Kabanata 20: Pagsubok
SA loob ng tatlong araw, namalagi sina Emanuela malapit sa talon. Ilang beses na binaba ni Alvin at binaybay ang malawak na agos ng tubig. Bumabalik lamang ang lalaki kapag lumulubog na ang araw, pagod.
Sinisi niya ang sarili sa nangyari. Siya ang punterya ng Barbak pero sinalo ni Az ang atake nito.
“Kailangan na ninyong umalis,” basag ni Daniel sa katahimikang namamayani. Iritado ito. Kanina pa niya ito napapansin na hindi mapakali.
“Hindi ako aalis kung hindi ko nakikita si Az. Ikaw na lang ang maghatid kay Boss Em.”
In an instant, Alvin was slammed in a tree. Alam niyang masakit iyon ngunit tila walang naramdaman si Alvin. He seemed souless. Nawala na ang pagiging masiyahin nito. Hindi man lang ito lumaban.
Hinawakan niya sa braso si Daniel.
The beast was trying to take control. His claws was visible. Blood started to came out on alvin’s neck. Kung hindi niya mailalayo si Daniel sa lalaki, baka mapatay nito ang lalaki.
“Bitiwan mo siya, Daniel.”
He wouldn’t budge. He was really strong.
“Masyadong mapanganib kung ako ang kasama niya sa paglalakbay. Kabilugan ng gabi ngayon.” Tama. Nakalimutan na nila ang bagay na iyon. “What’s the point of finding him? Inagos na siya ng tubig.”
Biglang tumalim ang mga mata ni Alvin. “Buhay pa siya!”
“Mas mabuting habang maaga pa, tanggapin mo ng wala na siya. Patay na siya.”
“Tumigil ka, Daniel.”
Nahigit niya ang hininga nang tapunan siya ng tingin ng lalaki. Kulay ginto ang mga mata nito.
Napalunok siya.
Huwag kang matakot.
Ibinalik niya ang tingin nito.
Walang ano-ano’y tumilapon siya sa lupa. Nagbuno ang dalawang lalaki. Suntok. Sipa. Tadyak. All she could do was stare at them. Kung magpapagitna siya, matitikman niya ang malalakas na suntok ng dalawa.
Hinayaan niya lamang ang dalawa. Minsan, kailangang idaan ang problema sa pisikalan.
Ilang minuto rin ang dumaan bago natapos ang dalawa. Both of them were breathing heavily. Kapwa ang mga ito may sugat sa labi.
“Tapos na kayong magpatayan?” untag ni Emanuela.
Dumura si Alvin at pasuray-suray na lumapit sa kanya.
“Aalis na tayo, Boss Em.”
Lumipat ang tingin niya kay Daniel. Pagkatapos ng suntukan, animo hindi pa rin ito kalmado. “Paano si Daniel?”
“Alam ko ang daan pabalik…Umalis na kayo,” sagot nito ngunit hindi tumitingin sa kanila.
HINDI maintindihan ni Daniel ang sarili. Nagbabadyang kumukuha ng kontrol sa kanyang pagkatao ang halimaw.
Lumubog na ang araw at kasabay niyon ay ang unti-unting pagkawala ng kontrol niya. His sense of smell and sight was three times better and it was bad. Dahil diyan, madali na niya silang matutunton.
Isang hakbang…Tigil!
Kailangan nilang makalayo.
He kicked the nearest tree and it split into two.
Huminga siya ng malalim. Hindi pa tamang panahon. He scratched his chest. His soul was calling for his other half. Emanuela. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na pagreklamo ng halimaw at ang pagtawag nito sa meñuza nito.
BINABASA MO ANG
Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)
Loup-garouNasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang magkaroon ng problema sa kanilang helikopter na sinasakyan at bumagsak iyon. Nagising na lamang siya na nasa isang kagubatang pagmamay-ari ng...