Kabanata 21: Cheers
"P-PATAY na ba siya?" nanginginig ang boses na tanong ni Daniel.
His heart broke upon looking at the bloodied figure of Emanuela. His woman. His meñuza.
Nagising siyang puno ng dugo ang katawan ngunit ang mas malala sa lahat, ang matamis na dugo ng babae ang nalalasahan niya sa labi. It sickened him. How could he? Bakit hindi niya nagawang kontrolin ang halimaw?
"Kung patay na siya, matagal na tayong sumunod sa kanya. Malakas siyang babae kahit ganyan siya kaliit." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Natalo ka niya."
Mapakla siyang ngumiti. "Yeah." She's a strong woman. Ilang ulit na nitong ipinakita sa kanya. Tunay nga itong karapat-dapat na tawaging reyna.
"Kailangan na natin siyang ipagamot. Napakarami nang dugo na nawala sa kanya."
His eyes dragged on her shoulders. It was teared open and was bleeding heavily. Basang-basa na ang tela na inilagay nito sa babae.
Pinangko ito ng lalaki. The beast inside him protested. He should be the one carrying her. Pero hindi niya magawang pagkatiwalaan ang sarili. Muntik na niya itong napatay.
"Bakit hindi mo siya tinulungan? Naamoy ko ang malangsa mong baho kanina."
Naramdaman niya ang presensya nito kahit na nasa ilalim siya ng kontrol ng halimaw. Wala lang siyang magawa upang talunin ito. He was pathetic.
"May batas tayong sinusunod. Mahigpit na ipinagbabawal na makialam kami sa Pagsubok. May alam ka bang manggagamot na malapit dito/"
That reminds him.
Kinapa niya ang bulsa ng pantalon. Nang makita ang hinahanap, agad niya itong nilabas. "Put her down. may gamot ako dito."
Matagal siya nitong tinitigan.
His claws trembled. He wanted to rip his throat for being this stubborn but held himself. Hindi ito ang oras.
"Mahalaga ang bawat segundo. Siguraduhin mong epektibo iyan." Sa unang pagkakataon, naiintindihan niya ito. Their lives depended on the survival of Emanuela. But his life will be meaningless if he's not on her side.
"Huwag kang mag-alala. Pinagawa ko ito kay Dovee."
"Iyong Nicomedu?"
Tumango siya.
He made a hesitant step toward her. Mawawalan ba ulit siya ng kontrol?
"Nandito lang ako."
Salamat, pipi niyang tugon. Kaya niya ito.
Lumuhod si Daniel sa katawan ni Emanuela.
The cuts, blood, broken ribs, bloodied lips, he did all of these. Hindi niya mapapatawad ang sarili.
Kahit na nanginginig ang mga kamay, maingat niya pa ring inangat ang ulo nito at nilagay sa kandungan niya. She was deathly pale. She looked...dead.
Tumigil ka. Hindi pa siya patay. Nagpapahinga lang siya.
Inilapit niya ang bibig ng maliit na bote sa labi nito at pinatakan ng isang patak.
"Paano mo nalaman na epektibo iyan?" tanong ng ibon.
"Buhay pa tayo. Iyon ang mahalaga," sagot ni Daniel. "Pagkatapos nito, iuwi mo siya sa kanila."
"Hindi ko iyan nakakalimutan."
Good.
He sighed in relief when the bleeding stopped. Hindi nasayang ang ilang milyon na ibinayad niya kay Dovee. "It's working." Ginawa niyang kwintas ang maliit na bote. Isinabit niya iyon sa leeg ng babae. "Bigyan mo siya ng isa pang patak kapag nagkamalay na siya."
BINABASA MO ANG
Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)
Hombres LoboNasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang magkaroon ng problema sa kanilang helikopter na sinasakyan at bumagsak iyon. Nagising na lamang siya na nasa isang kagubatang pagmamay-ari ng...