CHAPTER 7
Kristens'S POV
"SALAMAT naman" grateful na wika niya sa dati niyang ka-klase noong college. Nagkataon na nagkita sila sa grocery at nagkakuwentuhan sa kanilang mga naging buhay. Secretary ito ng isang pabrika ng mga T-shirt at nangangailan daw ito ng kapalit dahil magre-resign para mag-abroad.
"Madali lang ang mga gawain doon. Ililista mo lang ang mga orders. Kapag naman mayroon kang hindi naintindihan ay naroon lang sa opisina si Boss Jet. Mabait iyon. Chinese blood, born Filipino citizen. Tahimik pero sensitive iyon sa needs ng mga workers niya."
Nagtanong na agad siya ng iba pang mga dapat niyang gawin sa opisina. Very effective naman ito sa pagturo sa kanya. Parang nasa loob sila ng opisina sa paraan ng pagkukuwento nito at pagbibigay ng instruction.
"Pupunta pa rin naman ako roon bukas para ihatid ka. Mag-stay ako ng half day kaya matuturuan kita ng actual."
"Thanks talaga, Noemi." Hindi matapus-tapos na pasasalamat niya.
Kaya kinabukasan, isinama na siya ng kaibigan doon. Naging kampante siya sa mga naging gawain niya sa loob ng opisinang iyon. Tama si Noemi na napakadali lang ng mga gawain doon. Wala siyang pressure na naramdaman.
"Miss Rivera, may alaga ka raw na sanggol?" tanong ng boss na si Jet ng araw na iyon.
Napakalumanay nito kung magsalita. Parang walang energy kung tutuusin, very weak and fragile. Ang mga katangian nitong iyon ay naging dahilan para mapalagay agad dito ang loob niya.
"Opo, Sir. Anak po ng kaibigan kong namatay sa panganganak." Bigla siyang nalungkot ng maalala ang kaibigan pero agad ding itinago iyon.
"Sorry sa nangyari. Mabuti na lang ay may naiwan kang alaala sa kaibigan mo. Huwag na huwag mong ilalayo sa iyo ang bata."
Lalong napalagay ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay kakampi niya ito sa paniniwala at paninindigan.
"May naging secretary ako dati na nagka-baby rin ng walang asawa. "Naano" lang kumbaga. Ipinaampon niya iyong anak niya. I felt sorry for her."
Nasabi niya sa isip na ito ang klase ng lalaki na dapat niyang hayaan. Katulad niya ang frame of mind.
--
PAGLABAS ni Kristen ng building na pinagtatrabahuan niya ay natanaw niya si Clyden na umibis ng kotse nito sa may parking area.
Ako na naman ba ang sadya nito? tanong niya sa isip. Halos 2 linggo din kasi itong hindi nagparamdam sa kanya magmula no'ng malaman niya IYONG tungkol sa kanya. Wala namang kaso iyon sa kanya. Ang hindi niya maintindihan ay ang abnormal na pagpintig ng puso niya tuwing nakikita ito lalo na't ngayong matagal-tagal din itong 'di nagpakita sa kanya.
Siya nga yata ang pakay nito dahil kumaway ito sa kanya. Nakangiti pa itong naglakad papalapit. Ang ganda talaga niya pag nangingiti. Biglang sambit ng utak niya. Hala! Ano daw? Erase. Erase. Ano bang nangyayari sa kanya? Paano kaya siya nito natunton? pag-iiba niyang tanong sa isip. Malamang na dumalaw na naman ito sa bahay at tinanong kay Aling Perlita kung nasaan siya.
"H-Hi!" Medyo alanganin pero masiglang bati nito na animo iniisip na nasisiyahan siya sa presensya nito. OO. Hala?!
Nagpakawala na lang siya ng buntung-hininga. Ano ba itong nangyayari sa kanya.
"Ano na naman ang kailangan mo sa akin?" pag-susungit niya sa kanya.
"May pinuntahan ako sa malapit lang. Naisip ko na daanan ka para ihatid sa bahay."
"Hindi mo kailangang gawin 'yan. Hindi naman ikaw ang nagkasala sa kaibigan ko. Hindi mo kailangan magpakahirap para malinis ang kasalanan ni Mario."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
RomancePinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...