CHAPTER 18

795 50 4
                                    

Nag-angat ng mukha si Edward nang marinig niyang pumasok sa bukas na gate ang sasakyan ni maymay. Halos isang oras na siyang nakaupo sa maliit na hagdanan ng front porch ng bahay nito. Naka-lock ang pinto pagdating niya rito kanina. Kaya minabuti niyang maghintay na lamang doon. Alas nueve na ng gabi. Mukhang nag-overtime na naman ito sa mansyon.
    Hindi niya maintindihan  kung bakit siya narito samantalang ikakasal na siya kinabukasan. He had tried so hard to avoid her, but tonight, there was nothing else that he wanted but to come see her.
   Pag labas ng dalaga sa kotse ay saka lang siya nito napansin doon.
    "Edward?" Ikinurap nito ang mga mata na parang Hindi makapaniwala na naroon nga siya. "Ano'ng ginagawa mo d'yan?"
   Hindi siya sumagot. Ang totoo ay Hindi rin niya alam. It was as though his heart had sent him there for some reasons that he couldn't  quite understand.
   Nilapitan siya ni maymay. "May problema ka ba?" Umiling siya "I don't know may. I'm so confused." Marahan itong umupo sa tabi niya. How he loved the feeling of having her close to him. Parang gusto niya itong yakapin nang mahigpit.
   "Bakit?" Tanong nito. She sounded worried.
    "I don't know." Was all he could say. How he wished he could explain to her why he was there on the night before his wedding, but he didn't know why either.
    "Ninerbyos ka ba?"
  Napaisip siya sandali. Siguro nga ay iyon ang dahilan, but why did he choose the company of maymay, instead of his friends? "I probably just want to see you."
    Natameme ito. "What for?"
   "I don't kn-" bigla siyang natahimik nang magtama ang kanilang mga paningin.
    Her beautiful brown eyes were glowing like a pair of the brightest stars in the sky. If he could only look at them forever.
   His heartbeat quickened. Sa lakas ng pulso niya ay halos Hindi na siya makahinga. Parang alam na niya ang nais niyong ipahiwatig. Naramdaman na niya iyon noon, ngunit ayaw lamang niyang tanggapin.
    "I still love you maymay," he found himself saying, as though he words came right from his heart and not from his mouth.
   Gulat itong tumayo. "You're kidding, right?"
   He rose to his feet as well. Gusto niyang bawiin ang kanyang sinabi, pero Hindi niya kayang gawin. There was no use denying now. Hindi na rin niya kaya pang itanggi ang kanyang nararamdaman para sa dating nobyo. Mahal pa rin niya ito.
    "I'm not"
     Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Hindi siya gumalaw. He deserved that.
   "Ikakasal ka na bukas pero 'yan ang sinasabi mo?" Naluluhang sambit ng dalaga. "Hannah trusts you. Huwag mag taksil sa likuran niya."
   "I am not, maymay. I gave her my word that the wedding will go on no matter what."
   "So ano'ng ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang sinasabi mo sa akin?"
   He started at her. Naghalo ang galit at sakit sa mga  mata nito. "I just wanted you to know before I get married."
   Biglang pumatak ang luha ni maymay. He reached out to wipe them with his thumb but she shoved his hand away. "Para ano? Para lalo mo akong pasakitan?"
   Umiling siya. "I never wanted to hurt you. Kung alam ko lang na magkita ulit tayo, hinintay sana kita kahit sampung taon pa."
   "That's enough," she said. "Please leave. After tomorrow, we will not see each other again."
   Parang palasong tumama sa puso ni Edward ang sinabi nito. It was hard to imagine not seeing her again, but he understood that it had to be that way. "I will, but before I go, I need to know if you feel the same way for me."
   Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Nagbibiro ka ba?"
   Umiling siya. "Not at all. I just want to know."
  "Well, here's your answer, no. I don't love you. Now, leave."
    Edward was frozen for the next few seconds. Deep in his heart, he knew she still loved him, but she probably would never admit that, not while he was about to get married to another woman.
   "Umalis ka na!" Sigaw nito.
   Tumango siya at tinalikuran si maymay. Without looking back, he headed to his car parked just outside the gate. Nagulat siya nang makita niya si Hannah na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan
   "Tama ba ang narinig ko?" Umiiyak nitong tanong.
  Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. "What are you doing here?"
    "Sabay kaming  umuwi ni maymay. Nakasunod lang ako sa kotse niya, and then I saw you sitting on her porch like a pauper. Bakit mo siya hinihintay doon?"
  Humigit ng malalim na hininga ang lalaki. Papaano nga ba niya ito ipapaliwanag? "I'm sorry, Hannah. I'm just so confused.
   "Dahil siya ang mahal mo at Hindi ako?"
   "Hannah, let's go somewhere else to talk. Nakakahiya Kay maymay. Mauna ka nang umuwi, susunod ako sa bahay mo."
   Sinulyapan ni Hannah ang bahay ni maymay at saka pumasok sa kotse nito. Things had been complicated now. Papaano na niya ito aayusin ngayon.?

Ito 'yung hitsura ni Edward nung nag-usap sila ni maymay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito 'yung hitsura ni Edward nung nag-usap sila ni maymay... Umiyak talaga siya....next chapter 'yun na ang araw ng kasal ni Edward and Hannah.
     Matuloy kaya ang kasal? Abangan n'yo na lang next update ko, antok na ako. Gud nyt.

MY DREAM WEDDING " MAYWARD" CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon