Author's Note: Sorry, it took years for me to update. Thank you.
TM, IL
CHAPTER 6, "Crime SIN"
NARRATOR/OMNISCIENT GOD'S POV
HABANG sila Alecx, Kenjie at Josh ay abala sa kani-kanilang mga gawain ay ang kambal naman ay hindi magkaintindihan sa loob ng pinagganapan ng krimen---ang lugar kung saan kagimbal-gimbal na pinatay si Josephine. Buhat sa labas ng pinto ay nanginginig na si Calix sa pagpihit ng doorknob. Nakita naman ni Clint ang pagkasunog-baga ng kakambal kaya siya na ang nagbukas ng pinto. Napangiwi pa siya ng dumikit sa kamay niya ang mga bakas ng dugo roon. Buti na lamang at may suot silang mga pares ng gloves. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad tumambad sa kanila ang mga numero na kapag tiningnang mabuti ay isang pattern kung paano nahimlay si Josephine sa kanyang mga huling sandali. Tahimik at walang nagsasalita sa silid dahil lumisan na rin naman ang mga pulis, profilers, detectives, forensic pathologists at media doon. Ngunit bago pa man kumalat sa publiko ay agad nang napigilan ng Board of Directors ang media sa pag-uulat nito sa telebisyon. Sa kadahilanang ito ang magwawaksi sa mundo tungkol sa mga sikreto't kasinungalingan ng naturang eskuwelahan at kalauna'y ikasasanhi ng pagkabagsak nito.
Calix's POV
"Shit bro, alam kong gwapo tayo pero bakit dito pa tayo pinapunta ni Boss." Napatawa naman ako sa pag-iinarte ng kakambal ko.
"Kailangan 'tayo' talaga? 'Di ba pedeng ako lang? Haha. Anyways, Clint, come to think of it. Master needs our ability kaya tayo ang pinapunta niya dito sa Crime Scene." Paliwanag ko sa kanya habang nililibot ang paningin ko sa mga bagay na nandito sa loob. Ang kwarto ay balot na balot ng masamang aura. Masangsang din ang amoy dahil ilang araw na rin itong iniimbestigahan ng mga pulis. Pero ang mga gamit dito ay nananatili sa puwesto kabilang na ang itak, cutter, mga ilang metro ng barbed wire, panghasa, at ang isang piraso ng tela na halata mo namang ginamit para di makasigaw si Phine.
"Lix, hawakan mo 'yun oh." I then shifted my gaze dun sa direksyong itinuro niya at unti-unti kong nilapitan ang cutter na may bahid pa ng dugo. But before that, sinigurado kong walang sira ang gloves na suot ko. Mahirap na, baka may re-investigation na mangyari at maiwan ang finger prints ko. At dagli ko na ngang hinawakan ang cutter habang may kakaiba akong nararamdaman. Ilang minuto rin ang tinagal ng sensasyong tanging kaming dalawa lamang ni Clint ang nakakaramdam.
"Shit bro!" Narinig ko ang pagsigaw ni Clint habang niyuyugyog ako. Agad ko namang hinawi ang kamay niya para sabihing ayos lang ako. Yes, I do have the ability of post cognition kaya naman pagkahawak ko pa lamang sa cutter ay nakita ko na kung paano kahindik-hindik na pinaslang si Phine. Si Clint naman ay pre-cognition kaya mas maayos na na kami ang magkasama sa paggawa ng mga ganitong role sa lahat ng members. Ngunit ang mahirap ay hindi naman sakop ng kapangyarihan ko kung sino ang eksaktong pumatay kay Phine dahil sa vision ko ay mata lamang ang nakikita sa killer mula sa suot nitong itim na maskara.
"Clint, masyadong mabigat ang grudge ng taong pumatay kay Phine. Masyadong nakuha ang lakas ko kaya sigurado akong hindi lang simpleng trip ng suspek ito. Aside from the fact na maraming nilandi si Phine sa school, hindi ko maiwasang isipin kung bakit kailangang ganito ang sapitin niya." Mahabang pagsasalita ko habang nagkakabuhol-buhol na ang mga ideya sa utak ko.
"Lix, for sure hindi basta-basta ang murderer nito. He or she planned this killing very well. And we both know what that means." Sinserong sambit ni Clint habang pinagmamasdan ang cutter na ngayon ay nasa sahig na.
"The murderer will not stop killing until he or she's arrested." Magkasabay kami ng kakambal ko na lumingon sa pinanggalingan ng boses.
"Tama ka, Master."
"So ano ng gagawin naten ngayon?" Napatingin naman ako sa likod ni Alecx dahil hindi ko napansing nandun na rin si Kenjie at si Josh.
"If my calculations were right, the culprit is very likely to have developed mental disorder during a course of time. And kung mapapansin niyo the method of killing that was used was very horrendous. Ibig sabihin..." Tumigil si Master saglit kaya naman dinugtungan na ito ni Josh.
"He or she must be seeking for vengeance."
"Right. The way he or she used the cutter and the butcher knife was like portraying some crazy shitty head. We all know na may mga limitations ang mga kakayahan natin kaya we also need to work our brains for this. Grelle, we need things that can help us in solving this puzzle." Suhestiyon ni Master habang isa-isa kaming tinitingnan.
Agad namang tumango si Josh sa narinig niya bilang pagsang-ayon. Si Josh ang pinakahasa pagdating sa paggawa ng iba't ibang high tech na gamit sa grupo katulad na lamang ng mga ballpen na may camera at recorder, singsing na nagiging mini saw, at mga flash bangs na madalas nagagamit ko sa tuwing tumatakas kase 'yun ay nagsasanhi ng panandaliang pagkawala ng vision sa loob ng ilang minuto.
"Leader-nim, papaano kung hindi lamang talas ng isip, abilities at high tech na gamit ang kailangan natin? Papano naman yung physical strength? Hindi ba sa'yo na rin nanggaling na hindi basta basta ang killer na pumatay kay Phine?" Clint said na kanina pa tahimik kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya. Siya ngayo'y nakahawak sa ibaba ng labi niya at halatang masyado siyang pre-occupied sa mga iniisip niya.
Napangiti naman ako sa mga ideyang naiisip ng kakambal ko, "Aba, naisip mo din pala yun bro. 'Tindi ah. Kambal talaga tayo walang duda." Ngingisi-ngisi pa ako habang kumpiyansang sinasabi 'yan.
"Clint has a point. We as a group shouldn't just rely on our supernatural abilities and techy gadgets. The killer is still out in this world waiting for the right time to kill again. And I second the motion that we should have a proper training for our bodies. But we should also consider the secrecy of our group. Remember, we're still students. We have class schedules so we should consider them before we create a time table for our training. And all of you shouldn't forget the fact that Grey Suarez is still one of our classmates. We should know him better." Litanya ni Master. Speaking of Grey Suarez, hindi naman talaga kami masasamang tao nila Master eh. We're just taking Grey to a much safety precaution dahil nga bago pa lamang siya dito sa North Polaris Academy. In short, we're looking after him---guardians.
"Tama si Leader-nim especially in my case na hindi ko pa rin nadidiscover kung ano talaga ang supernatural ability ko. Kaya kailangang masanay ang katawan ko para kahit sa pisikalan alam ko kung paano dedepensahan ang sarili ko at ang grupo." Halata sa boses ni Grelle ang kalungkutan at halos mabasag iyon nung sabihin niya ang salitang, 'supernatural ability'.
"Grelle, you found us and so we found you. Kaya alam namin na one day you'll find out what you've really got. Dahil alam mo namang hindi ka makakasali sa amin if wala ka nun diba? You just have to wait. We all have that time na nadiscover namin yung kakayahan namin kaya for sure pati ikaw kaya mo rin." Nakangiting sabi ni Kenjie at saka niyakap ng may mapilantik na mga kamay si Josh kaya nagtawanan kami.
"Ipagdasal mo na hindi ability to kill Kenjie Schnapp ang maging powers ko."
Seryosong pagkakasabi niya kaya napahagalpak ulit kami sa tawa.

BINABASA MO ANG
Trust Me, I'm Lying
Misteri / ThrillerTRUST ME, I'M LYING--- Grey Suarez, a transferee in North Polaris Academy, who discover the school's hidden lie. He then begin unravelling the school's curse, worst? The LIES. He discovered her presence, soon realizing that no one else in the class...