Chapter 16 Disapproval

21 0 0
                                    


Glen's POV*

Buti naman pumayag sila na hindi na mag away pa.Dahil kung hindi, baka pag umpugin ko sila.

"Bukas, mag usap tayong tatlo, to make things clear as a crystal." ani ko sakanila.

"Sounds good, Glen." sang ayon ni Ryko.Nginitian ko lang sya upang ganti sa pag sang ayon.Tiningnan ko naman si Jason habang naka pout.

"Fine.For you my princess." nakakatawa sya.Ang lakas ko pala sakanya.Hahaha!

"Yeey!Thank you Jace!" at niyakap ko sya.

Kumalas na ako sa pag yakap dahil nanjan pa si Ryko.

"Ok, tomorrow 9am." sabi ko sakanila.

"Sure," lalapit na sana si Ryko saakin upang yakapin ako pero biglang naubo si Jason kaya napatingin kami sakanya. May ubo ata sya.

Agad ring ibinalik ni Ryko ang atensyon nya saakin. "I'm sorry about what happened a while ago.I didn't mean to do that. It was just an accident, Glen." paghingi nya ng dispensa.

"I know. Dapat kasi hindi na ako nakialam." ani ko sabay yumuko.

"Yeah, feeling WonderWoman ka kasi kahit na prinsesa kita." singit ni Jason. Bigla akong namula sa sinabi nya.Pinapakilig nya nanaman ako.Anu ba 'to!

"Una na 'ko Glen. See you tomorrow. Umuwi na rin kayo, it's already 6:15 pm." at umalis na sya. Bigla naman akong napatingin sa relo ko.Sh*t!Gabi na! Pagagalitan ako ni mama nito eh!Kailangan ko nang umuwi! Agad kong kinuha ang bag ko.

"Glen! Ihahatid na kita!" bigla akong napatigil at humarap sakanya saka tumango. Habang nasa taxi kami pauwi saamin, hindi ko mapigilang kabahan, kaya ngina-ngatngat ko ang mga kuko ko. Habbit ko na sa tuwing kabadong kabado ako. Pano pag nakita ni mama si Jason? Baka pagalitan nya ako. Huhu. Ano kayang magiging reaksyon ni mama? Mag papakilala kaya si Jason bilang man liligaw ko? Jusko. Help me.

"Don't be nervous. I'm here. Ako ang bahala sa'yo." ani ni Jason sabay hawak sa kaliwa kong kamay. Tiningnan ko sya sabay ngiti ng pilit. Mainit ba sya o malamig lang ako? Waahh yoko na. Nang nasa harap na kami ng bahay namin, agad akong binayaran si manong saka bumaba.

"A-ah Jace.. Jan ka muna sa likod ko ha?" kabado kong sambig sakanya. Kinakabahan talaga ako. "Sige." tign nya.

Nang kumatok ako sa pinto namin, bumungad agad saakin si mama na amoy adobo. Nag luluto ata sya.

"Oh anak, bakit ngayon ka lang? Medyo nagabi ka ata?" nag aalala ngunit nakangiti nyang sambit. Tila nawala ang boses ko at natuyo ang lalamunan ko. I don't know what to say. Ngayon pa lang ako nag dala ng lalaki sa bahay. At hindi pa talaga alam ni mama na manliligaw ko sya. Sana kainin ako ng lupa ngayon na.

"A-hh..Si Jason ma, ka—" agad akong naputol sa sasabihin ko, nang sumingit si Jason. Lagot na talaga.

"Nililigawan ko po ang anak ninyo." agad nawala ang ngiti at pag aalala sa mukha ni mama sa narinig.

"Manliligaw?" bumaling ang tingin mya saakin , habang ako napayuko na lamang at kinagag ang pang ibaba kong labi. Mapapatay ako ni mama nito eh.

"Opo. Pasensya na po kayo at ngayon nyo pa lang po nala—" pinutol na agad ni mama ang sinasabi ni Jace.

"Wag ka na mag paliwanag, hijo at umuwi ka na sa inyo. Ako na ang bahala sa anak ko." nilingon ko si Jace na napagingin saakin saka tinanguan sya at ngumiti ng may pag alinlangan. "Sige po. Magandang gabi. Bye, Glen.
Pagka alis nya, pumasok na ako sa bahay. Mukhang tulog si lola kaya nakapatay ang tv.

You are my First Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon