A/N:Natutuwa po ako na kahit papaano may nagbabasa nito.
Btw,this FIRST CHAPTER is dedicated to @NathanSeechan.Love lots.:)
Sorry po pala sa late update...So here it is.Hope you like it!!!:">
-Simply_KeiiJeii
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Clyden's POV
PALAKAD-LAKAD si Clyden sa loob ng kanyang opisina.Ilang araw na siyang hindi mapalagay magmula nang mabalitaan niya na namatay sa panganganak si Liezel,ang babaeng nabuntis ng kaibigang si Mario.Kasalukuyang nasa BUSINESS MEETING siya no'n sa Singapore para i-meet ang kanilang mga Foreign Investors,pero napauwi rin ng di oras ng mabalitaan iyon.
Balak niya noon kasing mag-unwind at magpahinga muna sa kanyang trabaho pagkatapos ng business meeting pero naudlot dahil sa nabalitaan.
Pinuntahan niya ang hospital na pinagdalhan dito pero wala na roon ang bangkay nito.Nagpunta na rin siya sa address na ibinigay sa kanya noon ni Liezel pero iba na ang nakatira roon. Nalaman niya sa isang kapitbahay malapit sa tinitirhan ni Liezel noon na umalis na roon ang kaibigan ni Liezel kasama ang sanggol.
"Kawawa naman ang bata.Nadamay sa kasalanan ni Mario.Tinalikuran na nga ng ama ay nawalan pa ng ina."bulong niya sa hangin.
Nag-utos na siya ng tao para ipahanap ang kaibigan ni Liezel pero wala pang balita.Balak niyang kunin sa nag-aalaga dito ang sanggol upang mabigyan ng magandang kinabukasan.Hindi naman siguro siya mahihirapang gawin iyon dahil balita niya ay dalaga pa ang kaibigan ni Liezel at hindi pa tapos mag-aral.Hindi nito kakayaning palakihin ang sanggol at nag-aalala nga siya na baka ipinaampon na nito sa iba ang sanggol.
Maya-maya ay may kumatok.
"Come in."Agad niyang sabi.Ang pinsan pala niyang si Denver ang dumating.
"Hey,how's the work i gave to you?"Agad niyang tanong dito.
"Are you not going to say "HI" first,to your very HANDSOME AND ATTRACTIVE COUSIN?"Nakapout nitong sabi.
"Yuck!Don't you even dare to do that again.Hindi mo bagay!And first and foremost ang kapal talaga ng mukha mo,mukha ka kayang bakulaw!"Naiirita nyang sabi.
Sa totoo lang eh gwapo naman talaga at di hamak na attractive ito dahil habulin ng mga babae o mapa-bakla.Wala atang pangit sa lahi namin.haha At kung may SUPERMAN,ang pinsan ko naman ay maaaring tawaging "SUPER PLAYBOY" dahil sa dami ng pinaasa ,at gabi-gabi eh ibat-ibang babae ang kasama.Naiiling niyang turan sa kanyang sarili.
"Hey,Clyde!"Nabalik naman siya sa katinuan ng tawagin siya ng kanyang pinsan.
"Oh?"Agad niyang tanong dito.
"Here's all the info you want"Isang brown envelop ang inilapag nito sa ibabaw ng kanyang mesa.
(A/N:Tagalog na muna ha?Baka kasi ma wrong grammar ako. Nakakahiya. hehe)
"Nariyan na ang kumpletong address ni Kristen Reign Rivera.Pati na ang iba pang impormasyon kung saan siya nakatira at kung saan siya pumapasok ng trabaho at school na pinag-aaralan.
"Talaga?"Bigla tuloy siyang na-excite na mabasa ang kumpletong report. Naroon nga ang kumpletong report kung saan matatagpuan si Kristen Reign Rivera.
Naroon din ang isang three by five picture ng dalaga.
"Maganda pala siya." wala sa loob na nasambit niya habang nakatitig sa mukha ng babaeng nakalawaran doon.
"Yeah,Super!At balita ko,matapang..." Napatingin siya kay Denver.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
Roman d'amourPinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...