"Chowking na lang may parking" sabi ko sa dalawa kong kasama habang lumilingon lingon ako para humanap ng paparadahan netong sasakyan, lintek eto pinaka ayaw ko sa manila e, punong puno ng mga sasakyan
"Dun na lang ate, nag crave din ako bigla sa buchi" biglang sulpot ni Mafe sa gitna namin ni Jema, nasa back seat kasi siya tapos sa passenger seat si Jema
Hindi sumagot si Jema kaya nilingon ko siya "Okay lang sayo bb?" Tanong ko
Humarap naman siya sakin sabay ngiti "Okay lang bb" sagot niya.
"Uyyyy" pang aasar ni Mafe tapos tinusok tusok niya yung tagiliran ng ate niya, natawa naman ako kasi hinampas ni Jema yung kamay ni Mafe tapos inirapan niya
Niliko ko na sa Chowking at pinarada sa nag iisang slot na natititra sa parking space.
Lumabas na kami ng sasakyan at pumila sa counter
"Ano sayo?" Tanong sakin ni Jema
"Fried chicken Lauriat na lang siguro" sabi ko habang nakatingin pa din sa menu ng chowking
"Ako Ate porkchop lauriat tas bili ka pa ng tatlong buchi" sabi ni Mafe kay Jema, na sinuklian naman ni Jema ng irap, natawa na lang ako sakanila para silang aso't pusa
"Humanap ka na ng upuan" utos ni Jema kay Mafe, umalis naman agad si Mafe
"Para kayong aso't pusa, ganyan ba talaga kayo?" Natatawang tanong ko kay Jema
"Oo, minsan kasi sobrang hyper nyan e" sagot niya habang nakasimangot, natawa na lang ako, ang cute niya ngayon.
Nung turn na namin, sinabi namin order namin tas nag agawan pa kami ni Jema sa pagbabayad, tinaasan na kami ng kilay nung counter at nag fake cough na para matigil na kami sa pag aagawan, ang end up siya pa nag bayad. Napakamot na lang ako sa ulo ko, di naman siguro ako under diba?
Pinauna na niya ako sa upuan namin, kasi iseserve na lang daw at drinks pa lang binigay samin, kaya dala dala ko yung drinks sa upuan na napili ni Mafe. Mag c-cr lang daw si Jema kanina pa daw siya ihing ihi.
Pag dating ko nakangiting nakakaloko si Mafe sakin
"Ate, alam mo yang si Ate ang ingay sa gc naming magkakapatid lagi" sabi niya na parang ang dami niyang chismis na ibabalita sakin, kanina pa siya parang kating kati na mag kwento, binulungan niya ako kanina nung paaalis kami sa UST madami daw siyang kwekwento about kay Jema. Ang playful ng personality ni Mafe nakakatuwa siya.
"Bakit naman?" Natatawa kong sabi sakaniya
"Kesyo kinikilig daw siya tapos kung ano ano pa, tas magsesend siya ng mga picture niya gusto mo makita ate?" Sabi niya ng nakakaloko tapos binuksan niya yung phone niya, tinawanan ko lang siya kasi hindi pa ako pumapayag nangalkal na siya agad, after ng ilang mga pindot sa phone niya pinakita niya na yung mga selfie ni Jema na nakakatawa, may nakakaloko siyang ngiti na parang ang hyper hyper niya, tapos may isa pang sobrang wacky sya, tas mababa ang phone niya kaya kala mo wala siyang leeg. Tawang tawa naman ako sa lahat ng mga picture ang dami niyang selfies, di ko alam na mahilig pala magselfie si Jema
"Pero mabuti na lang yun ate kasi kung kasama ko siya kapag kinikilig siya sayo baka namaga na yung braso k--- araaay!" Daing ni Mafe kasi binatukan siya ni Jema from behind
"Hoy bata ka anong pinagsasasabi mo kay Deanna?" Asik ni Jema kay Mafe habang nakapamaywang pa, natawa nanaman ako sa nasasaksihan kong away nanaman ng magkapatid
"Hehe u-uy a-ate " alanganing sabi ni Mafe "upo ka na ate ganda ganda mo po talaga" sabi ni Mafe tapos tumayo pa talaga siya para ipaghatak ng upuan si Jema