A/n: Hello! Again. I'm hoping na hanggang dito stay strong ka pa 'din. Thank you readers! Don't forget to vote and share your comments.
_______________________________________
[ TAON 1999 ]
"Life doesn't come with a manual, it comes with a mother."
Stars University
Unang araw ng pasukan halos lahat ng bagong estudyante ay nagkakandarapa sa pagdaong sa mismong Isla ng Boracay.
"Makinig ka anak, pagbutihin mong maigi ang pag-aaral." Napailing ang batang babae ng bitiwan ito ng kanyang ina. Tumulo ang kanyang mga luha sa mata. Hindi niya gustong maiwanan roon mag-isa malayo sa kanyang ina.
"A-nnak kailangan mong magpakatatag. Rito, wala kang kakailanganing bayaran para mabuhay. H-hindi na masyadong mahihirapan si mama." Humahagulhol na rin ang ina nito.
Walang nagawa ang anak kundi sundin ang utos ng kanyang ina ng tumalikod na ito at bumalik sa barko.
"M-mama-" Nasinok ang bata ng masilip ang kanyang ina na umiiyak sa likod ng bintana ng barko na kanina niya lang din binabaan.
Napakahirap ng kanilang buhay kung kaya't sisiguraduhin niyang magpapakabuti siyang mag-aaral rito.
Sa kabilang banda napakaraming estudyante sa mahiwagang paaralan na iyon ang naghihintay at nag-aabang sa darating na school bus. Maya maya ay dumating ang isang napakakulay na school bus. "Stars University" ang siyang nakaukit sa paligid nun.
"Woah!" Manghang mangha ang mga bagong salta na mag-aaral sa lugar na iyon. Maliban na lamang sa sobrang ganda na isla ay ang katotohanang nanabik sila sa kanilang magiging paaralan.
Hila hila ang kanilang maleta, excited na sumakay ang mga estudyante sa kanilang school bus.
Napakaaliwalas ng paligid. Napakatahimik. Napakasariwa ng hangin.
"Welcome to Stars University" Isang napakalaking banner ang sumalubong sa mga bagong estudyanteng ito. Tuwang tuwa ang lahat at mukhang magkakaroon ng kasiyahan.
"Fall in line new students." Istriktong sabi ng guwardiya na magbubukas sa kanila sa napakalaking gate ng paaralan. Kaagad na kumilos at sumunod naman ang mga estudyanteng ito.
Mahahalatang rito pa lang ay todo sa disiplina ang mga mag-aaral ng kanilang mga tauhan sa paaralan.
****
Someone's POV
"W-hat?" Halos atakihin sa puso ang kanyang ina ng malaman na kagagawan ng kanyang anak ang nangyaring napakalaking sunog ngayon ngayon lang na nasa balita sa TV.
Napalingon ulit ang ina nito sa balita.
Just no way!
Bigla siyang nakaramdam ng sobra sobrang takot na hindi niya man lang naramdaman ng iwan silang dalawa ng anak ng kanyang asawa.
Napailing siya. Pinalaki niya ng tama ang kanyang anak. Hindi maaari.
"Y-you must be kidding." Nakasapo ito sa sarili nitong dibdib sa sobrang kaba na nararamdaman sa mga oras na ito.
"No!- l-listen m-mom. I am now telling you the truth, b-believe me. I killed those 2-203 people." Hilam sa luha na pagtatapat niya sa kanyang ina. Napapikit ang kanyang anak habang inamin ang katotohanan sa kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Parallel Worlds [STARS UNIVERSITY BOOK I]
Fantasy#445 in FANTASY Two different worlds. Na kailanman ay hindi magiging isa. She was born as a powerful princess of their kingdom. Where everything seems ambiguous to her. Just one thing is clear to her, it is the STRONGEST CURSE. . . . . Habang a...