Kristen's POV
"AKALA ko may ihahatid mo ako, ba't tayo nandito?" untag ni Kristen kay Clyden na kanina pa nakatitig sa kanya. Nasa loob sila ng class na restaurant. Ngayon lang siya nakatapak at nakapasok doon at naiilang siya sa ambience na animo intended for LOVERS.
"Nagutom ako bigla." sagot nito.
Hindi na siya nakipag-argumento imbes inobserbahan niya ang restaurant na pinuntahan nila.
Ano ba 'to. Mukhang mga couple lang ata ang naririto. Hindi niya tuloy maiwasang maisip na nasa isang date sila. Ganito-ganito kasi yung mga napapanood niya. Lalo tuloy siyang nailang. Assuming much Kristen? Shut-up! nagiging observant lang ako.
Naalis siya sa pakikipagtalo sa kanyang utak lumapit sa kanila ang waiter at tinanong ang kanilang order. Ngayon din lamang nito tiningnan ang kaharap na menu.
"Ano ng gusto mong kainin?" tanong sa kanya ni Clyden.
Hindi siya makasagot agad. Kanina niya pa hawak ang menu at binabasa. Pero ang totoo ay hindi pumapasok sa isip niya ang mga nakasukat doon.
"Carbonara at iced tea na lang." sagot niya. Hindi naman siya makakaing mabuti kung kaharap niya ito. Naiilang siyang hindi niya maintindihan.
Ganoon na rin ang in-order nito. Habang naghihintay silang dumating ang kanilang pagkain ay hindi ito mapakali. Lagi siyang tinitigan pero hindi nagsasalita.
"Mahalaga ang oras ko." wika niya. "Naghihintay sa akin si Aling Perlita. Baka nainip na iyon at iniwan na lang ang bata sa kapit-bahay."
"Sinabihan ko na si Aling Isidra na maatrasado ka sa pag-uwi. Galing ako sa inyo."
Labis-labis kung suyuin siya nito. Kung hindi niya pipigilin ang sarili ay makapag-ilusyon siya.
Ang sabi ng mga nakasama niya sa trabaho ay labis kung manuyo ang mga lalaking babaero. Matamis daw magsalita at lahat ay ibibigay makuha lamang ang tiwala ng babaeng sinusuyo. Ganon tiyak ang ginawa ni Mario kay Liezel kaya nagtiwala ng sobra ang kaibigan niya. Ang kaibahan nga lang ay BABAE si Clyden. Pero diba may mga ilang lesbiana na medyo kapareha na ng mindset ng mga lalaki? Haaay. Ewan ko.
Sana ay magkasundo na tayo Kristen, para matahimik na ang loob ko at sana nakuha ko ang tiwala mo. wika nito na sa malamlam na mga mata.
Hindi siya nagsalita, nagyuko lamang siya ng ulo.
Dumating ang kanilang order.
Hindi na siya makasubo at ganoon din ito.
"Ipapabalot na lang natin ang pagjain at nang mapakinabangan ng mga batang nanlilimos na bata sa labas."
Tumango siya.
"Umorder ka ng pagkain para sa inyo ni Aling Perlita. Magugutom ka pag-uwi ng bagay."
"Huwag na, salamat na lang." pagtanggi niya.
Hindi ito nagpaawat. Um-order pa rin ng pagkain for take-out.
---
"NAPAKABUTI naman ni Clyden, Kristen."wika ni Aling Perlita habang kinakain nito ang pagkaing dala ni Clyden.
"Napaka-generous. Nakikita ko na bukal sa kalooban niya ang hangaring tulungan kayo ng bata."
Nakatingin siya sa kawalan at hindi malaman kung ano ang dapat isipin. Kailangan pang ulitin ni Aling Perlita ang sinabi para mabigyan niya iyon ng atensyon.
"Hindi ko po alan kung ano talag ang nasa kalooban niya." ang mahina niyang wika. Habang sinusuyo siya si Clyden ay lumalaki ang takot na nadarama niya. Para itong isang uri ng ipinagbabawal na gamot na nakapagbibigay ng kinabukasan kaya dapat niyang iwasan.
"Mararamdaman mo naman na sincere ang isang tao o hindi base sa mga ikinikilos niya at ginagawa." wika ni Aling Perlita. "Wala akong ibang nakikita kung hindi sinseridad."
"Ayoko pong maging bahagi siya ng buhay namin ng bata." wika niya. Paano kapag na-inlove siya sa isang Clyden Castro? Sa'n siya pupulutin? Kilala niya ang angkan nito. Ngayon pang attracted siya sa kanya at kakaiba ang nararamdaman niya kapag nakikita niya ang dalaga.
Ang mga tulad niya ay hindi papatol sa isang katulad niya. Hindi na siya nagtataka kung bakit tinakbuhan ni Mario si Liezel. Mayaman din kasi ito.
"Bakit naman, Iha?" tanong ni Aling Isidra na mukhang naguguluhan. "Natural lng naman na maging bahagi siya sa buhay ninyo dahil nga sa bata."
"Dahil tiyak na iisa lang ang kulay nila ng lalaking nakabuntis sa kaibigan ko!" sambit niya na mas lalong nagpagulo sa isipan ng matanda.
-----
A/N: Oyoyoy! Long time no update. Pasensya na mga readers and sorry kung lame. 4th year High School student na kasi ako kaya madaming ginagawa lalo na ngayon malapit na malapit n kaming grumaduate. Ayaw kong maabutan ng K+12 no. Duh. Lol Btw. Salamat sa patuloy na sumusubay at yung mga naglagay nito sa mga libraries nila. Labya all! Mabilisang update para sa inyo! Hihi
Magta-try akong mag-update next weekend para matapos na 'to at maka-umpisa ulit ako mg bago.
Pls. I-follow niyo ko then magvote at comment naman kayo. Pretty please? Yun na lang yung pakonswelo niyo sa akin para mas sipagin ako kahit super busy. Osya. Hanggang sa susunod. Adios! :)
-JPCaste
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
RomantikPinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...