Kristen's POV
MASAKIT ang ulo ni Kristen nang magising kinabukasan. Nang biglang bumukas ang pinto ay naisip niya na si Aling Perlita ang dumating. Tinawagan nya kasi ito kagabi. Alam na nito na nasa ospital sila ng bata.
Nang tingnan ang pintuan ay iba ang sumungaw sa pinto.
"Clyden," sabi niya. Akala niya ay hindi na ito muling magpapakita sa kanya.
"Dinalhan kita ng damit at iba pang personal na gamit," wika nito.
Itinaas nito ang plastic bag na dala. Galing iyon sa isang kilalang department store. "Para hindi ka umuwi ng bahay. Maligo ka na lang diyan. " Inginuso nito ang banyo.
Napatitig siya bigla sa labi nito ng gawin nya 'yon. Ang cute. Ano kayang pakiramdam kapag dumampi iyon sa labi niya. She mentally slapped her head.
Ano bang pinag-iisip ko! Nabalik siya sa katinuan ng tawagin siya ni Clyden."K? Kristen?"
"A-ah?"
"Haay, sabi ko kumpleto naman itong dala ko kaya pwedi kang maligo dito. Ano bang iniisip mo?"
"Iyang labi mo." bulong niya sa sarili. Ay otso! Sana hindi niya narinig! Ihh, sana hindi niya narinig!
"Ano iyon? Pakiulit?" Haay, buti't hindi niya narinig.
"Ahh,wala,wala."
(A/N: MERON yan, meron.:P)
Isshh, nakikisali pa si otor. POV ko 'to e.
(A/N: Aba'y porke POV mo ito e bawal ng sumingit? E kung sabihin ko kaya kay Clyden na pinapantasya mo yung labi niya?!(
Ihhh, wala namang ganyanan otor. Kahit kailan mo gusto pwede kang umepal este sumingit sa mga POV ko. ahihi
(A/N: Ok, 'yun naman pala e. O siya! Moment mo ito day. Till next time! Mwahh...:*)
Haay' may next time pa? Ngeekk.-,-"
(A/N: Oy, babaita. Narinig ko iyon ha! Sige ka! Sasabihin ko talaga!)
Ihh, joke lang, eto naman di mabiro... ahihi
Hindi na sumagot pa si otor pagkatapos 'non Nawalan na ata ng connection. Hahaha! Buti nga. Ang bad ko na. alululu
Nabalik nanaman ako sa katinuan ng may tumawag sa pangalan ko.
"Kristen? Kristen?"
"Oh?" tanging tugon ko.
"Haay, you're zoning-out AGAIN." At in-emphasized pa talaga ah. "Here take all of these."
Iniaabot niya sakin ang mga plastic bag pero tinitigan ko lang ang mga ito.
"C'mon, don't be so proud," wika nito.
Gusto na niyang ma-guilty sa naging trato niya rito. Mukha namang sincere talaga ito sa hangarin na makatulong. Kaya lang ay tutol ang isang bahagi ng isip niya na makipagmabutihan dito. Naroon ang pangamba na ewan ba't niya nararamdaman.
Haay.
Napabuntong-hininga siya bago magsalita.
"Salamat ng marami. Pero sana ay ito na ang huling pagpapakita mo sa akin."
Tinitigan siya nitong mabuti.
"Natatakot ka ba sa akin?"
Matagal bago niya nakuhang umiling.
"Then why are you so scared to see me?"
"Hindi sa gano'n. Ayoko lang ipasa sa iyo ang responsibilidad ko sa bata. Ako naman talaga ang may responsibilidad dito dahil apelyido ko na ang dala ng bata. Napabinyagan ko na siya."
"Magagawan natin 'yan ng paraan," ang malumanay na wika nito.
"Bakit ganyan na lamang ang pagmamalasakit mo?" ang tanong niya. "Ano ba ang hinihintay mong kapalit sa mga ginagawa mong ito?" Wala sa loob na lumuwas sa bibig niya iyong huli niyang tinuran.
"Wala akong hinihintay na anuman," ang mariing wika nito. Halatang na-offend sa naging tanong niya. "Can't you see? Anak siya ni Mario at matalik kaming magkaibigan. "Maybe, masama siya sa paningin mo dahil sa ginawa niya kay Liezel. Pero naging mabuti siyang kaibigan sa akin noon. Minsan na niyang iniligtas ang buhay ko noong college pa lang kami nang minsan muntikan na'kong magahasa at napalaban kami. Sinalo niya ang punyal na para sana sa akin. Kaya ngayon, natural na gusto kong mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak niya kahit na ayaw niyang kilalanin ito. Saka anong malay mo, baka kapag nagbalik na siya at nalaman niya na yumao na si Liezel, maramdaman na niya ang pagiging ama sa bata."
Gustong ma-touch ni Kristen sa nalamang dahilan kung bakit nakikialam ang dalagang ito, pero gusto pa rin niyang magmatigas.
"H'wag mo nang isipin ang bata. Sisikapin ko na mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Pangako ko 'yan sa iyo."
"Mahihirapan kang gawin 'yan."
"Magsisikap ako nang husto"
"Bakit ba kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo? Bakit hindi mo na lang tanggapin ang tulong ko at nang mapanatag na ang loob nating pareho."
Paano ba niya sasabihin dito na ayaw niyang magkaroon ng communication dito? Kung bakit ay ayaw niyang analisahin.
"Kung buhay lang ang kaibigan ko ay alam ko na hindi siya tatanggap ng tulong mula sa inyo." wika niya. Wala na siyang ibang maisip sabihin.
"You're wrong." wika naman ni Clyden. "May communication kami ni Liezel noong nabubuhay pa siya at nangako ako sa kanya na hindi ko pababayaan ang anak nila ni Mario."
Hindi siya nakapagsalita. Wala siyan alam sa bagay na iyon.
"Nakikiusap ako. Hayaan mo na lang ako na palakihing mag-isa ang bata." Napapagod na siyang makipag-away rito. "Kapag hindi ko na kaya ay lalapit ako sa iyo. Pangako 'yan." Sinabi niya iyon para tumigil na ito.
Matagal siyang tinitigan ni Ralyon.
"Sincere ka ba sa sinabi mong 'yan?"
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango.
"Itinago mo ba ang calling card ko? tanong pa nito.
Hindi na niya matandaan kung nasaan na iyon. Ganoon man ay tumango siya.
"You can call me anytime. Kahit alin sa mga numero na iyon. Puwede mo rin akong puntahan sa bahay."
"Gagawin ko. Salamat."
Relieved ang anyo nitong umalis.
~ ~ ~
A/N: Oh, eto na! After mahigit 1 month, nakapag-update 'den. Sensya na po. Busy lang talaga sa school. Dapat kanina pang umaga ito kaya lang nawala yung isang katuloy. And sorry din po kung SABAW itong update ko. SABAW din kase ang lovelife ko ngayon. Hintay-hintay lang po.:)
Btw, suggest po kayo ng name para dun sa baby boy. Yung sa tingin kong maganda yun yung ipapangalan ko.ahihihi
VOTE.COMMENT.FOLLOW.
Don't spoil me by your sweetness 'cause I might fall for you and you won't be there to catch me.
-J.C
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
RomancePinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...