Kabanata Walo - Bodyguards

1K 28 0
                                    

Kabanata Walo -  Bodyguards

“Mabuti naman, Boss at maayos lang ang kalagayan ninyo.”

Tipid siyang ngumiti. “Oo.” Nagkaroon nga lang ng sugat sa ulo. “Ano nga palang ginawa ni Daniel sa inyo? Sinaktan ba niya kayo?”

“Tapusin mo muna ang pagkain mo,” utos sa kanya ni Az. Kung umasta ito ngayon, parang ito pa ang amo. Subalit hindi naman niya magawang magalit rito.  Ano bang karapatan niya? Siya ang dahilan kung bakit sila napunta sa lugar na ito.

“Oo nga, Boss. Tapusin muna natin ang pagkain. Gutom na gutom na ako,” at hinimas ni Alvin ang tiyan nito. “Kain muna bago tanong,” segunda naman ni Alvin.

Tahimik na lamang niyang sinunod ang dalawa. Pinagsaluhan nila ang mga pagkaing ibinigay ni Daniel. Matapos maubos ang pagkain, agad siyang nagbalik sa kanyang tanong. “Ano na?”

Nagpalipat-lipat ang tinggin niya sa dalawa.

“Hindi naman niya kami sinaktan. Hindi nga lang niya kami binigyan ng pagkain. Tubig lang at marumi pa,” sagot ni Alvin. Kapwa tensyunado ang mga balikat nito.

Parami nang parami ang atraso sa kanya ni Daniel. Ngunit hindi na muna niya iisipin ang lalaking iyon. Kukulo lamang ang dugo niya at baka mawalan na naman siya sa kanyang sarili. She was still partly to be blame on what happened to her. She rushed. She was acting like the very brave Gabriela Silang. At ito ang nangyari sa kanya.

“Pero buhay pa kayo. Salamat sa Dios.”

Kinuha ni Alvin ang natitirang mansanas at kinagat. Muntik na itong mabulunan nang sikuhin ito ni Az at tumingin sa kanyang direksyon. Naglagay din ng prutas si Daniel. Ngunit kung inaakala nito na malilimutan na niya ang ginawa nito sa kanya, kailangan pa nitong mag-isip ng mas epektibong plano. Magdurusa muna siya.

“Ayos lang, Az. Hayaan na nating ipakain ang prutas kay Alvin.”

“O,” pambibida nito. “Tingnan mo. Ang bait talaga ng boss natin.”

Nag-init ang kanyang mga pisngi. Pagkuway tumayo si Az at nagpalakad - lakad. Kumunot ang noo ni Alvin.

“Kailangan na nating umalis rito.”

Maingat niyang inilagay ang walang laman na mga pinggan sa ibabaw ng mesa. Kung alam lang nito kung gaano kaimposible ang sinasabi nito. Pakiramdam niya, kahit saang lupalop sila makakarating, mahahanap pa rin sila ni Daniel. At naririyan pa ang mga Barbak. Araw at gabi, delikado ang buhay nila.

“Hindi tayo makakaalis dito. Mahigpit ang kanilang bantay.”

“Basta tatakas tayo. Kailangan naming iuwi ka sa inyo. Responsibilidad ka namin.”

Marahas siyang umiling. “Hindi na ako mahalaga.” Hindi pa siya papatayin ni Daniel. Kailangan pa siya nito. “Kayo ang dapat makaalis sa kastilyo. Kapag nangyari iyon, mapapanatag ang aking kalooban.”

Pinaningkitan siya ng mata ni Az. “Hibang ka,” sambit nito.

“Boss pa rin natin siya. Huwag ka namang magsalita ng ganyan sa amo natin,” depensa ni Alvin sa kanya.

“Hindi niyo lang alam ang katotohanan sa lugar na ito.”

Inilagay ni Alvin ang nakagat na mansanas sa ibabaw ng mesa at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang balikat.

“Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi kami basta-basta bodyguards lamang.”

“Bakit? Huwag niyong sabihing bampira kayo?” natatawa niyang wika. Maski yata ang bampira ay normal na bagay na lamang sa kanya ngayon. “Huwag na kayong maglihim sa akin sa totoo niyong pagkatao. I can handle it.”

Nagkatinginan ang dalawa. Kumunot ang kanyang noo.

“Basta hindi kami simpleng bodyguard lang.”

Pinili na lamang niyang manahimik. Hindi na niya pipilitin ang dalawa na sabihin ang anumang mga sikreto nila. Pagkuway napahikab siya.

“Bumalik ka muna sa pagtulog. Babantayan ka namin.”

Itinaas ni Az ang comforter hanggang sa kanyang baba.

“Gumising ka ha?”

Ngiti lamang ang kanyang iginanti hanggang sa hilahin na siya ng antok.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon