*Beep
"Bb? Nasa dorm ka na ba?"
Napangiti naman ako sa bumungad na text ni Jema, nakalimutan ko siyang itext kanina pagkadating ko sa dorm kasi agad na akong dumeretso sa cr para maglinis ng katawan.
"Yes bb, sorry I forgot to text you, naglinis kasi ako katawan"
Pagka reply ko pinunasan ko na ng towel ang buhok ko para matuyo. Halos mag twe-twelve thirty na din pala, binagsak ko ang katawan ko sa kama ko, ngayon ko lang naramdaman yung pagod pero kapag naalala ko yung concert napapangiti na lang ako bigla, sobrang saya hindi ko alam san ko ilalagay yung overwhelming feeling na nararamdaman ko ngayon.
*Beep
"How was the concert?"
"It wassssss super tiring pero super saya bb, grabe ang bilis lang ng mga pangyayari, parang kagabi lang gustong gusto ko makita si Harry then kanina nakita ko na siya, tas ngayon tapos na"
"Bb sana ramdam mo yung nafefeel ko ngayon"
"Gusto ko na sumama kay Harry"
"Sama na tayo sakaniya bb, lez go"
"Hahahaha! Sira ka talaga sana sumama ka na"
Napafrown naman ako sa reply niya ayaw ba niya sumama?
"Ayaw mo sumama samin bb?"
"ikaw na lang lab mo yon e"
"Eh lab din naman kita"
Ilang minutes na yung lumipas wala pa din akong natangap na reply, tinulugan niya na ba ako?
"uy"
"tulog ka na?"
"Jeeemmmaaa hindi ako makatulog huy"
"Sama ka na samin ni Harry ne"
"Huy"
Nung feeling ko nakatulog na talaga siya inayos ko na yung ginamit kong towel, at nilagay yung phone ko sa side table at umayos na ng higa.
*Beep
Nagulat naman ako sa pagtunog ng phone ko akala ko tulog na siya? Kinuha ko naman yung phone at binuksan
"Lab mo ako?"
Bungad sakin ng text ni Jema, tatlong salita lang yun pero yung tibok ng puso ko kala mo hinahabol ako ng isang kabayo, natulala ako sa text ni Jema, ano sasabihin ko? Alam kong iba na din talaga nararamdaman ko sakniya, oo sobrang attracted ako sakaniya kasi sobrang ganda niya, and I like her kasi ang gaan niya kasama, nakakatuwa yung personality niya, nagmamatch yung pagkaisip bata ko minsan sa pagkaisip bata niya din minsan, pero hindi ba masyado mabilis para sabihing love na naming ang isa't isa?
"kasi ako ata, lab na ikaw"
Hindi pa ako nakakareply may pumasok na ulit na message galling kay Jema, napangiti naman ako bat nga ba ako nagkakaroon ng hesitation ngayon eh kung ganon na nga talaga nararamdaman namin sa isa't isa bat di namin pakawalan? Tsaka the hell, kiniss niya na ako, nagnakaw na din akong kiss sakaniya, tapos ngayon pa ako magtatanong ng ganon? Bigla akong tinamaan ng realization, wala nga talaga yan sa haba ng pagkakakilala namin, it's been month and a half simula nung nagkaroon kami ng connection because of that staredown, pero iba na yung epekto namin sa isa't isa. So bat ko pa sasayangin dahil lang sa tingin ko e ang bilis ng mga pangyayari at sa mga tao sa paligid namin diba? I think it's worth the risk. She is worth the risk.