Chapter 1: PART 9

61 2 0
                                    

A/n: Hello! Ngayon lang ulit nakapagload, kaya ngayon nalang ulit mag-a-update people! :-) BIRTHDAY UPDATE to, haha. Happy birthday to me kasi e. Enjoy reading.

_______________________________________

You can be the moon and still jealous of the stars. Gary Allan

Cara's POV

Kaninduta ba maamiga kaning mga buutan uy. ( Ang sarap talagang maging kaibigan ng nila lalo na't mukha silang mababait.)

Ipinanganak na akong nakakakita kahit na kaliit liitang bagay, o kahit nasa malayo pa 'yan pero kahit kailan 'di ko man lang makita kung sinong tao ang maaari kong maging kaibigan.

Minsan nakakainis isipin na walang silbi na nakakakita ka ng mga bagay na hindi basta basta nakikita ng iba, pero 'di mo man lang makita kung sinong tao ang may totoo at hindi nga pakikitungo sa 'yo.

Nakakahiya mang aminin, pero ni isa wala talaga akong naging kaibigan.

Halos lahat kasi ng kababata ko, natatakot sa akin dahil maging multo nakikita ko.

Oo, hindi lang mga bagay sa malayo, o maliit na bagay sa mundo ang nakikita ko. Maging ang mga multo, at 'di normal na mga nilalang nakikita ko. At oo, totoo sila.

Ang sarap nga naman nitong Fish Crackers na napiling bilhin ni Danica. Binilhan sila nito ng tag-iisa at maging Pepsi na softdrinks.

Minsan lang siya makatikim nito. Mahirap lang kasi sila, sa makatuwid galing siya sa mahirap na pamilya sa probinsya. Nabubuhay sila sa maliit na hanap-buhay at pagtitipid sa buhay. At masaya siya doon.

Kumapit siya sa braso ni Danica habang naglalakad papuntang lugar na nakita niya kanina. Sa palagay niya, makakasundo niya talaga ang mga ito bilang mga kaibigan.

Sobra.

Nagulat sila ng wala ng taong nakikita pagtungtong sa pinakaharapan ng unibersidad at isang babaeng pinapaulanan ng itlog na lamang ang naroroon.

Parang alam na nila ang nangyayari.

Balak na sana nilang magtago ngunit huli na sapagkat nahuli na sila nito. Seryoso itong nakatingin sa kanila.

Masyadong malamig ang tingin nito para 'di siya kilabutan.

Siguradong mamimisinterpret nito ang nangyayari dahil ito ang biktima sa mga oras na ito.

Halos malagutan siya ng hininga ng makita niya itong lumipad patungo sa kanila.

Woah! Kakaiba. Nakakalipad si inday.

Alam niya ang salitang kagandahan pero kakaibang larawan ng kagandahan ang nakikita niya ngayon. Kulang ang ganda at dyosa para ilarawan ang babaeng napakirikit sa kabila ng malamig nitong awra.

Huminto ito sa harapan nila at nakipagtitigan lamang. Pakiramdam niya unting-unti na lamang at papapalya na ang tuhod niya sa sobrang kaba.

Dug-dug-dug. Ramdam na ramdam niya ang sobrang kabog ng dibdib niya sa hindi malamang dahilan.

Maya maya, huminto ang tingin nito kay Jenny Bhie at tila nakikipag-usap rito.

****

Jenny Bhie's POV

Isang babaeng mahaba ang alon alon na napakaitim nitong buhok. Balingkinitan ang makurba nitong katawan, napakakinis ng kutis, at makapal ang lipstick na suot. Matangkad ito na bumagay sa hitsura nitong napakaganda. Ngayon lamang siya napahanga ng isang kagandahan sapagkat ang karikitan nito ay tunay na kakaiba. Totoo iyon, ngunit hindi niya maitatanggi na mas lamang ang kalamigang taglay nito. Napakalamig ng awra, na maging ang paligid ay biglang nabalot ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Parallel Worlds [STARS UNIVERSITY BOOK I]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon