CHAPTER 19

751 49 0
                                    

   'Yan ang design ni maymay sa dream wedding niya na ibinigay Kay Hannah.

     Dumating na ang araw ng kasal. Kahit puyat si maymay sa kaiiyak nang nagdaang gabi ay naroon na siya sa venue nang alas seis pa lang ng umaga. Sinamahan  na siya ni pat at dalawa pang assistants nila sa opisina dahil napakarami nilang mga dapat na asikasuhin.
    Naiayos na nila ang mga mesa sa lawn. Napalamutian na rin ang ang paligid. Sa lahat ng dako ay nagkalat ang mga bulaklak, lalung-lalo na sa gazebo at maging sa pathway na dadaanan ni Hannah. Habang abala sila sa trabaho, manghang -mangha naman sa panonood ang dumating na mga bisita.
   Her heart was crying desperately as the hours passed, but she keep her strength intact. Kakayanin niya ang araw na ito. Ilang oras na lang at matatapos na rin ang lahat. Wala nang dahilan para muli niyang makita pa si Edward at wala na ring dahilan para Hindi siya makapag move on.
   But the worst has yet to come. Kakayanin kaya niyang tumayo roon at manood habang nakikipagpalitan  ng marriages vows si Edward Kay Hannah?
   Damn that man! Kung bakit kasi nagtapat pa ito ng damdamin sa kanya. Mas mabuti na lamang na Hindi niya nalaman. Hindi sana manghihinayang nang ganito si maymay.
   "You don't have to stay, you know," ani pat sa kanya na siguro ay napansin ang saglit niyang pagkatulala.
   Napatingin siya sa mga mata ng kaibigan. Nag-aalala ito nang gusto sa kanya. Kahit Hindi niya sabihin ay dama ng kanyang partner ang sakit na nararamdaman niya. "I'll stay," sagot niya.
     "Sigurado ka? Ayaw Kong makita kang umiiyak mamaya."
    Napalunok si maymay. Ngayon pa lang na naiiyak na siya. How much more kapag nag-umpisa na ang kasal?
    But she wouldn't  quit. Kakayanin niya ito! Naniniwala siyang mas madali niyang matatanggap ang lahat kapag nakita niya mismo na ikinakasal si Edward. But more importantly, she wanted to see her dream wedding come into reality. She had worked so hard for this, and she wouldn't  miss a moment of it.
    "This is my dream wedding, pat." Mahina niyang sagot. "I want to see it come true."
    Parang gustong maluha ni pat. "You're right. You should witness the result of your masterpiece."
   "Ate pat!" Humihingal na lumapit sa kanila ang assistant na si rhea. "Dumating na po ang groom."
   Napatingin si maymay sa kanyang relo habang si pat ay nataranta. Alas tres na pala. Alas cuatro pa ang kasal pero mukhang sinadya ni Edward na dumating nang maaga.
   "May, saan mo nilagay 'yung corsage ng groom." Tanong ni pat na hinahalungkat ang mga corsage para sa mga bisita.
    "Wala dyan." Sagot niya at inabot ang nakahiwalay na box sa mesa. "Ikaw na ang maglagay sa kanya."
   Iniabot nito ang box Kay rhea. "Ikabit mo sa chest niya, ha,"utos nito.
    Nang umalis si rhea ay mabilis nilang inaayos ang nagkalat nilang mga gamit.
    Nakarinig sila ng hiyawan. Paglingon ni maymay ay nakita niyang lumabas si Edward mula sa backdoor ng mansyon.
    She swallowed the lump that clogged her throat. The groom looked very handsome in his white suit. Tim did a wonderful job with his hair as well. Overall, he was an image of perfection. Sa ngiti pa lang nito ay mabibihag na nito ang puso ng kababaihan.
   " ang gwapo nganaman niya,"ani pat na nakatayo sa kanyang tabi. Pareho pala silang nakatitig Kay Edward na noon ay pinapaligiran ng mga kaibigan nito. " no wonder na insecure ka masyado noon. Nakakatakot nga namang nawalan ng ganyan kaguwaponh boyfriend."
   Siniko niya ito. "That's the past."
    "Sayang. Mas gusto ko sanang makita na kayo ni Edward ang ikinasal."
   Napaawang ang mga labi ni maymay sa sinabi ng kaibigan. Nang tingnan nito ay hustong binuhat nito ang isang malaking box para itabi. May naiwan pa itong ilang gamit na siguro ay Hindi na nito kayang buhatin. As she picked up all the stuff, muli siyang napatingin Kay Edward.
   Hindi niya inakalang nakatingin din pala ito sa kanya. Their gazes locked for what felt like forever. His eyes were telling her something, something that almost made her heart burst.
    She looked away before her tears gave in para maiwasan si edward, minabuti niyang magtungo sa front lawn para ipalamuti roon ang natirang mga bulaklak. Dinadagan din niya ng petals ang mga baskets ng mga flower girls.
    Halos tapos na siya nang makita niyang tumatakbo si pat patungo sa kanya.
   "Maymay, its quarter to four na. Wala pa si Hannah."
   "Parating na siguro siya," sagot niya habang nililinisan ang kanyang mga kalat.
    "Tinatawagan nga namin ni Edward pero Hindi sumasagot. Nag-away daw  kasi sila kagabi."
     Saglit siyang natigilan. Hindi kaya nalaman ni Hannah na nagtungo sa bahay niya si Edward nang nakaraang gabi?
   "Bakit daw?" Usisa ni maymay.
    Nagkibit-kibi ang kanyang kaibigan. "I don't know. Baka Hindi sumipot si Hannah. Sayang naman ang lahat ng pagod natin."
   Now, that looked like a bid problem. Kahit sa loob-loob niya ay ipinagdarasal niyang Hindi natuloy ang kasal, hindi  niya iyon  hahayaang mangyari. Pagod at puyat ang ipinuhunan ni maymay sa kasalang ito. Magwawala siya kapag Hindi ito natuloy.
   Dinampot niya ang kanyang cellphone sa bag at sinubukan ding tawagan si Hannah. It was unattended. Siguro ay in-off na ng bride ang cellphone nito. Isa lamang ang maaari niyang gawin. Siya ang dahilan ng gusot na ito kaya dapat lang na siya rin ang umaayos.
   "I'll go get her."
    Napamulagat si pat. "Are you sure? Anong oras na."
   This wedding will go on. Kakaladkarin ko ang babaeng iyon papunta dito kung mag-iinarte pa siya,"
   Maymay grabbed her bag and ran to her car. Nahirapan siyang makalabas ng gate dahil marami nang kotse ng nakaparada sa loob. Pag dating niya sa highway, nakipagkarerahan siya sa ibang sasakyan para makarating kaagad sa bahay ni Hannah.
    Naabutan niya ang bride na umiiyak habang nakaupo sa sofa at pinapakalma ito ng personal beautician nito. Suot na nito ang wedding dress maliban sa veil.
   "Hannah," humuhingal niyang sigaw habang papalapit dito. "You're getting married in five minutes. Ano pa'ng ginagawa mo diyan?"
   Saglit lamang ang pagkagulat nitong napatingin sa kanya. "Just leave me alone."
   "Hindi ako aalis dito nang Hindi ka kasama. Naghihintay na sa'yo si Edward."
   "What for?" Lalo lamang itong napaluha. "Last night I asked him if he loves me.... Hindi siya makasagot. Ano sa tingin mo ang bibig sabihin nu'n?"
   Umupo siya sa tabi nito. "Hannah, he wants to marry you. Doesn't that say something more than words?"
    Umiling ang babae. "You don't understand. Hindi niya ako masagot dahil wala siyang pagmamahal sa akin. Ikaw ang gusto niya."
   Maymay was startled. " listen, Edward was just confused. Natural lang 'yun sa mga lalaking ikakasal."
   "I don't  believe that. Ano lang naman na sabihin niyang mahal niya ako? Mahirap bang gawin 'yun?"
  

MY DREAM WEDDING " MAYWARD" CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon