Two months later.....
"Maymay, we have another project." Napalingon si maymay Kay pat na kanina lamang ay nadatnan niyang may kausap sa telepono. Kauupo pa lamang niya sa kanyang desk upang makapag-research para sa bago nilang project na pinirmahan nila nang nagdaang araw lamang pero ito, may dumating na naman.
"Seryoso?"
Itinuro ng kaibigan ang sariling nitong mukha. "Mukha ba itong nagbibiro?" Napabuntong hininga siya. Mula nang makita ng mga bisita ang trabaho nila sa kasal sana Nina Edward at Hannah, kahit Hindi man natuloy, sunud-sunod na ang tumatawag sa opisina nila para makikontrata. It was indeed a great investment. Nakatulong din doon ang desisyon ng ama ni Edward na ipagpatuloy ang dinner kahit Hindi natuloy ang kasal.
Maraming namangha sa starry night theme sa reception at iyon halos ang gustong ipagawa ng mga clients sa kanila, Hindi lang para sa kasal kundi pati narin sa iba pang okasyon. Ang problema , Hindi na yata nila kayang i-commodate ang dumarating na projects.
"Paano 'yan? Loaded na tayo masyado?"
"Problema ba 'yun? Mag-hire ulit tayo ng bago nating kasama."
"Paano kapag sinabi niyang urgent?"
"Hindi raw. Actually, Hindi pa final. Meet daw natin siya mamayang gabi para pag-usapan natin ang deal."
"Kasal ba'yan?"
'Nope." Abot-tainga ang ngiti nitong umupo sa tapat niya. "Girl, it's for a marriage proposal. This man wants you to recreate the starry night theme para daw doon siya mag-propose sa kanyang very special girl."
Napaawang ang bibig ni maymay sa magkahalong selos at kilig, "nakaka-touch naman. Ang suwerte ng babae."
"Sinabi mo pa. Kaya sige na, pagbigyan na natin. Hindi naman masyadong matrabaho 'yun,eh. Wala naman tayong asikasuhin na guests. Private lang daw , at saka 'yung hall lang ang kailangan nating ayusin. Payag ka?"
"Oo naman." Mabilis niyang sagot. "My God, I want to witness that kahit mamatay man ako sa inggit!"
"Talagang mamamatay ka sa inggit," tumatawag sagot ni pat. "so tonight at nine daw sa hotel?"
"Grabe namang late niyan," angal niya.
" yun lang daw free time niya."
"Sige na nga. Sandali lang naman tayo, diba?"
"Yep. Titingnan lang natin 'yung place
"Deal." Sagot niya at binuksan ang kanyang laptop.
Nagtungo na rin si pat sa desk nito para ipagpatuloy ang naantala nitong trabaho.
Dalawa lang sila room. Dahil sa dami ng kanilang projects, nasa labas lahat ng mga kasama nila para makipagkita sa mga kliyente o kaya ay mag trabaho sa venue ng okasyon. Pati siya na dapat ay sa labas din magtrabaho, nagkukulong na lang sa opisina para gumawa ng plano at ipapasa na lamang niya ang mga iyon sa mga assistants nila upang iyon ang sundan ng mga ito.
"By the way, maymay," ani pat na pinaikot ang swivel chair para harapan siya, "nag-transfer si Hannah ng one hundred fifty thousand sa bank account natin. Eto, may email pa siya. Sorry daw at nakalimutan niya."
Tumaas ang kanyang kilay. "Diba binayaran na ni Edward 'yung balance nila?"
Nilingon ng kausap ang laptop nito para muling basahin ang email. "Yung Bunos daw na promise niya."
Maymay rolled her eyes and smiled. "Pakisabi thank u. Mukhang nasosobrahan na sa bait ang malditang 'yan. Ewan ko ano'ng nakain niya."
"Ayaw mo n'un? Ngayon best friends na kayo."
"Duh," natatawa niyang tugon. "Ikaw kaya ang best friend ko."
"Duh." Ginaya rin siya nito at sabay silang tumawa. Mayamaya ay bumalik na sila sa kanilang trabaho. Maalala tuloy muli ni maymay ang tragic na kasal sana Nina Edward at Hannah.
Hindi na niya nakita pa sinuman sa kanila mula nang araw na iyon. Ngayon lamang ulit kumontak sa kanila si Hannah. Magandang senyales iyon na siguro ay nakaka-recover na ito.
As for Edward, ipinadala lang nito sa secretary nito ang tseke para bayaran ang natitira nilang balance. At ang balita niya ay inihatid daw nito ang ama pabalik sa Australia at hanggang ngayon ay Hindi pa umuwi ng pilipinas. Siguro ay nagpapalipas din ito ng sama ng loob doon. When things cooled down, then he'd probably return.
Tinitigan ni maymay ang suot niyang singsing na ibinigay sa kanya noon ni Edward. Engagement ring sana nila iyon, pero Hindi natuloy ang proposal nito. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, alam niyang Hindi na sila magkikita pa ni Edward, kaya isinuot niya iyon para ipaalala na minsan ay minahal din siya nito kahit pa Hindi sila nagkatuluyan.
BINABASA MO ANG
MY DREAM WEDDING " MAYWARD" Completed
Romanceinabot ng mahabang panahon bago nagawa ni Edward na kalimuran ang kanyang ex-girlfriend at mag-move on kung kailan iniisip niyang perpekto na ang kanyang buhay, bumalik si maymay na kabaligtaran na ngayon ng spoiled brat na dalagang nakilala niya no...