Kristen's POV
MALAKI ang bahay ni Clyden. Tatlong palapag. Mag-isa lang daw siya dito. Parang hindi siya makapaniwala na pinagsisilbihan niya ang kanyang sarili sa malaking bahay na ito.
"Dito na lang kayo ni baby sa first floor pansamantala." wika ni Clyden. Ang kaisa-isang silid na nasa first floor ay guest room. May kasama na iyong banyo sa loob at kumpleto sa mga gamit.
"Iyong kwarto na nasa tabi ng kwarto ko sa second floor ay ipapagawa kong nursery para kay baby."
"Gusto ko ay magkasama kami sa iisang kwarto." wika niya.
"Malaking kwarto iyon kaya okay lang kung doon mo rin gustong mag-kuwarto. Siyanga pala nag-lunch ka na ba?" tanong nito.
Hindi pa siya kumain. Alas-onse natapos ang interview niya sa call center ng HSBC at pagkatapos niyon ay dumiretso na siya pag-uwi. Inisip niya na sayang iyong ikakain niya sa labas kaya hinintay niya na lang na makauwi sa bahay.
"Hindi pa naman ako nagugutom." sagot niya rito.
"Order na lang tayo ng pagkain para mas mabilis dahil nagugutom na ako. Kung magluluto pa ako ay baka matagalan. Alam mo na rin na wala akong stay-in na maid dahil once a week lang ang dating niya rito para maglinis at iba pa." Pagkasabi nun ni Clyden ay lumabas na ito ng silid. Hindi niya lubos maisip kung paano nito nakayanang manirahan ng mag-isa. Maingat niya namang inilapag sa kama ang nahihimbing na sanggol. Idinaan nila ito sa doktor kanina para ipa-check-up para makasiguro na walang naidulot na masama rito ang nangyaring sunog. Sa awa ng Diyos ay wala namang problema.
Nahiga siya sa tabi ng bata. Napagod ang utak niya. Natanggap na sana siya bilang call center sa HSBC at ipapasok na nga siya bukas pero nagkaproblema naman. Nawalan sila ng tirahan.
Bumukas ang pinto at sumungaw si Clyden.
"Tara kain muna tayo." wika nito.
Hindi na siya naghintay na pilitin pa nito. Bumangon siya sa kama. Naglagay muna siya ng unan sa magkabilang gilid ng bata upang huwag itong mahulog sa kama.
---
"Tumawag na ako sa isang agency. Kumuha ako ng yaya. May available raw roon na isa pero bata pa. Nineteen years old. Iyong mga darating daw bukas galing sa probinsya ay mga expert na sa pag-aalaga ng bata. Ano sa tingin mo? Maghihintay ba tayo doon sa darating na bukas o kukuha na tayo ngayon?"Hindi agad makasagot si Kristen. Sa isang iglap lang ay nilunok niya ang kanyang pride. Hindi agad siya naging aware sa bagay na iyon.
"Pansamantala lang naman ang yaya. Nurse ang kukunin ko na magbabantay sa bata. Wala lang akong mahanap na nurse na papayag na stay-in."
"Puwede na ang yaya." wika niya. Ayaw na ni Aling Perlita na alagaan ang bata dahil nagka-phobia ito sa nangyari. "Ako pa rin ang magpapa-sweldo sa kanya." Kahit sa gipit na sitwasyon ay ayaw pa rin niyang tuluyang mawalan ng silbi. Magkakatrabaho na siya kaya determinado siyang makakaahon mula sa sitwasyong iyon.
"Kung iyan ang gusto mo." ayon nito. "Anything to please you." dagdag pa nito. Panatag na panatag ang mukha nitong tingnan. Marahil ay dahil naroon na sila sa poder nito.
"Aalis nga pala ako sandali pagkatapos nito. Mamimili ako ng mga gamit ni baby." Napangiwi siya ng maalala na hindi umabot sa minimum balance ang laman ng atm niya.
"Ilista mo na lang ang mg kailangan ninyo ni baby. Ako na ang bibili mamaya pagkagaling ko sa opisina. May naghihintay kasi sa akin sa office. Hindi puwedeng hindi ako pumunta roon."
"Sorry, ha?" apologetic na wika niya. "Nang dahil sa amin ay naperwisyo ka ng husto."
"Wala iyon. Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko."
Hindi na niya kinontra ang mga sinabi nito. Tumango na lang siya habang nakaguhit sa mukha ang pasasalamat.
---
A/N: At dahil bored ako. Hope na-enjoy niyo. :)
-JCPls. vote, comment or follow my account. Nakakapagpasaya po sa akin iyon at mas makapagpupursige pa akong magsulat. Pero kung wala. E magsusulat pa rin po ako. Haha
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
Roman d'amourPinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...