CHAPTER 10

740 49 0
                                    

"Wow! Ang ganda!"
Nagulat si maymay nang narinig niya ang bulalas ni hannah mula sa kanyang likuran. Hindi niya napansing dumating na pala ito.
"My God, maymay! I love it!" Dagdag pa nito at naglakad sa kahabaan ng cobblestones ng mansyon paakyat sa maliit  na artificial hill, na kasalukuyang ginagawa na ng mga kinontrata nilang kilalakihan, at sa ibabaw niyon ay itatayo nila ang japanese-style gazebo.
Hindi pa kompleto ang pathway pero mukhang kontento na si hannah sa haba niyon.
"May hagdanan ba paakyat sa gazebo?" Tanong nito
Tumango siya "it will be a long set of stairs although five feet high lang siya."
"Five feet? Hindi ba puwedeng  Mas taasan pa?"
Sinulyapan niya ang ipinapatayo nilang artificial na burol. " puwede nating taasan sa six feet. Beyond that, Baka mangangawit ang leeg ng mga guests ninyo sa kakatingala sa inyo."
"Oh, I see," sagot ni hannah na nakatingin din sa burol. "Anyway, may tiwala naman ako sa kakayahan mo. You know what's best."
   Parang Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Himala at biglang bumait yata ito sa  kanya. Ni Hindi na rin nito alintana na naka-miniskirt  na naman  siya samantalang ito ay naka-slacks. "Thanks. I didn't  expect you'd  say that."
   Hannah ignored her remark. "Kumusta sa loob? Nasimulan na ba?"
"Kararating lang kanina ng mga in-order Kong board. Ikakabit ko lang 'yung mga fiber optics. After that, ipapakabit ko na siya sa ceiling."
    Tumango-tango ang babae. "Good. Sabihin mo sa akin kapag natapos,, ha. I want to be the first to see that starry night."
"Sure."
"Sige, I have to go. Napadaan lang ako para kumustahin kayo.'
" paano 'yung mga invitations?"
"Yan nga ang pupuntahan ko ngayon. Roses kasi 'yung  dekorasyon na inilagay sa card. Ipapapalit ko ng cherry blossoms para tumugma sa theme natin."
"You have to hurry. Dapat naipamigay na 'yang mga 'yan. I can do that if you like."
"Nope, gusto ko mag-concentrate ka dito sa venue. Anyway, bayad naman na 'yun kaya dapat lang na tapusin nila ang trabaho nila. Sige girl, I have to go."
Maymay watched as Hannah entered her car and drove away. Nakakapanibago talaga ang biglang pagbabago nito. Pero mas mabuti na rin kung ganoon kaysa parati silang nag-aaway. Mas mapapadali ang trabaho niya kapag maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa.
    Natigilan si Edward nang napansin niyang bukas ang main door ng bahay. Alas siege na ng gabi ngunit mukhang may mga tao pa sa loob. He saw the familiar red car parked along side of the oval. Ibig sabihin ay naroon pa si maymay.
    He parked his car behind hers and and entered  the house. The hall had been a vast emptiness ever since his mother died and his father left, but it looked even wider now that the furnitures were gone. Magkakasya siguro rito ang lamang daang katao.
    At the far end corner of the hall, he saw maymay packing her things. She was too preoccupied that she did not even notice his presence there.
    Nakatalikod sa kanya ang dalaga habang ang isang tuhod nito ay nakaluhod sa sahig. Hindi yata nito alintana na sa ganoong posisyon ay nahila pababa ang waistline ng suot nitong denim jeans at labas na ang hiwa ng puwit nito. But in all honesty, it was a beautiful, yet funny, sight to him.
   Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kailangan na yata niyang umalis bago pa siya nito mapansin.saka na lang siya babalik kapag nakaalis na ito. But before he could turn away, something struck him. Walang dahilan para iwasan niya ito. She was just a wedding planner and nothing more. Kung iiwas si Edward ay pahiwatig iyon na may nararamdaman pa siya rito. Kailangan lamang niyang pakiharapan ito nang mabuti, to let her know that it was all over between them and they both had their separate lives now.
"Good evening," bati niya habang papalapit rito. Bigla itong napalingon sa kanya at napasinghap sa gulat. "Jesus! You scared me to death."
   Napangisi siya habang pinapanood itong huminga nang malalim. " mukha ba akong multo."
"No. I was thinking of a burglar or a rapist."
Natawa siya nang malakas. " and what do you see now?"
   Isinara nito ang bag at tumayo. "Ang nakikita ko ngayon, isang estupisong abogado. If you'll  excuse me, kailangan ko nang umuwi."
"Would you like a cupvof coffee?" Alok ni Edward bago ba ito makahakbang.
   For a brief moment, she paused and considered his offer. " okey, just one cup then I'll go. I'm freezing here."
   Sinenyasan niya itong sumama sa loob ng dining room. The place looked undisturbed. Mukhang Hindi man lamang naisipan ng mga trabahador na roon  kumain.
   "I didn't expect you'd  come here," ani maymay bago umupo sa tapat ng dining table.
   He turned on the coffee maker before he answered,  "every Friday, dito ako umuuwi. Kapag weekdays, doon  akosa bahay."
"Nasaan na parents mo?"
     Natigilan siya sa tanong nito. Hindi nga pala nito alam na wala na ang kanyang INA. "My mother died three years ago. My father moved to Australia after that."
    Awang ang bibig nitong nakatingin sa kanya.
"S-sorry," she said softly.
Nagkibit siya ng balikat at kumuha ng Dalawang coffee mug. Batid niyang nalungkot ito sa nakita. Noong girlfriend pa niya ang dalaga ay malapit ito sa kanyang INA. "She said something about you before she died."
   A spark of light glinted in her eyes. "Talaga? Anong sabi niya?"
"Sabi niya hanapin daw kita."
Saglit itong natulala. "Bakit daw?"
Again, he just shrugged his shoulder. Ayaw niyang sabihin dito na ipinapahanap ito noon ng kanyang ina para pakasalan niya ito.
"She probably miss you."
   Malungkot itong yumuko. "I wish I knew. I could have come."
"I had no idea where you were then." He filled the two mugs and put them on the table, one before her and the other to where he sat. Naglagay rin siya ng creamer at sweetener sa mesa.
"In case you want more sugar or creamer."
She put the cup on her lips and sipped. "Its good. Thank you."
   Napangiti si Edward. Kahit matagal na ang lumipas ay naaalala pa rin niya ang gusto nitong timpla.
  Namayani ang katahimikan hanggang sa naisipan niyang ayusin kung anuman ang gusto na namagitan sa kanila sa nakaraan.
"Listen, may," he started. "Alam Kong nasaktan kits noon, and I know that whatever I do or  say would not change that fact. But still, I want to apologize to you. Gusto ko sana na mating maayos na ang pakikitungo natin sa isat isa".

MY DREAM WEDDING " MAYWARD" CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon