INTRODUCTION

172 12 2
                                    

A/n: Enjoy reading. Don't forget to hit the star below and share your comments dear readers!

_______________________________________

"Don't just count your years, make your years count" George Meredith

3RD POV

"Cling! Clang!" Sunod sunod na nagsidatingan ang mga nagmamadaling sasakyan ng mga bombero.

"May nasusunog na namang tahanan."

Isang nakakalungkot na sakuna mula sa katotohanan sa mga oras na ito.

Sa kabila ng kaguluhang iyon, ay ang isang nilalang na napadaan lamang sa eskinitang iyon. Naagaw ang kanyang atensyon ng hindi sinasadyang mabangga siya ng isang ginang na may bitbit pang isang karton ng gatas para sa kanyang anak.

Napahinto siya ng nakita kung paano ang naging reaksyon ng ginang sa sunog na nasa ngayo'y nasa harapan na nito.

Napatakip ito sa sariling bunganga sa sobrang gulat.

"H-hindi!" Bulong nito sa sarili. Bahay nito ang siyang kasalukuyang nasusunog ngayon. Naalala niya ang kanyang pitong taon na anak na kanyang iniwanan sa loob ng kanilang tahanan na iyon. Kasalukuyan itong natutulog ng kanyang iwan. 

Aalis na sana ang nilalang na iyon ng magsusumigaw ang ginang.

"H-hindi anak ko! Tulong! Tulungan niyo ang anak ko. Iligtas niyo siya!" Paghihisterikal nito sa pangamba na nararamdaman para sa kanyang anak.

Napahawak sa kanyang ulo ang nilalang na iyon. Masakit. Sobrang sakit at kirot sa kanyang ulo ang nararamdaman niya ngayon.

Heto na naman ang kanyang sakit na ito. Sumumpong na naman ngayon ang ang kanyang ulo sa pananakit ng sobra.

Napalingon muli siya sa tahanang nasusunog. Ang pagsusumigaw ng ginang ng "anak" at ang ginang na hilam na hilam na ngayon sa luha. Ngunit nanlalabo na ngayon ang kanyang paningin sa sakit na nararamdaman ng kanyang ulo.

Pinagpapawisan na siya sa sakit.

Tinatawag na naman siya ng mga ala-alang hindi niya lubusang maintindihan. Mga ala-alang hindi niya alam kung papatulan o iiwasan.

Mga ala-alang wala siyang kaalam alam ngunit tila ba totoong nangyari.

Napalingon siya sa tahanang nasusunog.

Sa hindi malamang dahilan, bigla ay gusto niyang iligtas ang anak ng ginang.

Hindi niya ininda ang sakit na nararamdaman. Sa matagal na pananatili sa mundong ibabaw, isa sa natutunan niya ay ang tunay na sakit ay hindi sa isip kundi sa puso. Pasimple siyang naglakad papunta sa napakaraming tao na nakapalibot sa tahanan na iyon at dumiretso sa likuran niyon. Kaagad siyang naghanap ng malulusutan o madadaanan. Agad niyang nakita ang isang maliit na bintana.

Tamang tama ang isang drum ng tubig na naroroon sa likuran ng bahay ng mga ito. kung saan naroroon ang kanilang munting banyo. Wala siyang sinayang na minuto, kaagad niyang ipinanligo sa kanyang sarili ang tubig na iyo bago walang alinlangan na nilusong ang apoy mula sa bintana.

Inilinga niya ang paningin.

Naratnan niya kaagad ang bata sa ilalim ng katre nito na umiiyak at halos hindi na makahinga. Nataranta siya. Kaagad niyang sinira ang tela ng kanyang suot na T-shirt kung saan ay basang basa na ngayon. Pagkatapos, kaaagad niya iyong itinakip sa ilong at bunganga ng bata. Binuhat niya ito. Mabigat man ay hindi niya ininda.

Ililigtas niya ang batang ito, ano man ang mangyari.

"Anak! Anakkk koooh!!!!" Halos lumuwa ang mga mamasa masang mata ng ginang habang nanginginig. Masasalamin sa kanyang mga mata ang magkahalong sakit, pangamba, takot, pait, pagsisisi, puwera sa larawan ng nagbabagang apoy mula sa nasusunog nilang tahanan. Hindi maikukubli ng gabi ang hinanakit na nararamdaman ng isang ina ngayon na sobra ang pag-aalala para sa kanyang pinakamamahal na anak.

Nasa isipan niya ngayon ang larawan ng kanyang pinakamamahal na anak. Na ngayon ay nasa loob ng kanilang nasusunog na tahanan.

"Hindi!"

"Hindi maaari!"

Anya sa isipan ng ginang. Hindi niya gusto ang naiisip na maaaring kahantungan ng anak kung sakali. Hindi niya makakayanan.

"Annnnakkk! Koooooh!!!" Bakat na bakat ang litid sa kanyang leeg mula sa mga ugat sa kakasigaw.

Ang kawawang anak niya.

"B-bitawan niyo ako. Ang a-nnak ko." Hilam na hilam na siya sa luha ngunit wala pa iyon sa kalingkingan para mailarawan ang sakit at pag-aalala na kanyang nararamdaman.

Samantalang ang mga taong naroroon naman ay todo awat sa ginang. Sapagkat kung iisiping mabuti, ang buong tahanan nila ay halos apektado na kung kaya't napakadelikado na rito para lumusong pa.

"I-ipaubaya na po natin sa mga bombero ang pagligtas sa anak niyo." Naiiling na pigil sa kanya ng kanyang mga kapitbahay.

Mas lalo siyang napahagulhol sa iyak.

Napakasakit para sa isang ina marinig ang isang 'ipaubaya' lalo na't kung saan tutuusiy walang kasiguraduhan.

Sino ba ang mga ito para sabihin sa isang ina na pabayaan na lamang ang kanyang pinakamamahal na anak sa loob ng inaapoy nilang tahanan?

At iasa sa mga bombero kung saan walang kasiguraduhan kung masasagip pa ito o hindi?

"Ang anaak! k-ko." Nanginginig na siya ngayon at tila nahihibang ng siya ay magtatalon at magbalak na lusubin ang kanyang tahanan ng walang ano-anuman.  Naiiling siya sa sobrang pakiramdam na tila ngayon palang ay pagkabigo.  Hindi niya mapigilang magtatalon sa magkahalo halong pakiramdam.

Hindi maaari!

"M-mama!" Natahimik ang ginang ng biglang marinig ang boses ng kanyang anak sa kanyang likuran. Nilingon niya kaagad ito.

Ang anak niya!

"An-nak!" Humahagulhol na muli ito ngayon at patakbong sinalubong ang kanyang anak na ngumangawa na rin sa iyak ngayon.

Takot na takot rin ang kanyang anak.

Napangiti ang nilalang na nagligtas sa batang iyon. Natutuwa siya dahil nawala ang pagkirot at sakit na naramdaman niya sa kanyang ulo ng makitang okay na ang mag-ina.

Sa isang daang libong taon na pananatili rito sa mundong ito.  Napakarami niyang natutunan at ngayon ay nakasanayan na rin.

Marahil ngayon ay nagtataka kayo kung bakit isang daang libong taon kung nabubuhay ito sa mundo ng mga tao na?

Hindi niya rin alam. Basta ang alam niya lang hindi siya normal na tao.

Siguro nga, maaaring may mga tao ring kakaiba sa mundong ito, ngunit

naiiba siya sa lahat.


_______________________________________

a/n: First of all, in update ko nalang siya for I was really kidding way back in the previous parts. (haha kunwari) People, hope you support this story if ever na naligaw ka sa story kong ito. I promised, I will make this an indeed fantasy. A classic one. Thank you.

P.S. For any question you can ask me.

Parallel Worlds [STARS UNIVERSITY BOOK I]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon