TM, IL CHAPTER 4, "Phine's Finale"
Kenjie's POV
I woke up feeling dizzy and half-awake. I think dahil 'to sa pag-iinom ko kaninang umaga. Kitams? Sa sobrang pagka-fitness enthusiast ko ginawa kong fresh milk ang isang bote ng vodka. Kaya ito ako ngayon, bangag as hell.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip sa mga chicks na nakasama ko kanina ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko ang caller I.D, si Josh lang pala. "Oh ano Grelle? Pucha ka naman eh akala ko chicks na." Nagulat pa ata ang bading na 'to sa mura ko kaya napatawa ako.
"Si Phine. Patay na. Ay mali. Pinatay." Napasinghap naman ako ng marinig ang sinabi nito.
"Shit! Nasaan ka ngayon?" Saad ko at saka nagmadaling lumabas ng bahay at pinaandar ang kotse ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid ko pero lintek wala na ako halos makita dahil dis-oras na ng gabi. Buti na lang at may street lights pa dito kahit kukurap-kurap. Pwede naman kaseng sa umaga matagpuan ang katawan ng babaeng 'yun eh. I don't give a damn ha. Wala akong pake sa kanya. Kung di lang dahil pinatawag kami ni Master eh.
"Aish!" Inis kong sinabunutan ang sarili ko ng matanaw ko sa di kalayuan yung kambal.
"Sup?" Sinabi nito at ng lumapit ako sa kanya bigla akong nilamig. Whoo! Hangin men.
"Nasan sila?"'Di ko na pinansin yung bati niya kase I don't want to waste my time. I'm fucking sleepy at ramdam kong medyo lasing pa 'ko.
Kasama ko sila at si Grelle umakyat sa ospital na tinext kanina ni Grelle. Nang makarating na kami dun ay hinanap namin ang Information Desk upang magtanong.
"Nurse, saan po yung morgue dito?" Kita niyo mga tiyong? Ako yan. Atat na atat na kase akong makauwi pagkatapos nito eh. Kailangan ko pang bumawi ng tulog at mangchichiks na naman ako bukas.
"Dun po sa nakikita niyong white and black na railings liliko po dun then kakanan. Ayun na po yung morgue." The nurse replied kaya kinindatan ko siya at kinilig naman ito ng bongga.
"Hayop talaga 'to eh. Puro chicks pati ba naman dito. Gusto mo ba ihanap kita? Tara sa morgue."
Sasabat pa sana ako ng bigla kaming siniko ni Grelle. "Stop that and let's go to her."
**
"Asphyxia/Strangulation plus barbed wire tied on the different parts of her body. Yun yung sabi ng doctor upon my arrival here. Plus her tongue was divided into two. Loss of blood ang ikinamatay niya." Sinabi ni Master. Wala akong nakitang bakas ng kalungkutan sa mga mata niya except coldness. Masuka-suka naman ako sa sinabi ni Master na 'tongue divided into two'. That's fucking gross.
"Sa tingin niyo sino naman ang gagawa nito sa kanya?" I asked habang unti-unting tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Eeeew. Fuck! Seeing her body full of wounds makes me wanna puke.
"Pati ba naman bangkay ni Phine papatulan mo?" Tang*inang 'to ni Grelle.
"That's what I want to know. Maraming galit sa kanya. Even me." Ramdam ko ang diin ni Master sa bawat salitang lumabas sa bibig niya. Puno ng galit. Di kaya?—
"Huy! Kanina ka pa tinatawag ni Master." Pagyugyog naman sakin nung isa sa kambal.
"We're going to do something," Panimula ni Master kaya naman lumapit kami sa kanya and listened attentively.
"First, we'll find the reason for her death early in the morning before class. Second, if someone dies again, all of you are going to stay at my house." How can Master say this? Sobrang cool niya para sa isang babae. Yes, babae siya.
"Yie, si boss talaga gusto kami maka-quality time." Ulul talaga 'tong kambal na 'to eh. Hahaha.
"Dammit. Now take a rest. Phine's family will arrive soon. Tomorrow, sharp 6, liverary. Meet me there." In case you're wondering, what she said was right. Liverary.
Someone's POV
"AAAAAHHHH! Let me go! Let me...Let." Paulit-ulit ko na 'yang naririnig simula kaninang umaga kaya naman napagdesisyunan ko ng patahimikin. Damn. She's getting in my damn nerves!
Napangisi naman ako ng makita ang walang buhay na si Josephine "Phine" Alonzo. I didn't felt any guilt kase sobrang daming taong galit sa kanya even me. Para sa'kin 'di ako masama. Imbes, nakatulong pa ako sa napakaraming estudyante dito na naiinis sa kanya. Ang laki talaga ng role ko sa story na 'to.
FLASHBACK
"Lalalalala..." Pag-awit ni Phine habang mag-isa siyang naglalakad sa may locker room kaya naman sumimple na ako. Akmang lalapitan ko na 'to ng biglang...
"Ouch! What the hell was that for?!" Irit ni Phine habang nakahawak sa namumula niyang pisngi. Ako naman ay napatingin sa babaeng sumampal sa kanya.
"Para 'yan sa paglandi sa boyfriend ko! Whore!" Sasampalin na sana ulit nito si Phine ng biglang nakuha ni Phine ang kamay niya. Whoa, real quick.
"You should slap your boyfriend and not me. Ginusto niya 'yun." Bigla namang tumawa si Phine kaya mas nainis yung babae. Then out of nowhere, dumating si Mr.Vin. Shet, natatawa talaga ako sa pangalan nito. Parang yung lalaking laging may hawak na teddy bear sa T.V. Pinagsabihan niya ang dalawang ito para 'di na umabot pa sa Guidance. Ako naman eh nag-aabang lang. Bantay salakay kumbaga.
Nang makakuha ng tamang timing, tahimik kong tinakpan ang bibig ni Phine gamit ang (pampatulog na gamut) sa panyo at saka siya dinala sa sikretong basement.
Phine's POV
Nagising ako na nahihilo pa rin but I somehow managed to open my eyes kahit tatlo na yung tingin ko sa pigurang nakatayo sa'kin. "S-sino ka?" Tanong ko at kukusutin ko sana ang mata ko ng makitang nakatali pala ang paa't kamay ko.
Hindi siya sumagot kaya tinanong ko siya ulit. I'm losing my patience here. "Nice to meet you, Josephine Alonzo. Oh, so sweet of you para kilalanin pa ako. Tawagin mo na lang akong kamatayan mo." Ngisi nito saka bumalik sa pagpuputol ng mga barbed wire. Humarap siya sa akin na kaagad ko namang ikinatakot. Idagdag mo pa yung kamay niyang tumutulo dahil may pisil pisil siyang barbed wire. Shit, nasusuka ako!
"Alam mo ba kung bakit ka nandito? First clue, tanga ka. Second clue, tanga ka talaga." Yung tawang yun. Kilala ko 'yun.
"Oh ano na? Ano sa tingin mo? Hahaha."
Pawis na pawis naman akong tumingin sa kanya. "Di ko a-alam." Bigla niya naman akong sinampal gamit ang kamay niyang may hawak pa ring barbed wire. Napaiyak ako sa sakit.
"Tanga! Nandito ka kase pinatay mo siya! Pinatay mo yung kaisa-isa kong kakampi sa mundong 'to! At nandito ka para magbayad. Naniningil na ako." Ngumisi na naman siya. This time kinilabutan na talaga ako. Nakita kong may kinuha siyang cutter sa ibabaw ng tokador. Kumuha pa siya ng hasaan na mas lalong nagpakaba sa akin. Tagaktakan na ang pawis ko isabay mo pa yung dugong galing sa pisngi ko. Naiihi ako sa sobrang takot. Mommyyy.
"An-nong gagawin mo?" Kabadong tanong ko sa kanya at saka niya sinabing, "Shhhh. Pinapatahimik lang kita. Wag na mahiya, say 'a'." 'Di ko ginawa yung sinabi niya kaya naman puwinersa niyang ibuka ang bibig ko at hinila ang dila ko. Halos matanggal ang ulirat ko ng pinasadahan niya ng guhit ang dila ko at ramdam ko ang pagkahati nito sa dalawa.
Tatawa-tawa siya habang pinapanood akong nagdurusa. Habang umaagos ang dugo sa bibig ko. Nagsisisi na akong pinatay ko siya. Hindi ko inakalang may maghihiganti para sa kanya. Hanggang sa huli mahal pa rin pala niya ito.
Kumuha naman siya ng isang malaking kutsilyo at saka muling bumaling sa akin. Ang sunod kong nakita, naliligo na ako sa sarili kong dugo habang nagsisisi.
"Sweet dreams, Phine."
---------------------------------.
BINABASA MO ANG
Trust Me, I'm Lying
Mystery / ThrillerTRUST ME, I'M LYING--- Grey Suarez, a transferee in North Polaris Academy, who discover the school's hidden lie. He then begin unravelling the school's curse, worst? The LIES. He discovered her presence, soon realizing that no one else in the class...
