CHAPTER 1: PART 2

77 3 0
                                    

A/n: Good morning. :-) While sipping your hot coffee and eating your breakfast, this is for you. :-)

_______________________________________

FOUR DAYS BEFORE THE PRESENT

"There is a constant struggle between good and evil in the world. It is up to good people to choose the right path." Nelson Mandela

Catherine's POV

Bakit nga ba napakaimportante ang pagpapanggap na isa kang kahangahangang tao at 'di makabasag pinggan?

Nang sa ganun ay ituri ka na isa ka sa mga mabubuting tao?

Ngunit para ano? Para saan?

Para hindi bumalik sa 'yo ang karma kung sakaling gagawa ka ng kasamaan? Ganun ba 'yun?

Kung 'yon lang din naman ang dahilan...

Sa palagay ko hindi ko na kailangan pang maging mabuting tao sapagkat  kung tutuusin may mga taong hindi pa rin kayang maging mabuti sa kapwa nila.

Mali sila.

Kahit wala kang ginagawang masama, magiging kawawa at masasaktan ka ng paulit ulit dahil may mga taong nabubuhay para maging kontrabida sa buhay mo.

Matulin na tumakbo siya palayo sa nga humahabol sa kanya.

Pumapasok siya sa paaralan araw araw ngunit may mga tao talagang hindi kompleto ang araw para manakit ng kapwa.

"Bumalik ka rito ga*a!" Sigaw ng mga humahabol sa kanya.

Wala siyang ibang magawa kundi tumakbo ng matulin at hayaang tangayin ng hangin ang kanyang mga luha.

Kailangan niyang tumakbo hangga't kaya niya pa. Hanggat kaya niya pa...

"Anak... Mag-aral kang mabuti. Pigilan mo ang iyong sarili na makapanakit ng kapwa 'nak. Iwasan mo sila." Araw araw na habilin ng kanyang ina.

Tumakbo ka man ng matulin hanggang sa malagutan ka ng hininga, hindi magbabago ang katotohanang paulit ulit may mga taong katulad nila sa mundo.

Hindi niya na kaya. Pagod na pagod na siya sa kakatakbo. Suko na siya. Sunod sunod na luha ang nag-uunahan na nahulog mula sa kanyang mata.

Nadapa siya sa sobrang pagod.

"Pun*eta! Pinahabol mo pa kami, hihinto ka rin pala." Nanggigigil na sinipa nito ang bato na nasa paanan nito.

Heto na naman ba ulit?

Magmamakaawa na naman ba siya?

Natakot siya sa lakas ng pagkakasipa nito.

"Catherine... diba sabi ko sayo, hindi ka namin tatantanan hanggat hindi mo binibigay sa 'min lahat ng allowance mo araw araw?" Lumuhod ito sa kanyang harapan at nanggigigil na hinaplos ang kanyang mukha.

"I already told you the truth, I forget to bring my allowance bitc*! But you never believe me. So go to hell!" Nagtatapang tapangan na sabi niya sa mga ito.

Parallel Worlds [STARS UNIVERSITY BOOK I]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon