TM, IL
CHAPTER ELEVEN
Training Ground Part II
---
OMNISCIENT GOD'S POV
ILANG minute bago ang nasabing training ay sunod-sunod ng dumating ang mga miyembro ng Azuka. Naglalast minute attendance rin ang kanilang leader na si Alecx Avestruz nang bigla siyang matigilan.
"Where the hell is Schnapp?" Nakakunot-noong tanong nito habang isa-isang pinapasadahan ng tingin ang bawat isa.
"Huy si Schnapp raw 'tol!" Sabat naman bigla ni Clint habang nakatingin kay Josh.
"Aba, malay ko baka lumandi pa yun kagabi. Tsk." Ngisi naman nito bago niya nasumpungan ang matatalim na tingin ni Alecx.
Magkakasa na sana ng baril si Alecx ng bigla na lamang may kumalabog.
"Shit! Sorry sorry late. Heavy traffic kase eh." Hindi maipinta ang mukha ng bagong dating na si Kenjie Schnapp habang dalas dalas na bumababa ng hagdan.
"Never give me such a lame excuse, Schnapp." Kalmado pero maawtoridad na saad ni Avestruz.
--
JOSH GRELLE'S POV
Andito kami ngayon sa unahang bahagi nitong underground gymnasium sa loob ng mansion ng mga Avestruz. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa mga nakikita ko dito sa loob. Hindi ito yung pangkaraniwang set up sa mga bahay. Hanep!
"First thing we should train is how to be strong. We need to acquire the ability to defend and protect ourselves at the same time. Yes, we have different supernatural abilities.." Bahagyang tumigil si Leader-nim at tumingin sa akin. I felt uneasy. "Pero that doesn't necessarily mean na magdedepend na lang tayo doon. Kaya stable stamina and sharp minds ang kailangan nating itrain." Pumunta siya sa isang mini platform sa tabi ng mga nakakatakot na mga kutsilyo with different sizes na may iba't iba ring talim. Pagkatapos niya magsalita ay may kung ano siyang hinila at viola! May bagong room na naopen.
Ang bakla man pakinggan pero muntik na ako mapa-OMG sa sobrang astig. Sunod-sunod na nalaglag ang mga punching bags sa harap naming. Saktong-sakto lang para sa aming lahat. Sumunod naman ay may nabubuong something mula dun sa platform na tinutungtungan ni Alecx kanina. Shete! From that mini platform ay may nabuong boxing ring. At nung inakala kong tapos na ang ikamamangha ko nagkamali ako. Bigla na lamang kumuha ng isang swiss knife si Alecx at walang pakundangang hiniwa ng bahagya ang palad niya. Medyo napangiwi pa ako sa ginawa niya. Pagkatapos nun ay biglang ngumiti si Leader-nim ng bumukas ang isang secret door leading us to a secret garden. Andaming secret naman dito sa mansion na ito. Paano ko nalaman na secret? Secret din!
--
KENJIE SCHNAPP'S POV
"Orayt! It's showtime!" Masiglang masigla kong sigaw kasabay ng paglundag lundag ko sa tuwa dahil maeexpose na naman ang aking angking lakas at kisig.
Tiningnan ko naman si Grelle na medyo nag-aalangan pa na ewan nang siniko ko siya. "Aba't! Ba't ka naniniko ha?!" Ngumisi muna ako bago nagpatuloy maglakad, not minding him. Aba nahahawa na ata ako sa ka-eenglish ni Boss.
"Alright, let the training begin!" Sinsero pero alam kong masaya na wika ni Alecx bago siya pumito.
Malawak itong garden at may matataas na bakod kaya naman tiyak na walang makakakita sa amin. Kanya-kanyang ginagawa ang bawat miyembro, kani-kaniyang method ng pagpapalakas. Si Alecx ay busyng busy sa ginagawa niyang pagbato ng mga kutsilyo sa dart board. Yes, nabasa niyo ng tama. Imbes kasi na yung dart ang gamitin, kutsilyo ang gamit niya. Ang cool niyang tingnan talaga. Si Grelle? Ayun nandun siya sa harap ng mga punching bags na kanina ay ginamit na rin naming bago pumunta dito. Mukhang minamaster niyang maigi ang pagsuntok. Nice! Yung kambal naman na kanina ay excited rin pareho ay nasa boxing ring naglalaban sila doon. Samantalang ako heto ay naglalagay ng mga bala sa magazine nitong hawak kong revolver bago sinipat ang target board. At boom! Headshot!
BINABASA MO ANG
Trust Me, I'm Lying
Mystery / ThrillerTRUST ME, I'M LYING--- Grey Suarez, a transferee in North Polaris Academy, who discover the school's hidden lie. He then begin unravelling the school's curse, worst? The LIES. He discovered her presence, soon realizing that no one else in the class...