Chapter 5

342 8 2
                                    

Kristen's POV

PASADO alas-onse na nang dumating si Aling Perlita. Gusto pa ring pumasok ni Kristen sa trabaho kahit half-day lang. Puwede ng ilabas sa pagamutan ang bata. Binarayan na ni Clyden ang bill. Inihatid na muna niya ang mga ito sa bahay bago siya pumasok sa trabaho.

     Pagdating niya sa trabaho ay kinausap siya ng kanyang boss at pinag-resign. Parang gumuho ang mundo niya. Naisip niya ang pagmamatigas kay Clyden. Paano na lamang kapag nalaman nito na natanggal siya sa trabaho dahil lagi siyang late at absent? Lagi siya nitong kukulitin. Magugulo nanaman ang kanyang mundo at ang kanyang... Haay... Hindi maari...

     Problemado siyang lumabas ng opisina ng araw na iyon. Hindi na niya magagawang ibalik kay Clyden ang ibinayad nito na orihinal niyang plano. Kapag kasi ginawa niya pa iyon ay lalo lang siyang magigipit sa pera.

     Iniisip niya ang mga pangangailangan ng bata. Hindi siya dapat na mawalan ng trabaho. Hindi madaling mag-apply. Kailangan ay may maisip siyang pansamantalang pagkakakitaan habang naghahanap siya ng siya ng bagong mapapasukan.

     Nagsimula siyang magkuripot nang husto. Sa halip na sumakay ng traysikel pauwi sa kanyang tirahan ay naglakad na lang siya. Inabutan tuloy siya ng ilan. Wala pa naman siyang dalang payong.Bagyo nanaman itey.

"Damn!" Gulat na napalingon siya sa likuran nang marinig ang malakas na busina. Napamura pa tuloy siya dahil sa kung sino mang may-ari ng pesteng sasakyan na 'to. Hindi niya namalayan na si Clyden ang lumabas ng kotseng iyon dahil sa nakakasilaw na headlights. Namukhaan niya na lang ito ng lumapit ito sa kanya at ng hinawakan nito ang kanyang siko.

     "Get inside the car!" wika nito. "What came into your mind? Bakit ka nagpapaulan?!" Para siyang asawa na pinapagalitan nito.

(A/N: Uyyyyy. Asawa daw...:P)

Tahimik Author!!! PARA lang nga eh!

(A/N: O-o-ok. Init ng ulo... Osya , bye.2)

Mabuti pa nga.

Nabalik ako sa katinuan ng ng namalayan kong wala na ako sa labas. Nahapit na pala ako nito sa kanyang kotse.

     "Bakit na naman, Clyden?" wika ko dito sa mahinang tinig.

     "Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit pinaparusahan mo ang sarili mo." wika nito sa dismayadong tinig. "Ano ba ang mawawala sa iyo kung tumira kayo ng bata sa poder ko?"

     Hindi niya masagot ang tanong na iyon. Ayaw rin niyang sagutin.

     "Ayoko lang makaperwisyo ng ibang tao." wika niya sa mahinang boses.

     "Hindi ako ibang tao, Kristen. Parang anak ko na rin ang bata, na dahilan kaya ako nahihirapan nang husto. Gini-guilty mo ako. Pinapahirapan mo ang kalooban ko sa mga ginagawa mo."

     "I am sorry." anas niya. "Nahihirapan din naman ang kalooban ko sa ganito."

     "Iyon naman pala. Bakit hindi mo tanggapin ang tulong ko?"

     Dahil naliligalig ang isip at puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Iyon ang gusto niyang isagot. Subalit hindi niya magawang bigkasin.

     "Matinding sakripisyo ang ginagawa mo Kristen. Hindi biro ang magpalaki ng sanggol." wika nito sa tinig na tila labis na nahihirapan ang kalooban.

     Hindi siya nagsalita. Napatitig siya sa palad nitong nakahawak sa basa niyang braso. Hindi niya maipaliwanag ang damdamin na ginising niyon sa kalooban niya. Namimilog ang mga mata niya na unti-unti nitong inilapit ang sarili sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag pero parang nakaramdam din siya ng panghihinayang nang hindi mangyari ang kinatatakutan niya. Inakala niyang hahalikan siya ni Clyden. Iyon pala ay inalis nito ang mga naligaw na buhok sa kanyang mukha.

Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon