A/n: Hello there! I think I didn't update this for how many days, and so sorry for that. Things just get a little complicated with my "everyday updates" because I prioritized first my study. Haha. Lol. Last Monday and yesterday I've been very busy there in school. Got some stuff to finish and finally, I am now enrolled as a fourth year college student. As of now, I still have some time to keep writing until June 13, which will be the start of my class.
_______________________________________
You don't just have to die for the people you love. You need to live for them too.
CATHERINE'S POV
Sa'n kaya ako sasakay sa sunod?
Hila hila ang kanyang maleta isang huling tingin ang ibinigay niya sa eroplanong kinalululanan ng kanyang ina.
Mom, you didn't deserve to have a daughter like me. Pleaseee... Just let me go.
Pinunasan niya ang luhang kumawala sa kanyang mga mata.
"Para."
Huminto ang isang tricycle sa kanyang harapan. Nagpahatid siya roon papuntang Tabon port ayon rin sa instruction na ibinigay sa kanya ng taong nakausap niya sa telepono.
Nagresearch siya sa computer ng mga nakaraan napag-alaman niyang dalawang pier ang papuntang Boracay. Ang una ay ang Caticlan Jetty Port at ang pangalawa ay ang Tabon Port. Ayon naman sa nakausap niya sa telepono, ang tabon papuntang tambisaan talaga ang daanan ng mga taga STARS UNIVERSITY para hindi masyadong matraffic at maabala sa Boracay.
Isa pang dahilan ay ang katotohanang ang STARS UNIVERSITY ay isang lihim na paaralan lamang na nakatago sa loob ng Boracay.
Lulan ng bangka, napapaisip siya kung nasaan na kaya ang kanyang ina?
Mom, I hope you'll forgive your daughter.
Nagulat siya ng may kumalabit bigla sa kanya. Isang babae iyon at mukhang kaedad niya rin.
Kulot ang buhok nito. Nagtatakang ekspresyon ang ibinigay niya rito.
"H-hello. M-may kasama ka?" Nauutal na tanong nito. Napansin niyang may pagkatigas ang pagtatagalog nito. Parang narinig niya na somewhere sa isang Pelikula rito sa Pilipinas.
Sino ba 'tong isang 'to?
Feeling close ba 'to?
Puwes wrong timing yata.
"I don't understand you." Pagtataray niya rito. Sa tutuusin, naintindihan niya ito dahil nakakapagsalita rin siya sa wikang Tagalog at English. Pero wala siya sa mood makipag-usap ngayon.
Nawalan naman ng kulay ang mukha ng katabi niya sa bangka. At napakamot ng ulo.
"H-halah. Englishera di ay ning bajie. Kanin-o ba ko puwedeng magpangutana uy. Kahadlok ba diria nga ikaw lang usa." Pagsasalita nito sa hindi niya maintindihan na dialekto. Isang nahihiya at nanghihinging paumanhin ang ibinigay nito.
Napailing nalang siya sa narinig.
Maya, maya huminto na ang bangka na sinasakyan nila sa tambisaan mismo.
BINABASA MO ANG
Parallel Worlds [STARS UNIVERSITY BOOK I]
Fantasy#445 in FANTASY Two different worlds. Na kailanman ay hindi magiging isa. She was born as a powerful princess of their kingdom. Where everything seems ambiguous to her. Just one thing is clear to her, it is the STRONGEST CURSE. . . . . Habang a...