Kabanata 19: Huli Ka!
“EMANUELA…”
Emanuela did it. Nagawa niyang itarak ang patalim kay Daniel. Betrayal was evident on his face. Hindi. Hindi siya ang ahas sa kanilang dalawa kundi sila.
Tiningnan nito ang punyal na nasa balikat nito at inalis. Napakaraming dugo! Nagbabadyang bumaliktad ang sikmura niya.
Hindi niya pala kayang patayin ito. Sa kabila ng ginawa nito sa kanya, hindi niya kayang saktan ang lalaki. It felt very wrong.
“Emanuela…” Humakbang ito, ipinagsawalang-bahala ang pagdaloy ng dugo sa sugat nito. He grabbed her and hugged her very tight that it was difficult for her to breath. “Akala ko…”
“Ayos ka lang ba, Boss Em? Nag-alala kami nang bigla ka na lang mawala.”
Siya? Nawala? Hindi siya nawala. Pinaglalaruan na naman siya ng tatlo? “Let go of me, Daniel.” Inulit niya iyon nang hindi siya pakawalan ng lalaki. He reluctantly let her go.
Mayamaya’y binigyan niya sila ng tig-iisang malakas na sampal. Nagulat ang mga ito sa ginawa niya.
“Ano ito? Laro? Kanina, gusto ninyo akong patayin ngayon naman, nag-aalala kayo sa kalagayan ko? Sinapian ba kayo ng demonyo?”
“Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Az. “Sinabihan ka na namin na lumapit sa amin, pero anong ginawa mo? Tumakbo ka. Hindi ito laro, Emanuela. Ang kaligtasan mo ang inuuna namin.”
Hinanap niya ang kasinungalin sa mga mata ng tatlo subalit wala siyang nakita. What she saw was concern, genuine concern for her.
Sinampal siya ng katotohanan. “Pinaglaruan mo kaming apat,” akusa niya kay Frederico.
“It was fun,” he defended. “Gusto kong makita ulit ang takot sa mga mata mo.”
Kailan ba sila nagkahiwalay? Kailan nangyari ang paggamit sa mga mukha nila? At si Daniel… she stabbed him. Anong ginawa niya?
“Ikaw ang bampirang pumatay sa ama ko. Sa wakas, nagkita rin tayo.” Hinarangan ni Daniel ang paningin niya kay Frederico.
“Ikinagagalak din kitang makilala, mahal na hari. Pinahanga ninyo ako. Wala pang nakakapasok sa kastilyong ito. Magaling.”
Inilabas ni Daniel ang espada nito. Punit-punit na ang mga damit nito ngunit wala doon ang sugat sa balikat. Ilusyon lang ba ang lahat?
“Dito, sa kastilyong ito, magtatapos ang lahat.”
Ikinampay ni Frederico ang kamay at lumabas ang mga Barbak.
“Sisiguraduhin kong hindi magiging madali ang lahat.”
“Daniel?” tanong niya. “Nakikita mo ba sila?”
“Huwag kang mag-alala. Nakikita ko sila.”
Noong una, nakatayo lamang sila at ngayon, nakikipaglaban na. It was eighteen against four. Hindi niya maatim na tumunganga na lamang habang pinapanood silang nakikipaglaban. Tapos na ang buhay prinsesa niya.
Dalawang Barbak ang agad na napatay ni Daniel. Maybe because he can see them.
Umilag si Az sa atake ng isang Barbak. Itinaas nito ang kamay na may matatalim na kuko at ibinaon sa mismong katawan ng kalaban. Nagpakawala ito ng isang matinis na sigaw hanggang sa maging abo.
Unti-unti nang nawawala ang lakas ng tatlong lalaki ngunit patuloy pa rin ang mga ito sa pakikipaglaban. Tunay nga ang mga itong mandirigma at wala sa bokabularyo ng mga ito ang salitang pagkatalo.
BINABASA MO ANG
Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)
WerewolfNasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang magkaroon ng problema sa kanilang helikopter na sinasakyan at bumagsak iyon. Nagising na lamang siya na nasa isang kagubatang pagmamay-ari ng...