Chapter 1: Part 5

45 3 0
                                    

A/n: Hello! I'm so sorry for not giving update last day because of my lost in signal. Binalak ko talagang gabi mag-update, before 12, but the he*k, kaloka ang habagat... Haha. Nawalan ako ng signal, so natulog na lang ako. O, heto na... Maaga talaga ako nagising para rito.

Enjoy reading! :-)

_______________________________________

"Sometimes judgements were given by some people because of what they learned before." Catherine

CATHERINE'S POV

Naiwan siya sa kanilang lamesa at hinintay na lamang ang mga ito na matapos mag-order ng kanilang pagkain. Nagpalinga linga siya sa labas ng kanilang cafeteria, glass rin ang harang kung kayat kitang kita ang nangyayari sa labas. Pinagkasya niya na lamang ang kanyang sarili sa pagmamasid sa mga dumaraan na estudyante roon.

Napansin niya ang isang cafeteria sa tapat ng cafeteria'ng kinalalagayan ngayon. May isang estudyante roon na nasa counter at pumili ng mauupuan pagkatapos makaorder. Nakahood ito ng maluwang kung kayat halos matakpan rin ang mukha nito.

"Nakakainggit naman 'yung mga nabibilang sa grupo na sirius. Halos hindi na yata sila pumipila pa para sa lunch nila, hindi katulad natin. Araw araw, pinagpapawisan sa haba ng pila." Angal ng babae na may bitbit na pagkain galing counter. Mukhang likas na itong estudyante rito sa paaralang ito.

"Hay! Naku Cheska, alam mo naman kung gaano sila kinakatakutan rito sa paaralan pero mukhang pinapangarap mo pa yatang makasama pa sila sa iisang grupo." Pambubuska ng kaibigan nito rito.

Napabuntong hininga na lang ang babae habang nakalingon parin sa cafeteria na nasa harapan nila.

Ibig bang sabihin, iba-iba ang cafeteria, para sa limang grupo?

Hindi ba mukhang diskriminasyon iyon?

Napalingon siya sa mga kasama ng bumalik na ang mga ito sa kanilang napiling lamesa habang bitbit na rin ang pagkaing naorder.

"Siya nga pala, maghanda kayong maigi para sa eksaminasyon niyo bukas. Makakalaban niyo ang mga Sirius sa huling pagsusulit." Seryosong habilin nito sa kanila. Nagkatinginan sila sa isat-isa.

Muntikan na siyang mabulunan sa sinabi nito. Hindi sinasadyang napahigop siya ng kanyang tubig kaagad para makalma ang sarili.

Makipaglaban?

Puwede ba 'yon?

"Hala! Dzai." Naghihisterikal na sambit ni Cara.

"Patay kang bata ka Nica." Napapangangang sambit ni Danica habang napahinto sa pagkain.

Parallel Worlds [STARS UNIVERSITY BOOK I]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon