Part 5

3.5K 76 2
                                    


"Are you okay with this?" Jema suddenly asked me. Naghihitay kami ngayon ng train sa LRT, because I'm a very smart person /sarcasm/ I asked her out tapos late ko na narealize coding yung sasakyan

I flashed my guilty smile. "ako pa talaga tinanong mo? sorry talaga Jema nakalimutan ko talagang coding yung sasakyan" nakakahiya tong pinaggagawa ko sa buhay ko.

"Okay lang tange, I mean are you fine with this? People will recognize you. Wait nga" sabi niya tapos may hinanap sya sa bag nya.

"Wear this" she said tas sya na mismo nagsuot sakin ng cap niya.

Nakatitig lang ako sa muka niya since matangkad ako sakanya ng konti at tumingkayad pa siya ng konti para maabot yung ulo ko. I gulp unconsciously while staring at her lips, bat ang pinkish

"Yan, panira height mo, ikaw naman ang tangkad mo na nga di ka man lang bumaba ng konti, pinahirapan mo pa ako" may bahid na katarayan sa boses niyang sabi sakin, pagkatapos niya ilagay yung cap niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nakakahiya, I stared too much, tapos sa lips pa talaga niya!

"So where are we going?" tanong niya, tsaka ko lang narealize na para akong tanga na nakatayo dito habang nakatingin sa malayo

"Ahm ah, b-basta s-secret, ayan na train t-tara na" Uutal utal kong sabi habang iniiwasan na tingnan siya. 

"May pasecret secret ka pang nalalaman" sabi niya sabay irap

I came back to my senses when I saw her eyes rolling at me

"Syempre cute ako e" sabi ko sabay kapit sa hawakan ng train. Kailangan kong umayos baka masira tong araw na to.

She rolled her eyes again for the 9th time  "Sinong may sabi? Kailangan siyang matuktukan sa ulo"

"Says the one who posted my picture in her instagram myday with a heart emoji" I said in a 'duh' tone

"Hindi mo kina-cute yon" depensa niya pa sa sarili niya.

"Kina-cute ko yon, tsaka crush mo nga ako e"

"Dapat talaga di ko sinabi yon e" sabi naman niya, tas akmang hahampasin niya ko pero nakaiwas ako kaya nag land lang kamay niya sa braso ko.

"okay okay sorry na" sabi ko habang nakangiti, lagi na lang akong nakangiti pag kasama ko siya, she has this aura kasi na mahahawa ka sa ganda ng smile niya

She fixed her short hair muna bago nagsalita ulit "wag mong abusuhin pag ka crush ko sayo, sige ka baka... ano tse" she said then she rolled her eyes but her smile never left her face

Ngumiti naman ako ng nakakaloko sakaniya "baka ano Jema?"

"Baka ihambalos ko sayo tong bakal na to"  mataray niyang sabi habang tinuturo niya yung hinahawakan naming bakal

Natawa naman ako, sadista pala 'to "baka... pwede mo din i-level up yang pag ka crush mo sakin, like you know, like at first staredown, what a love story if ever diba?" bulong ko, sabay kidat sakanya, namula naman siya, tsaka nagtago sa short hair niya

"namumula ka miss, may lagnat ka ba?" sabi ko habang natatawa

"Bwiset ka kamo, pag yan tinotoo ko tapos di mo pinanindigan ipapatapon kita sa Mars"

Hindi ako nakasagot nung sinakyan niya yung biro ko, unti unti ko din naramdaman yung pag agos ng dugo pataas sa muka ko. Seryoso ba siya? I mean yung pag tinotoo niya? Shit bat parang natatae ako? Badtrip, tae ba to?

•••

Nakarating naman kami ng malumanay, at mapayapa sa pupuntahan namin, hatak-hatak ko na nga siya ngayon bagal niya kasi maglakad e.

Love at first StaredownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon