A/n: Enjoy reading! As I promised. "EVERYDAY UPDATE" 'wag lang mag-expired si unli, dahil WALEY MANEY NA. (haha)
_______________________________________
"All the powers in the universe are already ours. It is we who have put our hands before our eyes and cry that it is dark." Swami Vivekananda
Catherine's POV
"Isa,"
"Dalawa."
Nagulat siya ng biglaang nagsisulputan ang napakaraming estudyante mula sa punong iyon na nagtatawanan pa. At ang iba naman ay lumabas mula pa sa pagkukubli sa ibang bahagi ng akademya na kani kanilang pinagtataguan.
Anong ginagawa ng mga ito?
Mukhang tuwang tuwa pa ang mga itong mapaglaruan sila a. Pinagmasdan niya ang kanyang suot na kasuotan maging ang kanyang maleta. Lumalangoy na ang mag itlog doon, pakiramdam niya hindi lang basta panlalansa iyon ngunit napakalansa na talaga.
Lalabas rin pala ang mga ito e.
Kadiri.
"H-ala! May nasugatan."
"M-may dugo."
D-dugo. Bulong bulungan mga estudyanteng bagong salta.
Pero mas nagulat siya ng mapansin na may mga nasugatan kanina ng babaeng nagpaulan ng pana sa mga puno.
Pinagpawisan siya ng malapot lalo ng makita ng dugo.
Pero ang mas nakakapagtaka ay ang katotohanan na tila hindi man lang ininda ng mga ito iyon.
Maya maya, nagulat sila ng pagalingin ito ng kasama ng isang kasama ng mga ito.
Tatlo ang sugatan.
"Salamat Fiona." Pasasalamat ng mga ito sa nagpagaling sa kanila.
Sobra silang namangha.
Paano nito iyon nagawa ng walang kahirap hirap?
Nagulat sila ng biglang naglakad palapit ang babaeng nagpaulan ng pana kanina sa mga puno. Ang babaeng nakapana sa mga ito.
Humahagulhol ito sa iyak ngayon.
"P-patawad p-po." Umiiyak na paghingi nito ng paumanhin.
Napangiti lang ng tipid ang napana nito na ngayon ay magaling na.
"Okay lang 'yun. Buti nga napana mo lang kami at hindi nasunog ng nagbanta kanina." Pagbibiro pa nito.
"Patawad talaga. N-agpanic lang ako. Akala ko, kalaban." Punong puno ng sinseridad ang boses nito.
"Wala yun bata." Sabi ng isa sa mga natamaan nito.
"Ayieeh! Tama na 'yan. Oa na." Pagbibiro ng babaeng may mahabang buhok na hanggang pang-upo nito at balingkinitan ang katawan.
"Hay! Sa inyong lahat, welcome to Stars University." Todo ngiting bati sa kanila ng babaeng balingkinitan ang katawan at may napakahabang buhok na lagpas pang-upo.
BINABASA MO ANG
Parallel Worlds [STARS UNIVERSITY BOOK I]
Fantasy#445 in FANTASY Two different worlds. Na kailanman ay hindi magiging isa. She was born as a powerful princess of their kingdom. Where everything seems ambiguous to her. Just one thing is clear to her, it is the STRONGEST CURSE. . . . . Habang a...