Part 15

2.8K 59 12
                                    

"Whyyyy? Ang unfair" nakasimangot kong sabi, kausap ko si Jema sa phone, graduation niya na bukas at kasalukuyan niyang ineexplain sakin ang mga dapat kasama niya lang sa loob ng venue.

"Okay lang yan bb, may class ka din diba?" Malambing niyang sagot sakin

"Eh gusto ko sumama sa loob" nakangusong sabi ko

"Eh si tatay na yung kasama ko don e, gusto mo bang ikaw tatay ko?" Natatawang sabi niya. Ako naman napuno ang utak ko ng maduduming kathang isip pero mukang di naman sumagi sa isip niya yon. Tae ano ako daddy? Shit

"Bb?"

"'Shit' " mahina kong bulong, nung natauhan ako nung tinawag niya ako.

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sakin ni Jema, nataranta naman buong sistema ko baka isipin niya ang dumi dumi ng utak ko

"Ahm a-ano?" Parang tangang sabi ko, "ah a-ano okay lang" pahabol ko sa tanong niya

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong pa niya

"I-im fine, ahmm s-so habol na lang ako bukas?" Pang iiba ko sa topic

"Oo sige, ikaw bahala"

Maya maya pa narinig kong nag yawn na siya, pagod din kasi sa training

"Sige, ahm I'll see you na lang tom?"

"See you, goodnight bb sweetdreams" malambing na sabi niya

"Goodnight bb"

•••

Kakatapos lang class ko at dumeretso na ako agad sa isang cake shop para bumili ng cake kasama ang isang malaking sunflower na gift ko kay Jema may isa pa akong regalo sakaniya isang Daniel Wellington na watch katulad ng sakin para matchy matchy, para cute kami, kasi cute naman talaga kami.

Nag ayos ako ng susuotin ko para ngayon, kasi mamemeet ko na si tatay. Joke nag feeling ako don, tatay syempre ni Jema. At syempre dahil tatay niya yon, ibang usapan na yon kaya kailangan maayos kasi baka di ako ma approve. Nag ooverthink ako kanina actually, pero hininto ko baka kasi mabaliw na ako kakaisip.

Sa moa kami magkikita kasi malapit din don ang ginanapan ng graduation ni Jema. Inaantay na nila ako kasi kakain daw with family as celebration ni Jema since bukas ata babalik na ang fam niya sa Laguna.

Bigla namang nag ring yung phone ko, sakto namang nakikipag agawan ako ng parking dito sa may parking space punuan nanaman kasi.

"Hello?" Sagot ko matapos ang isang tawag, sinigurado ko muna kasing akin na yung nakuha kong slot.

"Hello asan ka na?"

"Parking bb, namiss mo naman ako agad" pagbibiro ko

"Heh, dalian mo hinahanap ka na nila tatay" nonchalant na sabi niya na kala mo makikipag meet up lang kami, nakaramdam naman ako ng kaba, nawalan na ata ako ng kulay sa sinabi niyang yon.

"Hala sorry bb, pasensya na kamo, papunta na ako dyan" nagmamadaling sabi ko kay Jema tapos mabilisan at maingat kong kinuha yung cake and yung sunflower tsaka ko sinuksok sa bag ko yung phone, wallet tsaka yung gift ko na relo at sinukbit yon sa balikat ko.

Halos lakad takbo yung ginawa ko para makapunta sa pwesto kung san nag aantay ang pamilya ni Jema.

Pag dating ko don, sinalubong ako ni Jema,  nasa taas yung pamilya niya, nasa loob na nga ata ng restaurant inantay lang ako ni Jema dito sa labas.

Love at first StaredownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon