Kabanata Labingtatlo- You're Truly a Beast

1.1K 21 0
                                    

Kabanata Labingtatlo– You’re Truly a Beast

THEY were still up in the sky up in the sky that Emanuela could touch the clouds as they passed by. May mga ibon ding animo nakikipaglaro sa kanila sa pamamagitan ng pakikipaghabulan.  Ngunit habang tumatagal, nawawala ang kanilang mga balahibo sa kaniyang paningin. Nagiging letsong manok sila na kaysarap kainin. 

She blinked. Her face flamed. Nakokonsensya siya sa kanyang mga iniisip. Nakakaawa naman ang mga ibon kung leletsunin niya. Ngunit masisisi ba siya? Ilang oras na sila lumilipad at kanina pa nagpoprotesta ang kanyang tiyan. Ayaw naman niyang sabihin sa dalawa na nagugutom siya dahil may inihanda nang pagkain kanina sa kanya ngunit pinili niyang huwag iyong kainin. What about the germs?

Napamura si Az at huminto sila sa paglipad. Anong problema? “Bakit?”

“Anong gagawin natin, Az?” tanong ni Alvin. They were stiff.

“Hindi na tayo maaring bumalik. Napakalayo na nang ibiniyahe natin. Nakita na rin nila tayo,” nagdidilim na saad ni Az.

Ano bang pinag-uusapan nila?

Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa unahan at biglang huminto sa pagtibok ang kanyang puso.

Apat na lalaking may mga pakpak na katulad ng kulay nina Alvin ang papalapit sa kanilan direksyon. May mga espadang nakasukbit sa mga bewang ng apat. But for crying out loud! They were topless! Hindi ba sila nahihiya?

“Rokleb at Zepto,” ani ng isa sa mga lalaki na nagsisilbing lider sa apat.Rokleb at Zepto?Hindi Alvin at Az ang totoo nilang pangalan? Lumipat ang tingin nito sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Nararamdaman pa rin niya ang mga titig nito sa kanya.

“Anong problema, Neso?” kalmadong tanong ni Az.

Disgust was all over Neso’s face. Disgusto sa kanya? “Nag-iba na pala ang panlasa niyo ngayon. Pinapatawa niyo akong dalawa.” Pero unang kita pa lamang niya rito,  alam niyang hindi ito ang tipo ng nilalang na tumatawa. He was serious as Daniel.

“Siya ang aming fetras.”

Bumalik ang tingin niya sa apat. Kumunot ang ilong ng apat. “Fetras,” naiiling na sabi ni Neso. “Napakamalas niyo naman kung ganoon,” puno ng simpatiya nitong saad. “Wala tayong magagawa kundi sundin ang sinasabi nila sa atin kahit na sabihin nilang patayin natin ang ating sarili ay gagawin natin.”

Pwede niya iyong gawin? Paunti-unti siyang kinukwentuhan ni Alvin ng mga magagawa ng fetras sa mga Degras. Ngunit hindi kasali ang ganito kaseryosong bagay.  “Pero hindi ganoon ang gusto ng ama ni Boss Em. Ang gusto lang nito ay maibalik ang anak nito kaya ito ang ginagawa namin ngayon. Hindi namin siya bibiguin.”

Humalakhak si Neso hanggang sa maningkit ang mga mata nito. “At sa tingin ni’yo hahayaan namin kayong itakas ang babaeng iyan ng buhay? Dala niya ang amoy ng lalaking pinangakuan naming paghihigantihan. Pinatay ng Daniel na iyon ang aming kapatid kaya nararapat lamang na patayin din namin ang kanyang meñuza. Mamamatay ang babae, mamamatay din si Daniel.”

Ano?

She didn’t know what the two are planning to do but her panic was slipping. Huwag ni’yo akong ibigay sa kanila. Huwag, piping pakiusap niya.

“Paano mo naman nasasabing siya nga ang meñuza ng asong iyon? Binihag niya ang babaeng ito dahil sa pagpasok niya sa teritoryo nito nang walang palam. Normal lang na dumikit sa kanya ang amoy ng aso dahil ito mismo ang kumulong sa babae.”

Inilagay ni Neso ang kanan nitong kamay sa baba na animo nag-iisip. “Ganoon ba? Napaka-espesyal naman ng babaeng iyan upang kaawaan. Bakit kaya? Kayo?” tanong nito sa mga kasamahan. “Anong masasabi ninyo?”

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon