Kristen's POV
NAKAHARAP si Kristen sa calculator at papel. Kino-compute niya ang mga gastusin niya sa darating na buwan. Mayroon siyang savings sa bangko. Gusto niyang tiyakin na kakasya iyong budget sa loob ng dalawang buwan. Hindi siya sigurado kung kailan siya uli makakahanap ng trabaho.
Nagsimula na siyang mag-submit ng resume kahapon ag naka-schedule for interview sa call center na kanyang in-applyan sa Ortigas. Malakas ang kutob niya na matatanggap siya. Pero siya ang klase ng tao na naghahanda sa mga unexpected na mangyayari.
Engrossed siya sa pagcompute nang may kumatok.
"Tuloy lang, hindi iyan nakasara." wika niya
Marahang bumukas ang pinto. Nawala siya sa mood nang makita ang panauhin.
"Clyden Castro," nakailing na bigkas niya sa pangalan nito. "Hindi ba sinabi ko na sa iyo na kusa akong lalapit para humingi ng tulong kapag hindi ko na kaya?"
"Hindi ako magtatagal." ang malumanay na wika nito. Bahagya nitong itinaas ang dalawang grocery bag. "Idinaan ko lang ang mga ito. Tulog ba siya?" tukoy na sa bata.
Parang napapagod na siyang pagbawalan itong lumapit sa bata.
"Oo, mahimbing na natutulog."
"Titingnan ko."
Hindi na siya nagprotesta. Napailing na tinitingnan niya ang dalawang malalaking grocery bag na ibinaba nito sa ibabaw ng mesa.
"Off mo ba ngayon?" ang tanong ni Clyden nang balikan siya.
Ayaw niyang sabihin dito na natanggal siya sa trabaho kaya tumango na lamang siya.
"Pwedeng maupo?"
Tumango lang siya.
"Hindi ako pormal na nakahingi ng sorry sa iyo sa ginawa ni Mario. Nang dahil sa kanya ay kaya nahihirapan."
"Kalimutan muna iyon." mahinang wika niya. Ayaw na niyang isipin iyon. Napapagod na siya sa dami ng iniisip niya.
Napatingin ito sa inililista niya.
"Anytime na kailangan mo ako ay narito lamang ako." ang sincere nitong wika. "Karamay ninyo ako ng bata." Ipinatong nito ang palad sa ibabaw ng kamay niya. Napatingin ito ng bahagya sa kanilang kamay. Nakaramdam siya ng parang kuryente ng magdikit ang kanilang balat. Yung naramdaman niya noong nasa kotse sila. Isinantabi na lamang niya iyon.
Nag-angat siya ng tingin dito. Bagay iyon na pinagsisisihan niya sapagkat parang nahipnotismo siya sa sinseridad na nakikita sa mga mata nito.
"Lalapit agad ako sa iyo kapag nagigipit ako." Hindi niya matiyak sa sarili kung sincere ba siya sa sinabing iyon. Naguluhan siya sa kanyang damdamin. Para ma-at peace siya ay sinabi niya sa sarili na ayaw lang niya ng argumento kaya niya iyon sinabi.
SAID na ang savings ni Kristen dahil laging nagkakasakit ang bata. Ipinapaunawa sa kanya ni Aling Perlita na ganoon talaga ang sanggol.
"Mahirap talagang magpalaki ng sanggol, Kristen." wika nito. Parang isina-suggest ng tono nito na lumapit na kay Clyden.
"Hindi na po bale. Makakaraos din kami." wika niya. Natanggap naman siya sa inapplyan niyang call center pero hindi siya umubra dahil palitan ang schedule. Hindi pwede si Aling Perlita na magbantay sa gabi. At wala pa siyang nakikitang stay-in. Ang ipinangako ng kapit-bahay niyang guro na ihahanap siya ng yaya sa probinsya ay wala pa.
"Sa tingin ko Kristen ay dapat magtulungan na kayo ni Clyden." Hindi nakatiis na wika ni Aling Perlita.
Hindi siya kumontra sa sinabi nito. Iba ang lumabas sa bibig niya.
"May interview o uli ako bukas sa call center ng HSBC. Four hundred fifty a day ang sahod maliban po sa porsiyento sa bawat aprubadong aplikante ng credit card."
"Saan iyon?"
"Sa may Pasig ho."
"Malayo." komento nito.
Malayo nga dahil sa Lagro sila nakatira. Pero iyon ang line of work niya. Walang call center na malapit sa tinitirhan niya.
"Saan nga pala nakatira si Clyden?"
"Sa Ortigas ho yata."
"Maganda ang lokasyon niya, malapit sa lahat, nasa center iha. Kung doon ka nakatira ay hindi ka mahihirapang magbiyahe. Safe na safe pa ang bata dahil ikukuha niya ng stay-in na yaya."
Wala siyang sinabi. Fighter siya. Kaya pa niyang buhayin ang bata.
---
TULIRO si Kristen nang matanaw ang tirahan nila. May usok na nagmumula roon. May bumberong nakabalandra sa kanto at nagkakagulo ang mga tao. May sunog."Ang bata!" tarantang bulalas niya nang matiyak na doon nga nagmumula ang sunog. May mga bisig na humaharang sa kanya at hindi siya makaalpas. Nagsimula na siyang umiyak dahil sa sobrang pag-aalala.
"Kristen!" tawag sa kanya ng tinig na nagmula sa kanyang likuran.
"Clyden!" nakahinga siya ng maluwag ng makitang karga nito ang bata. Nakahawak pa rito si Aling Perlita na nakabalatay pa sa mukha ang sindak.
"Kristen, mabuti na lang at dumating si Clyden." wika sa kaniya ni Aling Perlita na kinikilabutan. "Nasunog iyong katabi nating bahay. Sumabog iyong lumang electric fan at sa katarantahan ko ay naiwan ko sa loob ang bata. Pasensya na Kristen at dahil sa akin ay muntik ng mapahamak ang bata. Mabuti na lang at dumating si Clyden."
Napaiyak nanaman siya dahil sa relief. Kinuha niya ang sanggol dito.
"Salamat ng marami, Clyden." Inilapit niya sa dibdib ang bata. Hindi na niya naisip ang iba pang bagay. Ito lamang ang tanging nasa isip niya.
"Humupa pa ang apoy. Maliban sa bahay na tinitirhan niya ay may iba pang bahay na nadamay. Wala ni isa man sa mga gamit niya ang nailabas. Naiyak na naman siya.
Nagulat siya ng may nagpunas ng luha niya at bigla siyang niyakap. Si Clyden. Ang init at napakakomportable ng yakap nito.
"Sa bahay na muna kayo tumuloy ng bata pansamantala." wika ni Clyden. Kumalas ito sa yakap at kinuha uli ang sanggol.
Wala siyang choice kundi ang pumayag
Wala pa siyang pang-down sa bagong uupahan na bahay.
--
Hey! Salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa aking istorya. Lol I know that it took me 3 months to write an update. Sorry folks! I was busy in my college life. It's not easy. Haha English pa more! Lol Well, sembreak namin ngayon at may 17 days pa akong bakasyon! Wooo! Party-party!
-JCVote. Comment. Follow.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
RomancePinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...