Kabanata 18: Pagbabalik sa Nakaraan

953 21 0
                                    

Kabanata 18: Pagbabalik sa Nakaraan

TUMAKBO lang nang tumakbo si Emanuela. Hindi niya alam ang lugar na tinatahak niya dahil mas importante sa ngayon na makatakas siya sa tatlong lalaki. Tears were starting to gather in her eyes but she refused to cry. Ang sarili na lamang niya ang karamay niya ngayon at kailangan niyang maging matapang.

The mist was getting thicker as minutes passed by. May mga pagkakataon na napapahiyaw siya sa tuwing madadaganan ang mga puno na saka lang niya malalaman na nandoon pala nakatayo sa unahan pagkatapos niyang masaktan.

Masakit na ang mga paa niya ngunit hindi niya magawang tumigil.

She couldn’t believe her eyes. The mist was starting to disappear and saw a door. Pumasok siya sa loob ng kastilyo at ipinagdasal na sana walang Barbak na sasalubong sa kanya.

TUYONG-TUYO na ang lalamunan ni Emanuela nang makapasok siya sa loob. Agad niyang isinarado ang pinto.  Ibinaba niya ang backpack ni Daniel at kumuha ng bote ng tubig. Ibinalik niya rin ito pagkatapos.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Kung nakakatakot sa labas, taliwas naman ito sa loob. Naaadernuhan ang loob ng kastilyo ng mga antigong bagay na puro mamahalin. May mga larawan din ng iba’t-ibang tao na nakasabit sa dingding. Base sa mga pananamit ng mga ito, matagal na ang mga itong pumanaw. Hindi rin niya matukoy kung saang kasuotan nanggaling ang kanilang mga damit. Hindi iyon damit ng mga Espanyol lalong-lalo nang hindi sa mga Amerikano subalit ang bawat magagarang damit ay nanghihingi ng atensyon mula sa tagapanood. Sa ibaba ng larawan ay may nakasulat na mga pangalan at taon ng kapanganakan maging ng pagkamatay.

Sa lahat ng mga larawang naroroon, ang mukha ng isang lalaki na ipinanganak noong 1758 hanggang 1801 ang pumukaw ng interes ni Emanuela. Kamukha ng nasa larawan ang lalaking nakita niya noon sa kubo.

Adolpo Malicden.

Emanuela traced the face of the man with her fingertips.

Wala siyang anumang alikabok na nakikita. Animo, araw-araw na nililinis ang mga larawan pero sino naman? This castle seemed abandoned.

Bigla na lamang siyang nakaramdaman ng sakit. Napahawak siya sa kanyang ulo. Dalawang lalaki ang nakikita niya, sina Adolpo at isang batang lalaki.

Napasandal si Emanuela sa pader.

Mabilis ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya. Namumuo ang malagkit na pawis sa noo niya ngunit hindi niya iyon magawang pahiran. Parang biniyak sa sakit ang ulo niya.

Nag-uunahang lumabas sa kanyang isipan ang mga pangyayari kung saan naroroon ang dalawang lalaki. Mabilis. Bago pa man ma-proseso ng utak niya kung ano ang ginagawa ng dalawa sa eksenang iyon, papalitan na agad iyon ng isa pang eksena.

“Tama na!” sigaw niya sa pagitan ng paghinga. Tuluyan siyang napahandusay sa sahig.

Gusto na lang niyang iuntog sa semento ang ulo niya para mawala ang sakit…

Sa nanlalabong paningin, nakita niya ang nakangising lalaki na nakamasid sa kanya. Isang lalaki na kamukha ni Adolpo.

“S-sino ka?” Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang isang sigaw na gustong kumawala sa bibig niya. Pain rocked her body.

“Huwag kang matakot, mahal na reyna. Bibigyan kita ngayon ng isang regalo para sa inyong dalawa ng supremo. Ipikit mo lang ang iyong mga mata at maglalakbay tayong dalawa sa nakaraan.”

TUMIGIL ang sakit. Baka dahil iyon sa namatay na si Emanuela at hindi na niya nakayanan ang sakit o dahil sa nasa panaginip siya ngayon.

Claiming Emanuela Velasco (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon