, baka mawala bahay nina Cenvir niyan kakatitig mo" tumawa ako dahil bahagya pa itong nagulat. Ang bahay nina Cenvir ang nasa harapan namin, ito kaseng villa ay hindi masyadong pang mayaman pero diti naisipan ni Tita Marie magtayo ng bahay. May value kase ang loteng yun sa kanila ng asawa niya kaya nagpatayo agad sila ng bahay.
"tangina mo! ginulat moko!" saad nito at pabiro akong hinampas. Tinignan ko siya, ngumingiti pero malungkot ang mata
"mumurahin sana kita, kaso malungkot ka" saad ko, in a matter of fact. Nagiging malungkot lang to pag seryoso ang at nakakalungkot nga takaga ang problema. At counted dun ang hindi pa niya pagkaka-move on kah Cenvir.
"Ako malungkot? sino may sabe?!" saad nito na parang sinasabi na may araw ngayong gabi. Magaling siyang magtago, pero parang ngayon, kusa nang lumabas ang totoong naramdaman niya.
"ang mata mo" nawala ang ngiti nito na siyang naging ebidensya 'daw' niya na hindi ito malungkot at kusang tumulo ang luha nito.
I hugged her. Bihira magpakita ng ganitong emosyon si Sasha, talagang nasasaktan siya. And i feel hurt also.
"Why do he hate me that much?!" mangiyak ngiyak na sabi nito. Wala. walang may alam kung bakit sukdulan ang hatred ni Cenvir sa kanya. Yung nakangiti at masaya si Cenvir pero pag nakita niya o naamaoy si Saha kahit malayo pa ito ay nag ngingit-ngit na ito sa galit.
"I don't know. Dati pa siya ganyan diba? Move on na baks" saad ko sa kanya. Naawa nako dito sa bestfriend ko, ewan ko ba diyan kay Cenvir nayan at ang laki ng galit sa kaibigan ko. Eh dati, civil naman sila, di masyadong close pero nagpapansinan naman, tapos ngayon, ang laki laki ng galit.
"Gaga!kala mo naman ang dali dali mag move-on. Eh grade 5 palang tayo nong nadiscover ko yung feelings ko sa kanya. Tangina niya!" saad niya na patuloy paring umiiyak. Wala na akong ginawa kundi aluin siya at patahanin.
"Ke aga aga mo kaseng lumandot. Yan tuloy, 5 years mo nang kinikimkim yang feelings mo. Di man lang masuklian." saad ko habang patuloy na hinahagod ang.likod niya. Yan! grade 5 palang kase, lumalandot na. Pero, sabi nga naman nila, di mo maitatakda kung kailan titibok ang puso mo para sa isang tao. Kaya kahit anong pigil mo, dahil alam mong di ka niya magustuhan, lalabas padin ang feeling na yun. Ang ending, masasaktan ka lang.
"Sabi mo nga diba? hindi mapipigilan ang damdamin. Swerte ka dahil di kapa tinamaan ni lecheng kupido" patuloy parin siyang umiiyak.
Patuloy ko lang siyang pinapatahan hanggang sa nakatulog na siya sa balikat ko. Hindi ko naman ma carry to si Sasha, kaya parang tinutulungan ko nalang siya makapunta sa sofa. Pag ka ayos niya ay tumungk ako sa kwarto at kinuha ang kumot niya. Kinumutan ko siya
You'll heal soon, Sasha. Soon...
******
story mentioned:
Why Do You Hate Me by jonaxx