Clyden's POV
"Cous' paabot nga ng isang beer" untag niya sa pinsan niyang si Denver.
"Here." Abot naman nito sa kanya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Den. Ang hirap nyang pakiusapan. Ayaw niya talagang tumanggap ng tulong." Naiinis pero nahihirapan na biglang usal niya habang umiinom.
Nasa rooftop sila ngayon ng bahay niya. Inaya niya kanina ang pinsan niya at malugod naman itong pumayag. Mas mahalaga daw siya kesa sa MGA babae niya. Gusto niya kasi ng makakausap at mapaglalabasan ng problema. Hindi naman pwede ang kaibigan nilang si Lander dahil busy ito masyado. Kaya pagtitiisan na lang niya ang pinsan niya kahit na hindi niya alam kung may maitutulong ito sa problema niya.
"Alam mo cous' hindi ko alam ang sasabihin sayo. I've never been in that situation.."
See? Haha
"but do you really want to gain her trust even just a bit?" pagpapatuloy ng pinsan niya. Kelan pa naging seryoso 'to? Sinagot naman niya ito.
"100% yes."
"So, you must tell her the truth about you."
Hah?
"What do you mean?"
"Tss. Slow. You SHOULD tell her about your sexual orientation and you are trusting her 'cause your very sincere to befriend her. That would be the start or the ignition so she'll feel that she can also trust and befriend you. Unless, if that Kristen is a Homophobic. That will be another problem. But if were you I'll take the risk." Mahabang litanya ng pinsan niya. May sense din palang kausap 'tong mokong na 'to. Sumagot naman siya.
"Uhhm, that made sense. I'll think about it."
"That's the spirit 'cous! So, cheers?" Natatawang tugon ng pinsan niya.
"CHEERS!" Sigaw niya.
-
KRISTEN's POV
Tok. Tok. Tok.
Kasalukuyan siyang nanonood ng T.V ng may marinig siyang kumakatok. Tiningnan niya ang orasan niya at 07:00 na ng gabi. In-off muna niya ang t.v.
Sino naman kaya ito? Imposibleng si Aling Perlita 'to dahil siya muna ang nag-aalaga sa bata habang wala pa siyang trabaho at pinapaalagaan na lang niya kapag naghahanap siya ng pagtatrabahuhan.
Tok. Tok. Tok.
Kumatok na naman uli ito.
"Sandali lang."
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang DYO-.... Ay, erase-erase! Hindi, ASUNGOT pala.
(A:Wew. Parang DYOSA ata yung gusto mong sabihin no?)
Tapos na ba ako? ASUNGOT nga diba?
(A:Palusot.)
Hindi na niya pinansin ang mahaderang otor. At hinarap ang babaeng nasa harapan niya.
"Hi!"
"Anong ginagawa mo rito?"
"Hindi ba muna ako papapasukin?"
"Tss. Pasok."
Pumasok na ito at sinarado naman niya ang pinto. Nakita niya itong nilapag ang dalawang paper bags sa mesa.
"C'mon. Kain tayo."
Aba, feel at home ang bruha. Hindi nya ito pinansin.
"Anong ginagawa mo rito." Ulit niyang tanong rito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (girlxgirl/lesbian story)
RomansPinilit naman niyang iwasan si Clyden,hindi siya dapat mahulog dito dahil unang-una ay kaibigan ito ni Mario,ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan at ang pangalawa at pinakamasaklap ay parehas silang BABAE?!! Pero makulit ang dalaga.Hindi lang at...