Kabanata Siyam - Paglipad
NARIRINIG ni Emanuela ang ungol ng paghihirap. Papalapit ito nang papalapit at mas lalo iyong nagiging malinaw sa kanyang pandinig. Sinundan iyon ng lagabag. Parang may mga taong naglalaban sa kanyang paligid.
“Gising, Emanuela.”
Dovee.
Masyadong malaki ang hangarin niyang malaman kung ano ang dahilan ng mga ingay kaya iminulat niya ang kanyang mga mata. Binulaga siya ng kadilim. Kinapa niya ang lamp shade sa side table at binuhay.
Wala namang tao sa silid. Kung ganoon, sa labas nagmumula ang ingay. Is it safe if she goes out and sees for herself the cause of the commotion?
Patuloy sa paglakas ang mga ingay.
Naptili siya nang biglang bumukas ang pinto at bumulagta sa sahig ang isang Barbak. Sinasalakay sila!
Sumunod na pumasok ang isang nilalang na may pakpak na kulay ginto maging ang kulay ng buhok nito. May tattoo ito sa magkabilang braso na pakpak. Wala siyang nagawa kundi ang manood na lamang habang pinupunit nito ang katawan ng Barbak. Mula sa likuran nito, lumabas ang isang espada at itinarak sa may dibdib ng Barbak. Nagpakawala ng isang huling sigaw ang Barbak bago bigla itong mawala.
Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. Tumingala ito sa kanya.
“Az?”
She knew that it was him despite the freaking wings and the colors of his hair. Napakislot siya. Nagbabaga ang mga mata nito at tumitinggin sa kanya na parang siya na ang isusunod. Napailing siya. Hindi na ito ang Az na nakilala niya sa kaunting panahon.
Ito ba ang sinasabi nilang hindi sila isang normal na bodyguards?
Humakbang ito papalapit sa kanya at napaatras siya sa kama. Hindi na niya maintindihan ang sarili. Maybe her actions were just pure instincts. Sinong babae ang nasa tamang pag-iisip na hayaang lumapit sa kanya ang isang lalaking nag-aanyong isang mabangis na halimaw?
More beastly than Daniel?, anang isip niya.
She groaned when she fall off the bed. Sumasakit ang pang-upo niya. Hindi pa man siya nakakatayo nang hablutin siya ng lalaki at kargahin.
Nagpupumiglas siya rito subalit inilipad na siya nito.
“Pakawalan mo ako,” wika niya. Pinagbabayo niya ang dibdib nito ngunit parang hindi ito nasaktan. “Ibaba mo ako!” Napakainit ng magkabila niyang pisngi. Why is a man touching her?
“Hindi ba sabi ko tatakas tayo?”
Napatigil siya at tiningnan ito. Nakapokus ang mga mata nito sa unahan. Siguro sa nililiparan nito.
Huwag ka ngang magdrama. Dapat nasanay ka na sa mga kababalaghan na nangyayari sa lugar na ito.
“Si Alvin?” sa wakas ay nasabi na rin niya. Pababa na sila ng katilyo subalit wala siyang nakikitang miyembro ng Lorentz Clan. Nasaan na sila? Maski ang mga Barbak ay hindi niya nakikita. “Bakit walang mga tao?”
“Hindi sila mga tao gaya mo.” So he knew. “Namatay na ang ilan sa kanila. Serves them right,” tiim-bagang nitong wika. Unti-unting humuhupa ang pagbabaga ng mga mata nito. “Wala silang mga kwenta. Hindi nila makita ang mga kalaban.”
“Nakikita mo rin sila?” Ipinagpalagay kasi niya na sa pamamagitan ng pang-amoy, natutunton ni Az ang mga Barbak. Gaya nina Daniel? Wait. Bakit ba palagi niyang iniisip ang lalaking iyon? Malapit na silang makatakas. Nasa hallway na sila ng kastilyo at isang pinto na lamang, magiging malaya na sila.
“Oo naman,” may pagmamalaking wika nito.
Hinawi ni Emanuela ang buhok na tumabing sa kanyang mga mata. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa mga mata nito. Unti-unti niyang nakikita ang pagiging Az nito kahit na naroroon pa rin ang mga pakpak. Pero aaminin niyang napakaganda ng mga pakpak nito. Parang napakasarap hawakan.
Ilang sandali, kasabay na nila si Alvin sa paglipad. Gaya rin ni Az ang kulay ng buhok nito – ginto. Maari kaya iyong ibenta? Kumikislap ang mga mata ni Alvin.
“Busog na busog ako.”
“Ilan ba ang napatay mo?”
“Lima.”
Palipat-lipat ang tinggin niya sa dalawa. Hindi niya maintindihan ang takbo ng usapan ng dalawa. Subalit sigurado siyang hindi ordinaryong pagkain ang pinag-uusapan nila.
“Ninakaw mo ang mga pagkain nina Daniel?”
“Hindi no.”
“Anong kinain mo? Huwag mong sabihing Barbak ang nagsisilbi ninyong pagkain?”
Ngumisi lamang ang dalawa. Tama siya.
Nasa labas na sila ng kastilyo. Sa ibaba, nakita niya Ricardo at Daniel na nakikipag-away sa apat na Barbak habang umiiyak sa tabi si Carmela.
“They don’t stand a chance,” wika ni Az.
Tumigil ang dalawa sa paglipad at nakamasid sa labanang nangyayari.“Sabi niyo, pagkain niyo ang mga Barbak. Bakit hindi niyo sila kainin?”
“Masakit na ang tiyan ko.”
“Daniel…Ricardo…” wika ni Carmela.
Nagtagis ang mga bagang ni Emanuela. She did not felt the cold. It was from irritation from her bodyguards.
“Tulungan natin sila.”
Az snorted. “Hayaan natin sila. Hindi pa iyan sapat sa ginawa nila sa atin. Let’s just enjoy the show.”
Muli niyang binalingan ng tinggin si Carmela. Nangangatog na ang bata sa sobrang takot. Patuloy pa ring nakikipaglaban sina Daniel sa mga Barbak.
“I can’t stand watching them. Ibaba mo ako, Az,” marahan niyang wika. Call it suicidal or craziness but her conscience won’t let her just stare at them and do nothing.
“May magagawa ka ba? Kahit na nakikita mo ang mga kalaban, hindi pa rin iyon magiging sapat.”
Masakit iyong pakinggan ngunit iyon naman ang totoo. Hindi niya alam kung paano makipaglaban. Pero hindi na muna niya iyon iisipin.
“Ibababa mo ba ako o –“
Isang malakas na tili ang nagpahinto sa kanyang pagsasalita. Paglingon niya, isang Barbak ang papalapit sa bata.
BINABASA MO ANG
Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)
WerewolfNasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang magkaroon ng problema sa kanilang helikopter na sinasakyan at bumagsak iyon. Nagising na lamang siya na nasa isang kagubatang pagmamay-ari ng...