Kristen's POV
"KAILANGAN mo ng katuwang sa buhay, Miss Rivera." wika sakanya ng kanyang boss na si Jet nang yayain siya nitong sabayan ito sa pagkain ng lunch. Hindi ito lumalabas kapag oras ng kainan. Nagpapa-deliver ito at sa pantry kumakain.
"Mahihirapan ka kung ikaw lang mag-isa ang magpapalaki sa bata." patuloy ng kanyang boss ng hindi ito magsalita.
"Kakayanin ko po." wika niya. Hindi niya maiwasang pansinin ang bawat kilos nito. Napaka-fragile talaga nito. Daig pa ang isang babae. Parang walang energy.
"Mag-asawa ka. Mas maganda na lumaki ang bata na may kinikilalang ama. Kapag nag-asawa ka, i-adopt ninyo ang bata para apelyido ng asawa mo ang dala niya. Huwag mo ng ipaalam sa kanya na hindi kayo ang tunay na magulang." suhestyon nito sa kanya.
Pinakinggan niya ito ng mabuti. Makabuluhan ang mga payo nito para sa kanya. Ang kaso sumingit na naman sa isip niya ang mukha ni Clyden sa isipin na kailangan niyang mag-asawa.
Hindi maaari. Hindi naman legal iyon dito. At kapag nagkataon hindi AMA kundi INA. Haaay. Naguguluhan na talaga siya. Ano ba 'tong pinag-iisip niya. Nabalik lang siya sa ulirat ng magsalita ulit ang kanyan boss.
"Hindi kasi maganda sa isang bata na walang kinalakihang ama." patuloy nito. "Magiging negatibo ang impact niyon sa kanya."
"Wala po akong boyfriend." tugon niya.
"Napakanda mo. Nahihiya tiyak ang mga lalaki na lumapit sa iyo. Natatakot na i-reject mo. Ano ba ang hinahanap mo sa isang lalaki?" Hinihiwa nito ang beef na nasa plato nito. Halos hindi makayang gawin ang ganoon na kasimpleng bagay. Parang wala itong pwersa. Gusto niyang mag-prisinta na hiwain iyon para rito. Pinipigil lang niya ang sarili sa pag-aalala na baka ma-offend ito.
"Matigas ang beef na ito." hindi na siguro nakatiis na reklamo ng kanyang boss.
"Ako na lang po ang maghihiwa." presinta na niya dahil parang ganoon naman ang hinihintay nito.
"Please, Miss Rivera." Inilapit nito ang plato sa kanya.
Hiniwa niya nang maliit ang beef habang ito ay nakangiting nakatingin sa kanya.
Bumukas ang pinto at sumungaw ang dati niyang boss sa Marketing Intelligence Agency. Nagulat siya sa pagkakita rito.
"Sir?"
Masama ang tingin sa kanya nito.
"Anong ginagawa mo rito, Miss Rivera?"
"Secretary po ako rito, Sir." sagot niya na kinabahan. Hindi niya alam kung bakit.
"Mag-usap tayo Jet." wika ng dati niyang boss sa tinig na puno ng pag-uutos.
"Miss Rivera, pwedeng lumabas ka muna?" apologetic ang mukha nito.
Dali-dali niyang tinungo ang pinto. Makalipas ang ilang sandali ay pinauwi na siya ng kanyang boss na si Jet.
"PATAY!" wika kay Kristen ni Noemi matapos niyang i-kwento rito ang nangyari ng araw na iyon sa opisina. Tumawag ito sakanya. "Magbalot-balot ka na. Tapos ka na, Kristen. Tiyak hindi ka na makakabalik sa opisina."
"Bakit naman, Noemi? Ano bang relasyon nilang dalawa? Bakit tatanggalin ako ni boss Jet?"
"Lovers ang dalawang iyon." wika nito sa kanya. "Nagseselos tiyak sa iyo ang boyfriend ni Sir Jet."
"Pumapatol si boss Jet sa bading?"
"Bading din siya day." agad na sagot nito. "Sorry at nakaligtaan kong sabihin sa iyo ang bagay na iyon. Napakaseloso ng boyfriend ni boss Jet at talagang nagmo-monitor iyon."
"Bakit niya ako pagseselosan kung bading din naman si boss Jet?"
"Kasi si Boss, double blade. Na-gets mo ako?"
Napa-buntong hininga na lang siya.
"Ganun pala."
"Wala akong problem sa mga myembro ng LGBT but nakaka-turn off kasi takot siya dun sa lover niya. Hindi kayang lumaban. Gwapo sana e mas malakas pa ata akong sumuntok sa kanya. Mukhang lamok lang baka di niya pa kayang patayin. haha"
Natawa at napailing na lang siya sa panghihinayang sa kanyang boss. Pero higit ang panghihinayang niya sa trabahong nawala sa kanya.
Naisip na naman niya si Clyden. Itinakda ba ng tadhana na magipit siya ng husto upang tanggapin niya ang tulong nito? Hindi niya gusto ang isiping iyon.
----
Ola! Tagal ko ding di nakapag-update. PASENYA po talaga sa mga naghintay. Patawad po. May pinagdadaanan lang at hindi ko na 'to napagtuunan ng pansin. SABAW na UPDATE para sa inyo. Isiniksik ko lang sa sched ko dahil Prelims week na namen. Kakatest nga lang namen kanina sa English at Filipino. Lol PASENSYA na din sa typo errors phone lang gamit ko. Ciao!
Btw, this chapter is dedicated to @LoeyDepena
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
Storie d'amorePinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...