Clyden's POV
MISSED na naman ni Clyden ang bata.Simula nang makita niya ito ay lagi na niya itong naaalala.Noong una niyan masilayan ang mukha nito ay para siyang maiiyak.Marahil ay dala ng guilt dahil sa ginawang pagpapabaya dito ni Mario.
Hindi niya agad natuklasan noon na mahilig pala siya sa bata dahil sa sobrang busy niya sa pagpapayaman sa kanilang kompanya na ngayon ay siya nang namamahala.
Besides ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit sa mga bata kaya hindi agad niya nadiskubreng gusto niya ng bata.
At kahit naman siguro na wala siyang amor sa mga bata ay natural lang na ma-missed niya ang sanggol.Anak iyon ni Mario.
"Ang lalim ng iniisip mo,"untag sa kanya ni Lander. Nasa hardin sila.Binabasa nito sa kanya ang rate ng foreign currencies."Ano bang bumubulabog sa isip mo?"
"Gusto kong makita ang sanggol,"sagot niya.
"Iyong bata o iyong nag-aalaga?"nanunuksong tanong nito.
"What do you mean?"maang na tanong niya.
"Hindi ka ba aware na sa tuwing nag-uusap tayo ay bukambibig mo ang Kristen na iyon?"
"Natural lang dahil siya ang topic sa usapan.Alangan namang ibang pangalan ang babanggitin ko,"pamimilosopo niya. Hindi naman siya pilosopo.Napahiya lang siya sa sarili kaya nangatwiran siya.
"Huwag mong haluan ng ibang kulay ang concerned ko sa sanggol.Talagang nag-aalala ako para sa kanya.Nakikita kong hirap na hirap si Kristen sa sitwasyon."
"You care so much."Natawa si Lander.
"Don't be silly,Lander,"saway niya rito."Alam mo kung ano ang type ko sa babae.Hindi ko kailanman magugustuhan ang mga lahi ni GABRIELA SILANG." Idiniin niya talaga ang nasabing bayani.
"Hindi nga ba at gusto mo ay iyong hero ang dating mo?Si Kristen na nga ang hinahanap mo.Very helpless siya at kailangan niya ng hero."
"Mas matigas pa siya sa mga babae sa Europe nung last tayong nagbakasyon doon w/ Denver."ang dismayadong wika niya. "Hindi ko in-expect na magmatigas siya na tulungan ko."
"Anong balak mo ngayon?."-Lander
"Kailangan ay maging kaibigan ko si Kristen."
"Kailangan talaga.Hindi ka naman puwedeng manligaw sa babaeng galit sa iyo."
"I'm not really thinking that,Peter and she doesn't know about the real me."
"Owh.Oo nga pala.Bat hindi mo sabihin malay mo naman diba?Remember?You're making a straight girl get confuse about herself i mean lahat ng naging girlfriends and flings mo noon ea halos lahat sa kanila straight,diba?Idol nga kita ea ang lakas ng appeal mo.haha
"Baliw! Alam mo naman na ni isa sa mga iyon ay wala akong sineryoso maliban na lang sa first girlfriend ko,dba?sagot nito sa kanya.
Tumango lang ang kaibigan niya.
"And take note,wala akong balak sabihin sa kanya kung ganito pa ang sitwasyon namin.Ay wait,kailangan niya pa bang malaman?Baka mas lalong layuan at tanggihan ang tulong ko kung ganoon.Alam mo naman na di maiiwasan na mandiri,umiwas o maging judgemental ang isang tao kahit wala sa itsura nito."pagtutuloy niya.
Buti na lang talaga at di halatado na may something sa kanya.Very formal kasi siya sa ibang tao lalo na sa mga empleyado niya maliban na lang sa family at friends niya lalo na sa kaharap niya ngayon at sa loko-loko niyang pinsang si Denver.
Natigilan siya sa pag-iisip ng biglang umungol lang ang kaibigan niya bilang pagsagot sa kanya.Oo nga pala kausap niya pa rin ito.Itinuon nito ang paningin sa binabasa.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
RomansaPinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...