"Hi goodmorning" nakangiting bungad sakin ni Jema nakadapa ako at nakaharap ang ulo ko sakaniya kaya ang ganda ng bungad sakin ng umaga, ang ganda niya kasi.
"Goodmorning" nakangiti kong bati sakaniya
"Kain tayo sa labas" aya sakin ni Jema gabi na kami kagabi kaya pinatulog niya na ako sa apartment niya, buti na lang may extra akong ateneo shirt sa kotse kaya nakapag palit naman ako bago kami matulog.
"Sige, toothbrush lang ako tsaka hilamos saglit" sabi ko habang tumatayo at nag iinat nakatingin lang sakin si Jema "bakit?" Nacoconscious kong tanong baka ang panget ko ngayon dahil kakagising ko lang.
"Wala ang cute mo kasi" straight to the point na sabi niya sakin, namula naman ako sa papuri niya, nag iwas akong tingin tapos kinuha na yung towel na nakahanda para sakin.
Narinig ko naman yung tawa niya "cute mo kiligin bb" pang aasar pa niya
"Jema ang aga ah!" Sigaw ko pagkapasok sa cr
•••
"Hii idol ngiti ka naman dyan" biglang sabi ni Jema nung nasa kotse na kami, nakatapat pala yung phone niya sakin, nakafocus kasi ako sa pag dridrive kaya di ko namalayan yung ginagawa niya
Ngumiti na lang din ako sa video niya ang cute niya rin kasi
"Miny day ko ah" sabi niya habang nag dududotdot sa phone niya
Napangisi na lang ako "Crush mo talaga ako"
"Oo nga" nakangisi niya ding sabi, mas lumawak tuloy yung ngiti ko
Maya maya pa nag settle na lang kami sa drive thru ng mc donalds.
Bumalik din kami sa apartment para dun na kumain
"Nga pala mamaya ne?" Sabi niya habang kumakain
"Mamaya?" Nagtatakang tanong ko
"Yung dinner" maikli niyang sabi sakin
Kinabahan nanaman ako, wala naman akong problema don, pero syempre nakakakaba pa din
"Hmm" tango ko na lang sakaniya
Hindi ko alam kung pagsasabihan din ako ng ate niya tulad ng ginawa kagabi ni Mafe, pero malinis naman intensyon ko kay Jema, tsaka di ko naman gagaguhin si Jema kaya di ko alam kung bat ako kinakabahan
•••
"Bat natataranta ka?" Sulpot ni Ate Bea dito sa kwarto nanaman namin, wala na akong panahon para sitahin pa siya ulit sa pangengelam nanaman ng buhay ko
"Wala" maikling sagot ko habang patuloy sa pangangalkal ng mga gamit ko para sa susuotin ko para mamaya
"Okaaaay, ano na lang ginagawa mo?" Tanong neto sabay bukas ng isa mga chichiriya na nakatago sa mga gamit ko, at ang higanteng to humiga pa sa kama ko na parang nanonood sa sinehan
"Ate Bei ano maganda suotin?" Tanong ko na lang sakaniya, habang hawak ang dalawang shirt sa kamay ko
"Right" turo niya sa isang tshirt na kulay blue
"Okay okay, pants or shorts?"
"Uhh" sabi niya tapos humawak pa siya sa baba niya "shorts"
Tinanguan ko lang siya tapos nilagay ko na sa ibabang part ng kama ko yung mga damit
"Bakit ba aano ka ba?" Tanong niya habang ngumunguya
"Dinner lang with Jema and mga kapatid niya" sabi ko habang tinitingnan yung mga damit okay lang ba to?