GREY SUAREZ'S ARRIVAL

5 1 0
                                    


TM, IL CHAPTER ONE, GREY SUAREZ'S ARRIVAL

NARRATOR'S POV

PASADO ala-singko ng umaga ng maalimpungatan ang binatang si Grey Suarez mula sa kanyang pagkakagising. Agad itong humawak sa kanyang ulo dahil sa pagkapuyat buhat kagabi. Nang bumaba siya sa kusina makatapos maligo ay nakahanda na ang pagkain.

"Salamat po, Manang." Pagkasabi niya noon ay kumain na siya at saka dumiretso sa labas ng bahay. Inayos niya ang kanyang bisikleta upang pumunta sa bago niyang eskuwelahan---North Polaris Academy.

GREY'S POV

5:50 AM Pagkatingin ko sa relo ko ay napagdesisyunang daanan si Mama. Tutal maaga pa naman eh. 7:00 AM pa naman ang nakalagay dun sa schedule na binigay ng school's admission.

Malamig at preskong simoy ng hangin ang agad na yumakap sa akin pagkatungtong na pagkatungtong ng mga paa ko sa---sementeryo. Oo, nandito si mama, nakahimlay ng tahimik makatapos labanan ang sakit niya at ang sakit na dinulot sa kanya ng magaling kong ama. Naaalala ko pa ang mga panahong iyon na para bang hindi na natanggal sa aking memorya. Nung panahong binubugbog siya ni papa hanggang maging duguan siya. At ako naman bilang isang bata ay wala ng nagawa kundi ang ngumalngal na parang walang katapusan. Hanggang sa isang araw...

FLASHBACK

Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ni mama ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Agad akong umupo sa espasyong nasa tabi ni Mama.

"Mama, gising na. Nakahanda na po ang almusal sa baba." Paggising k okay mama habang hinahawi ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya.

"Mama, bangon na po." Isang beses ko pa ulit siyang tinawag pero sa pagkakataong ito ay mas nilakasan ko ang boses ko. Ngunit ni isang kibo ay wala akong nakita.

"M-mama?" Nanginginig ako sa takot ng hinawakan ko ang kamay ni mama. Malamig at wala na itong pulso. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak.

Kaya simula ng araw na 'yun wala ng natirang pagmamahal para sa tatay ko ditto sa puso ko. Puro matinding poot lamang.

Nang maiparada ko ang aking bisikleta 'di kalayuan sa puntod ni Mama ay agad akong nag-indian seat. Hinawi ko ang mga tuyong dahon na nasa lapida niya at kinudkod ko rin ang mga tulo ng kandila roon. Tahimik ang buong paligid nang may bigla akong marinig. Tumingin ako ng bahagya sa likod ko at biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa leeg. Unti-unti ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at sinundan ang tinig na narinig ko.

Matagal ko ng alam na may kakaiba akong kakayahan. Ang makausap ang mga taong namayapa na. Ngunit ang unang tanong namayapa na nga ba sila? Bakit nangungulit pa rin sila? Pangalawa, bakit kapag si Mama na hindi ko na siya makausap? Dahil ba tuluyan ng nakahanap ng katahimikan si Mama? O baka naman limitado ang kakayahan ko?

Napakaraming tanong ang naglalaro sa isipan ko ng biglang---"Aray!" Sigaw ko ng bigla akong makatapak ng isang...teka barbed wire ba 'to? Shit, kaya pala sobrang sakit. Pero ang nakapagtataka lang bakit sobrang dami na agad ng dugo eh nung tiningnan ko naman ang black shoes ko ay kakaunti naman ang dugo roon dahil nga 'di naman direktang naapakaan ng paa ko eh. Aalis n asana ako at 'di na iyon pagtutuunan ng pansin ng may makita akong isang pares ng sintas na may bahid ng dugo---maraming dugo. Sinundan ko ang patak ng dugo hanggang mapunta ako sa isang liblib na kakahuyan. Ipagpapatuloy ko sana ang paglalakad ng tumunog ang relo ko. Senyales na nag-alarm na ito. "Crap!" Tumakbo agad ako at hinanap ang bisikleta ko ng makarating sa sementeryo. Bago ako magsimulang tumipa sa bisikleta ay nagpaalam muna ako kay Mama.

NORTH POLARIS ACADEMY

Saktong pagkarating ko sa parking lot para sa mga bikes ay nag-bell ang school bell. Tumakbo muli ako papunta sa 4th Floor. Huminga muna ako ng malalim ng makita ang label na nakasabit sa silid. 1V-101.

"Good morning, Mr. Vin." Masiglang bati ng mga mag-aaral na kaklase ko. Ako naman ay biglang tinawag ni Mr. Vin at sinabing magpakilala.

"Uhm...Hello, Grey Suarez ang pangalan ko. Nice to meet you. I hope na maging friends ko kayo." Ngumiti ako saka umupo sa upuang nasa likod ng klase. Ito na lang kase yung vacant seat eh. Pero okay lang naman kase may katabi naman ako dito eh.

"Hi. Ako nga pala si Grey Suarez. Ikaw?" Pagpapakilala ko dun sa seatmate ko pero tiningnan niya lang ako. Yung tingin niya...

"Armie Esguerra?" Pagtatanong ni Mr. Vin. Napatahimik na lang ako kase nag-aattendance na siya.

"Present!" Kapansin-pansin ang baby face na mukha nito at masiglang sumagot kay Sir.

"Francescka Jensen?" Siya naman ay parang isang normal na estudyante lang.

"Present!"

"Alecx Avezstruz?"

"Present." Bored na sabi nito saka muling nagsulat sa isang maliit na notebook.

"Erzah Monette?" Nahalata ko naman na ang isang 'to ay kikay na kikay.

"Present!"

"Josh Grelle?" Isang tipikal na character sa isang school film naman ang isang 'to. Sa hitsura pa lamang ay batid ko na.

"Present!"

"Kenjie Schnapp?" Ito naman ay yung mukhang lagging may kasamang babae. Chickboy 'to panigurado.

"Present, Sir!"

"McKinleighs?"

"Present sir/Live and Alive!" Napansin ko naman agad na kambal sila dahil sila ay isang identical twins. Walang duda.

Ilang minuto pa ay natawag na rin ang pangalan ko pero nagtataka lang ako kung bakit 'di tinawag yung katabi kong babae. Tumaas ako ng kamay upang magtanong ng nginitian ako ni Sir.

"Sir, bakit 'di niyo po tinawag yung katabi ko?" Magalang kong tanong para 'di ma-mis understood ni Mr. Vin.

"Iho, masyado ka atang kinakabahan sa first day mo. Gutom lang 'yan." Narinig ko naman ang biglang paghalakhak ng mga kaklase ko kaya napakunot ang noo ko.

Inilipat ko na lang ang tingin ko dun sa babae para itanong kung okay lang yun sa kanya nang mapansin kong mag-isa na lang ako ditto sa last row.

T-teka, papanong mag-isa na lang ako dito? 

Trust Me, I'm LyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon