"Sorry I had to cancel our baking sesh again" nakokonsensya kong sabi habang naka handusay ako ngayon dito sa kama ko sa dorm at kausap si Jema sa phone. Sobra sobra ang pagpapahirap ni Coach Tai, nawalan na akong gana para mag dinner, gusto ko na lang humiga
"It's okay, naiintindihan ko naman, ikaw lang naman tong nagpupumilit at nagmamayabang na kaya mo" tumatawang sagot niya
"Hindi ko naman kasi aakalaing gagantihan pala kami ni Coach Tai, akala ko pinagpahinga kami para wag ma pressure yun pala para magantihan niya kami ng hard training" nagrereklamo kong sabi sakanya.
"Mabuti lang sayo yan, mayabang ka kasi" may halong nakakalokong tono pa rin sa boses niya
"Haay wala na nga kayo kanina sa training tas pinagod pa kami ng sobra, kailangan kong magcharge, come here pls" nagpapacute na sabi ko sakanya
"Ewan ko sayo, hahaha kumain ka na ba?"
"Hindi pa, ayoko na bumangon dito, wala ng gana bibig ko ngumuya" nonchalant na sabi ko sakaniya
"Bwiset, lumabas ka na nga dyan. Tagal ko ng andito sa labas ang lamok na, di ko na kaya umacting, lintek wala talaga akong talent don"
Bigla naman akong napabangon sa sinabi niya
"You're here?!"
"*toot* *toot*"
Namatay yung linya kaya kahit sobrang sakit na ng paa ko, lakad-takbo akong lumabas para icheck kung asa labas nga talaga siya.
Paglabas ko binati ako ni Ate Security tas sinabihan akong bawal na lumabas, pero sabi ko may kailangan lang akong kitain, malakas naman ako kay ate kaya ayon hinayaan niya ako, basta daw saglit lang, papagalitan daw kasi siya
"Hi, surprise!" nakangiti niyang bungad sakin
Here it goes again, yung imaginary tae ko andito nanaman, her presence is making my heart skip a beat, she's really here. Napangiti naman ako agad pagkarecover ko sa pagkaka starstruck sakanya.
"Bat di mo sinabi agad, sana nakalabas na ako kanina pa dito" may halong hiya na sabi ko sakanya, pano kasi gabi na pero si Jema sobrang ganda pa din kahit ang simple lang ng suot niya, nakasuot siyang maong shorts, and jacket na may blue shirt sa loob na may nakasulat na adamson,
I guess I will never get used to the feeling of being amazed by her, of how pretty she is, kasi she is always heck and helluva beautiful, tas ako eto mukang lantang gulay na paikaika pa.
"Surprise nga e Deanna, surprise" sarcastic na sagot niya sakin pero nakangiti naman
"Awe, I missed you, si Ate Ly kasi e, ayaw niya lang madamay sa hard training kaya di niya kayo pinasama samin" may tampo na sabi ko sakanya.
"Buti nga yon e, ligtas kami" nangising sabi niya sakin
"Can you hug me pls? I badly need a hug, I feel so drained"
Nakangiti naman niya akong niyakap. Napangiti naman ako, ang cute ko talaga di niya ako matiis.
Wala silang training kanina, pagkatapos kasi ng huling pagkatalo ng adamson, sumali na talaga si Jema sa PVL sa creamline kasama sila ate Jia, tapos minsan nakikitraining na din sila sa amin, bali-balita na din kasi yung balak ni Coach Tai na aalis na sa ateneo pagkatapos ng season na 'to, at mag cocoach na sa cool smashers kela ate Ly, we were really sad upon hearing that news, pero whatever his decision will be, we will always be thankful sakanya dahil sa ginawa niyang His2ry sa ateneo.
"Clingy mo" sabi ni Jema nung di pa ako humihiwalay sa yakap sakanya after 5 minutes, ramdam kong may nakasuot na ngisi pa rin sa mukha niya ngayon