Part 9

2.9K 67 5
                                    


"So........ totoo ba to nasa harapan talaga ko ang 'Best Setter ng season 80'?"

Bungad sakin ni Jema kasama ang magandang ngiti niya, may panget bang ngiti tong taong to?

Sinundo ko kasi siya ngayon dito sa BEG kakatapos lang kasi ng training nila. May appointment daw kasi siya ngayon sa Regenestem, and sakto namang wala akong ginagawa sa dorm kasi wala akong class ngayon.

"Congrats chui, so proud of ya" pahabol pa niya habang sinusukbit sa balikat niya yung training bag niya

"Yes it's me and thank you, it's a pleasure to be acknowledged by you Queen Jema Galanza" playful kong sabi sakanya at nag bow pa ng ako ng konti, natawa naman siya sa kalokohan ko

"Sira, ang hangin mo talaga, tara na nga" sabi niya ng nakangiti at sabay na kaming lumabas ng BEG.

So kung tatanungin niyo kami kung ano kami, wala pero alam namin kung ano ang lugar at kung ano namin ang sa isa't-isa. Kumbaga Mutual Understanding, na kung tawagin ng iba ay mukang unggoy. So clearly hindi ako mukang unggoy kasi cute ako at hindi mukang unggoy si Jema kasi maganda niya, so no. For now we understand each other and that's it.

Hindi naman ako naghahangad agad ng ibang level na relationship with her, I'm totally fine with what we have.

"After you miss" sabi ko sakanya sabay bukas ng door ng car for her.

Inirapan naman niya ako, natawa nanaman ako ang cute niya kiligin nagsusungit "Thanks" sabi niya pagkatapos kong ayusin ang seatbelt niya mula sa labas ng kotse

"Parang mas okay yung kiss kaysa sa thanks" sabi ko sabay kindat

Namula naman siya sa sinabi ko "Joke lang" natatawa kong sabi sakaniya. Paalis na sana ako sa harapan niya ng bigla niya akong hinatak at binigyan ng chaste kiss malapit sa lips ko, para naman akong binuhusan ng semento sa pwesto ko. Ang bilis naman atang bumaliktad ng sitwasyon ako na ngayon yung namumula

"sabi mo mas okay yung kiss, bat di ka ngayon makagalaw huh?" pang aasar pa niya sakin habang malapit padin yung mukha niya sa mukha ko

"Ahm.." natauhan naman ako agad at umalis sa pwesto at dali daling sinarado ang pinto at lumipat sa driver seat, pero bago pa ako pumasok hinawakan ko yung dibdib ko parang lalabas na yung puso ko.

"Panindigan mo kasi yung pagiging breezy mo" sabi niya habang nakangisi, pagkapasok ko sa kotse

Sinimangutan ko naman siya, masyado lang siyang magpagganti sa mga ginagawa ko sakanya

"Masyado ka lang magaling bumawi" sabi ko sabay irap sakniya at inistart ang kotse

"Well, all is fair in love and war bb" sabi niya at sakto naman tumingin ako sakaniya kasi naalala ko sinabi ko yung line na yun kay Ate Bea, meant to be nga ata kami parehas kami ng pananaw sa buhay, kinilig naman ako sa thought na yun.

Napairap ako ng natatawa nung kinindatan niya ako. After that we both fell silent tas sakto namang tumugtog They don't know about us ng one direction sa Spotify ko na nakashuffle ngayon at nakaconnect sa speaker ng kotse. Napangiti naman ako, the world don't know about us, but I'm certain that we both feel the same towards each other.

"Oo nga pala, may concert si Harry dito sa Phil." Biglang bring up ko ng topic, hindi naman awkward na tahimik, kasi mukang nag eenjoy din siya sa music na nag plaplay sa kotse tsaka as I have said dati, we both find sometimes, silence comfortable. I'm glad na ganon kasi I'm a very awkward person pero nagiiba yung ugali kong yun kapag kasama ko siya. Ang gaan kasi sa pakiramdam na makasama siya.

Love at first StaredownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon