Kabanata Labingdalawa - Mansiyon ni Dovee

1.2K 22 4
                                    

Kabanata Labingdalawa – Mansiyon ni Dovee

EMANUELA stared at the stranger. Parang may kung anong pwersa na nagsasabi sa kanyang tingnan ang lalaki sa labas. Masyadong kakaiba ang kulay ng kanyang mga mata. Animo nagmula ito sa angkan ng mga estranghero, ng mga dayuhan sa Pilipinas. Sobrang puti ng kulay ng balat nito na maaring maihambing sa kulay ng niyebe. At ang kanyang mga labi…napalapula nito na katulad ng kulay ng dugo.

Bumaba ang tingin niya sa katawan nito at doon lang niya napagtantong hubad ito sa pang-itaas. Agad na nag-init ang sulok ng kanyang pisngi.

Look away. Hindi iyan gawain ng isang babae.

But she couldn’t look away. May ginawa ba ang lalaki sa kanya? Kahit na anong pilit niyang huwag tingnan ang katawan nito, hindi niya magawa. Napakaraming peklat sa katawan nito at ang nag-stand out ay isang mahabang peklat na nasa dibdib nito na X.

Anong nangyari sa katawan niya? Inabuso ba siya?

“Gising ka na pala.”

Saka lamang inalis ni Emanuela ang kanyang tingin sa labas. Nag-unat ng katawan si Az at tumayo. Muli niyang sinulyapan ang labas. Wala na ang lalaki.

Ano bang pakay niya? “H-hindi pa katagalan.”

“May problema ba?”

“Wala ka bang naamoy?”

Biglang rumehistro ang disgusto sa mukha nito. “Hindi kami mga aso at huwag mo kaming itulad sa mga asong iyon.”

Kung naririnig lang sana ni Daniel ang piangsasabi ni Az, marahil magpapatayan na ang dalawa.

Kalimutan mo na siya.

“P-patawad.” Masyado pa rin palang sensitibo para rito ang paksa tungkol kina Daniel. “I…I didn’t mean to offend you. I-it’s not like that.”

Nalaglag ang kanyang ulo. Pinagdikit-dikit niya ang mga daliri sa kanyang mga kamay.

“Ihanda mo ang iyong sarili. Aalis na tayo maya-maya lamang.”

Isang mahinang tango ang kanyang itinugon.

“Ano ba? Kita mong natutulog pa ang tao.”

“Sinong nagtanong? Kahit na ilang beses kang magreklamo diyan, mawawalang saysay lang.”

Lumabas ang dalawa. Tumigil si Alvin at ngumiti sa kanya. Lumipat ang tingin nito sa mga prutas sa sulok. Nakangisi nitong tinungo ang pagkain.

Kinagat nito ang hinog na mangga. Napaungol ito. “Hindi na masama para sa umagang ito.” Muli itong kumagat sa mangga.

Pagkuwa’y biglang tumunog ang tiyan niya. Agad siyang nag-iwas nang tingin nang  tingnan siya ng dalawa. “S-sorry.”

“Alvin, bigyan mo rin siya. Huwag kang masyadong matakaw diyan. Hindi ka rin naman mabubusog sa kinakain mo. Lalabas na muna ako.”

Muling lumitaw ang pakpak ni Az. Napakaganda ng mga pakpak nito at gustong-gusto niya itong hawakan. Pinigilan lamang niya ang sarili dahil baka magalit ito sa kanya.

“Nawalan na ‘ko ng gana. Bakit kasi pinaalala pa niya sa ‘kin ang mga Barbak. Boss Em, o,” at inihagis nito sa kanyang direksyon ang isang prutas. Ngali-ngali niya itong sinalo at muntik na niyang hindi ito masalo. Pinagpag niya ang katawan ng prutas.

“S-salamat.”

“Kainin mo na iyan. Huwag kang mag-alala, walang germs iyan.” Kumunot ang noo nito. “Tama ba ako sa germs?” Nag-isip-isip ito. “Umihi pala ako kanina.”

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon