CHAPTER 2 TM, IL.
THE AWAKENING...
JOSH GRELLE'S POV
PASADO ala-sais na ng gabi, ngunit, nandito pa rin ako sa North Polaris. Pabalik-balik lang ako dito sa may pasilyo na katabi mismo ng classroom namin, ang IV-101. Kanina ko pa naaalala ang pag-uusap namin ni Grey Suarez. Ibang klase din kasi yung lalaking yun eh. Masyadong usisero, baka kapag nag-patuloy 'yon, mapahamak siya. Well, ano bang pakialam ko? Simple lang, oras na malaman niya ang kasinungalingan ng North Polaris, malilintikan din kami, ako.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may biglang dumanggil sa braso ko. Hindi ko na kailangang lumingon para lang malaman kung sino 'yon. Ganyan naman lagi siya eh, parang multong su-sulpot-sulpot, pero mahal ko pa rin 'yan.
"Babe! Oh, what's with the sad face?" Untag niya sa 'kin, kasabay ng pag-hawak sa mga kamay ko.
Ngumiti naman ako kahit naiilang at sinabing, "Wala 'to, b-babe."
Nalungkot naman ng saglit ang mukha niya at tumugon, "Babe kasi, kailangan laging naka-ngiti, sayang ang kagwapuhan. Ganito oh." Saad niya at saka ngumiti, revealing her braces.
"Okay, babe! Ganito ba? Gwapo na ba?" Sunod-sunod kong tanong kay Frances, ang napakaganda kong girlfriend. Ang nag-iisang babae sa buhay ko. Pero siyempre, una pa din ang nanay ko.
"Babe, uwi na tayo? Medyo madilim na rin kasi eh." Saad niya, kaya naman napatingin ako sa relos ko. 7:00 PM. Napa-sulyap din ako sa kalangitan, at nakitang unti-unti ng nilalamon ng kadiliman ang paligid.
"Sige, babe. Pero bakit---" Hindi pa 'ko tapos mag-salita nung bigla siyang nag-salita.
"Bakit ano?" Medyo tumaas na yung tono ng pananalita niya.
"Wala, sabi ko, ba't ang ganda mo?" Mabilis ko namang napansin ang pagpapalit ng aura niya. Humagikhik pa siya, at saka humigpit ng hawak sa kamay ko.
Bakit ganun? Eh, parang dati lang kapag sinasabihan ko siya ng maganda, magagalit siya. Tapos, sasabihin niyang kay ko sinasabi yun, dahil boyfriend niya 'ko. Tapos yung ngiti at hagikhik niya, iba na rin--.
**
GREY'S POV
Nagsi-tayuan ang mga balahibo ko, sa sobrang lamig na kasalukuyang nararanasan ko. Nasa sementeryo kasi ako, as usual. Kung pwede nga lang na dito na ako ako lumagi, gagawin ko eh. Kaso hindi maaari, kailangan kong tumira sa bahay. Kahit pa wala akong pagmamahal na natatamo 'dun. Impyerno kung ituring ko ang bahay na 'yon, langit naman ang sa sementeryo. Literally.
Winalisan ko ulit ang kapaligiran. Halos madaig ko pa ang mga janitors dito, (kung meron man) kasi madalas silang wala. Kaya naman, ako na mismo ang nag-lilinis ng puntod ni Mama, at kung sisipagin, idadamay ko na silang lahat. Bilib ba kayo sa katapangan ko? Isa lang naman kasi ang kinatatakutan ko eh, losing someone very special to me, si Mama lang naman eh. Tutal, nangyari na, kaya kailangan ko ng lumaban.
Minsan pa nga, kinakausap ko silang lahat eh. Yung parang nag-tatalumpati ako sa harap ng maraming tao, este, bangkay pala. At alam niyo rin ba, madalas kong maramdaman ang presensiya nila. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit pagdating kay Mama, hindi ko makaya?
Yes, I have the ability to communicate with the dead. Madalas akong mag-taka kung bakit, pero wala naman akong makuhang matinong kasagutan tungkol dito. Marahil, isa itong biyaya, biyayang hindi sapat dahil, hindi ko rin naman maka-usap si Mama.
**
ALECX'S POV
Samu't saring topic na naman ang pinag-tsi-tsismisan sa hallway, dito sa Fourth Year Building. Mga walang kwenta. Para saan pa ang pag-bu-bulungan nila, kung naririnig ko rin naman? Bago 'ko tumungtong sa pinaka-huling baitang ng hagdan paitaas ay isinuot ko muna ang itim kong headphones. Itinodo ko pa ang volume ng kantang nag-pe-play sa media player, bago pumasok sa IV-101.
Pagkapasok ko pa lamang sa kwarto ay agad tumahimik ang lahat. Tila ba'y may isang anghel na dumaan. Shit, 'di bagay sa' kin, masyadong banal. Nahawi naman ang daan ng bigla kong sinipa ang upuang nakaharang sa harapan ko, at umupo sa aking trono. Ang pinakalikod na upuan, sa sulok ng kwarto.
"Ibang klase talaga yang Alecx na yan, ha. Akala mo kung sino kung umasta."
"Lagi naman eh, daig pa ang walking aircon, sa sobrang hangin sa katawan."
"Balita ko malandi rin yan eh." Sa sobrang galit ko, naramdaman ko na naman na nagbago ang kulay ng mga mata ko. Fuck! Ayoko sa lahat yung pinaparinggan ako. Gusto ko, yung harapan.
Walang anu-ano'y sinuntok ko yung dalawang babae na unang nag-bulungan. Pero ang hindi nila alam, sobrang lakas nun sa pandinig ko. Mga tanga talaga. Narinig ko naman ang pag-awat ng ilan kong kaklase, mga bwisit.
"Dare to say that again, bitch, and you'll see hell." Malamig na boses na pag-sambit ko, saka sinipa ang paa niyang naka-de kwatro pa.
**
KASALUKUYANG nag-kaklase sa loob ng classroom namin. Nasa Third Floor ako ngayon, at mula rito dinig na dinig ko ang kaingayan ng mga kaklase ko. Dammit, ang ingay talaga. Nakakabwisit!
Ramdam ko ang lamig ng hangin sa mga balat ko, nang may biglang nag-salita, "As expected, nandito ka na naman."
Sumaglit naman ako ng tingin kay Josh at saka nag-salita, "Tss. As if you care, Mr.Student Council President."
"Ang init naman ng ulo mo. Kalma lang." Kampanteng saad niya, kasabay ng ilang ulit na pag-taas ng kilay niya.
"How can I keep calm? Aware ka naman siguro sa mga nangyayari, right? Especially, that transferee."
"Sabi na nga ba eh. Relax, wala siyang alam. Trust me, Leader-nim." 'Trust? Ano 'to lokohan?' Pangungumbinsi niya sa 'kin. Hindi naman lumampas sa paningin ko, ang pag-ilaw ng nasa damit niya. As expected. He's...
"Right. Wala pa siyang alam, pero darating din ang araw na may malalaman siya, Grelle."
"Subukan niya lang. Kamatayan lang naman ang kapalit."
------TO BE CONTINUED------
BINABASA MO ANG
Trust Me, I'm Lying
Misterio / SuspensoTRUST ME, I'M LYING--- Grey Suarez, a transferee in North Polaris Academy, who discover the school's hidden lie. He then begin unravelling the school's curse, worst? The LIES. He discovered her presence, soon realizing that no one else in the class...