Training Ground Part I

3 1 0
                                    


TM, IL

CHAPTER TEN

"Training Ground" PART I

WARNING: A lot of changing POVs again.

OMNISCIENT GOD'S POV

PASIKAT pa lamang ang araw nang makatanggap ng mensahe ang bawat miyembro ng Azuka mula sa kanilang head na si Alecx.

1 Message Received:

7 AM. My place.

-Alecx Avestruz

Agad namang nakarating ang mensahe ni Alecx kaya napabangon ang mga ito. Samantalang si Alecx ay nagprepare na ng mga kakailanganin mamaya. Sa bahay nila gaganapin ang kauna-unahang official training ng Azukas. Itinaon niya talaga na wala dito ang mga magulang niya dahil nasa ibang bansa ito parehas para sa isang business meeting. Ang mga kasambahay naman ng mga ito ay pinagleave muna niya. Para na rin ito sa confidentiality ng gagawin nilang training.

KENJIE SCHNAPP'S POV

"Yes baby?" Saad ko sa isang magandang dilag na nasa harapan ko ngayon sa isang bar.

"I said, I want you now baby." Malanding sagot naman nito saka mas nilapit ang kanyang mukha sa akin. Mas napansin ko tuloy ang mapupungay niyang mga mata at sampung layer ng make up.

Akmang hahalikan ko na ito ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa may ilalim lang ng unan ko. Anak ng teteng naman oh! Panaginip lang pala yun. Sayang ang hot babes.

1 Message Received:

7 AM. My place.

-Alecx Avestruz

Teka, anong meron? Bakit may pameet up si Bossing? Takte aga aga huhu. Napatingin naman ako sa bedside table ko at nakita ang oras 5:07 AM. Hmmm...hindi naman siguro masama kung iidlip pa ako ng konti diba?

JOSH GRELLE'S POV

Medyo naalimpungatan ako dahil sa panaginip ko kaya naman maaga ako nagising. 4 AM pa lamang ay nagising na ako kanina. Habang 'di ako makatulog ay napagdesisyunan ko namang kutingtingin ang mga tinago kong devices sa drawer ko. Naaalala niyo ba yung mga pinapagawa ni Leader-nim na mga techy na gamit? Yes, tapos na akong gawin ang mga yun approval na lang din siguro ng mga members at okay na okay na.

Ano nga ba yung mga techy devices na yun? Siguro saka ko na lang sasabi---

1 Message Received:

7 AM. My place.

-Alecx Avestruz

Oh eh sakto pala. Mamaya ko na ipapaliwanag ang tungkol sa mga gawa kong devices para iisang explanation na rin.

CLINT MCKINLEIGH'S POV

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Shuta sino ba 'to? 'Di ko na lamang pinansin at mas lalo ko pang hingpitan ang yapos ko sa unan ko nang biglang...

"Aray ko!" Napasigaw ako at napabalikwas bigla eh kase naman itong magaling kong kakambal hinampas ako ng unan. Aba aba. 'Di maalam gumalang sa mas nakakagwapo. Tsk!

"Hoy bangon na. May meeting tayo kila Alecx." Huh? I glanced at the clock beside my bed. Meeting ng ganito kaaga? Huhuhu. 'Di pa ako nakakapaghandsome rest masyado.

Tiningnan ko naman ng nakakaloko si Calix bago nagsalita, "Yieee. Aga pa nakaligo ka na agad. Tsk. Excited much masyado makasilay." Tuloy lang ang panunukso ko sa kanya habang nililigpit ang hinigaan ko.

"Dyan ka na nga lover boy!" Pahabol na panunukso ko bago pumuntang banyo.

ALECX AVESTRUZ'S POV

Thirty minutes before the said training, I roamed around the house. I also checked the CCTVs sa kwarto ko kanina. Last thing I have to check is the Training Ground. Yes, this is located sa basement ng bahay. I discovered this when I was 7 years old. Accidentally kong nadiscover. Yes, I practically live in a mansion pero sino ba naman mag-aakala na sa loob ng mansion na ito ay may mala-underground na gym.

-Flashback-

7 years ago.

"Young master, dahan-dahan po kayo sa paglalaro baka madapa po kayo." Saad ni Esther habang hinahabol ako. I was busy playing around the house nitong bagong bili ni daddy na glow in the dark pink ball.

"Baby Alecx, careful!" Si daddy yan habang masayang masaya sila ni mommy na pinagmamasdan ako hanggang sa gumulong yung bola ko pababa. May biglang tumawag kay daddy kaya naman 'di na nila ako napansin.

Dire-diresto kong sinundan yung bola ko hanggang sa mapadpad ako sa isang basement na naglalaman ng samu't saring gym equipment, furniture and fixtures at mga armas.

-End of Flashback-

Since that day, alam ko na ang bahay naming ay hindi ordinaryong bahay. Lots of secret doors, secret rooms and para bang 'di basta negosyante lang ang parents ko. Parang may iba pa silang trabaho.

I was in the middle of thoughts when someone interrupted it.

"Yow boss!" It was Calix. I just shrugged and continued my way to the basement. Hindi na ako mag-aabala pang pagbuksan ng gate ang iba pang members. Why? Dahil nakaprogram na sa cctv and sa laptop ko ang mga plate number ng bawat isa sa kanila. Located ang sensor sa mismong harap ng gateway at automatic na magbubukas na ito leading them in the secret parking lot.

I motioned my hand naman kay Calix at mukhang naintindihan niya naman yun dahil sinundan niya ako. Niready na namin ang mga swiss knife, ammunitions, darts, pistols, revolver at iba pang klase ng baril. We also prepared the target shooting area. Good thing he's here to help me na rin sa pagbubuhat ng mga bagay.

Minutes passed by and I heard a chuckle from the back, "'Tol kaya pala ang aga naten eh. Dumadamov—" Hindi na naituloy ni Clint ang sasabihin ng dagukan siya ng kakambal. Ewan ko sa inyo. 

Trust Me, I'm LyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon