A/n: Hello readers! I'm sorry for the super late upload. Nawalan ng power, nag-expired si load. Sa'n ka pa? Haha. Okay, just enjoy reading. If you got confused by some parts, feel free to ask me some questions.
_______________________________________
Some women fear the fire, some women simply become it.. r.h. sin
Jenny Bhie's POV
"Ano ba 'yan natatae na naman ako." Gusto kong masuka sa nabasa ng isipan ko kay Rose.
"Ang guwapo talaga ni Prof. John. He he." Si Sheena iyon habang pangiti ngiti mag-isa at yakap yakap ang unan niya.
'Di ko mapigilang mapailing.
Oo, totoo talagang nakakabasa ako ng isipan ng mga tao. Basta malapit lang sila, mababasa at mababasa ko ang isipan nila agad agad. Kaya nga ko pumasok sa paaralang ito e, para matutunan kung paano ko makokontrol 'tong kakayahan ko. Nakakaloka na kasi kung minsan e.
Minsan dumating na 'ko sa puntong pati problema ng iba, pinoproblema ko na. Tss.
Pabalik na 'ko sa higaan ko ng masulyapan ko si Catherine. Tulala ito ngayon sa kisame habang sobrang lalim ng iniisip.
Sa puntong ito, 'di ko naman mapigilang magpakawala ng malalim na hininga.
Sa totoo lang, sa dinami rami ko ng napuntahan na lugar 'di lang rito sa Pilipinas, masasabi kong halos napakaraming tao na ang aksidente kong nalaman ang iniisip. Halos lahat nalang yata ng pakiramdam naramdaman ko na sa mga pagbabasa niyon, minsan kikilabutan ka nalang, magkukyuryos, magagalit, matatakot, maiinis, malulungkot, maawa, maiiyak, masuwerte ka nalang talaga kung nakakatawa o mapapangiti ka ng binasa mo.
Sa lahat ng taong nabasahan niya ng isipan, si Catherine ang pinakatumatak sa kanya. Akala niya noong una, napakatahimik lang talaga nito pero laking gulat niya ng malamang may itinatago pala itong kalungkutan. Isang bangungot nito ang sumampal sa kanya kung sino ito.
Naiintindihan niya ito, sobrang naawa siya rito. Iba lang talaga ang naging reaksyon niya noong una sapagkat hindi niya iyon lubusang inaasahan. Akala niya kasi noon, siya lang ganito sa mundo. Na bukod sa kakaibang abilidad niya, ay ang katotohanang walang nagtatagal na kaibigan sa kanya dahil nakakabasa siya ng isipan ng mga tao.
May mga pagkakataong makikipagkaibigan pa lamang siya ay nauudlot na kaagad kapag nabasa niya na kaagad ang iniisip ng mga ito tungkol sa kanya.
'Di ba, kahit naman sino nasa kalagayan ko, kung nabasa mong kinaiinisan ka ng taong gusto mong kaibiganin, mahihirapan ka talagang makisama lalo sa mga ito.
'Yun kasi 'yung masaklap e.
Alam mo sa sarili mo na hindi mo mapapakisamahan ang taong may masamang iniisip tungkol sa 'yo.
Na tila ba napakalupit ng tadhana para rito.
Iniisip niya kung siya ang nasa kalagayan nito baka 'di na siya humihinga ngayon dahil siguradong matagal niya ng sinukuan ang buhay sa depresyon.
"Wa ba tay malaagan diri day? Kaboring ba kaayo uy." Si Cara iyon.
Napakamot naman si Danica sa ulo.
"Wa 'ko kabalo." Walang ganang sabi ni Danica.
BINABASA MO ANG
Parallel Worlds [STARS UNIVERSITY BOOK I]
Fantasy#445 in FANTASY Two different worlds. Na kailanman ay hindi magiging isa. She was born as a powerful princess of their kingdom. Where everything seems ambiguous to her. Just one thing is clear to her, it is the STRONGEST CURSE. . . . . Habang a...