CHAPTER SEVEN, LAB STRUCK
NARRATOR/OMNISCIENT GOD'S POV
SIMULA umaga ay abala na si Josh Grelle sa pag-aasikaso sa gaganaping ball mamayang gabi. Ito ay sa kadahilanang siya ang nahalal na Student Council President ng naturang eskuwelahan. Mapapansin naman na kahit nagkukumahog na sa daming mga palamuting kinakabit sa traces ng kisame sa may multi-purpose hall ay nakangiti pa rin si Grelle. Ang ball na ito ay isinagawa para sa mga bagong estudyante ng North Polaris. Animo'y isa itong acquaintance party ng mga transferee sa mga old students.
"Kuya Josh, sa'n ko ilalagay 'tong mga table for registration?" Tanong ng isang sophomore kay Grelle. Hawak hawak nito ang mga folder na may lamang bondpapers at mga ballpen na gagamitin mamaya.
"Ay Jinri dun na lang sa may malapit sa pinto para naman pagka-entrada pa lamang ng mga students ay makita na agad nila ang registration team. Humingi ka na rin ng tulong kay Vince." Kalmadong saad ni Grelle sa nakababatang kasamahan sa Student Council.
"Sige po. Salamat." Maamo ang mukha ng bata at masayang nagtungo kung saan naroroon si Vince para magpaalalay sa pagbubuhat ng tables.
**
Pasado alas kwatro na ng hapon ng matapos ang kanilang polishing para sa gaganaping event mamayang ika-pito at kalahati ng gabi nang biglang dumating ang school faculty.
"Oh, Joshua Grelle, bibigyan kita ng additional points sa co-curricular dahil sa napakagandang set up ng venue. Obvious na you did very well in managing the whole council and you deserve something." Mrs. Alizia stated while holding Josh's shoulders.
"Hindi naman po. Pero thank you po. Hindi lang naman po ako ang nag-ayos ng mga ito." Mapagpakumbabang sambit ni Josh at saka nginitian ang ginang.
JOSH GRELLE'S POV
Kasalukuyan kong kausap si Mrs. Alizia ng biglang mag-ring ang aking cell phone. Nagpaalam muna ako sa kanya at nung tumango siya ay saka ko sinagot ang tawag.
"Yo Schnapp!" Bati ko kay Kenjie na ineexpect ko talagang tatawag ngayon.
"O Grelle, kumusta na dyan? Naayos mo na bang lahat?"
"Yeah. Everything's ready pero nasaan ka na ba? Si Leader-nim? Yung kambal?" Pagtatanong ko habang tinitingnan ang faculty members na ngayon ay palayo na sa mga kasamahan ko sa Student Council.
"Woah! Chill yo. Isa-isa lang ang tanong sa gwapo. Maaga pa naman eh. So I expect na nagreready pa rin yung iba pati si Master. Ano bang motif niyang party? Namimili pa rin kase ako ng isusuot na suit eh." Maarteng saad ng malanding si Schnapp.
"Yung about sa party, masquerade siya pre kase may isang mission na dapat maggawa ang bawat isang a-attend ng party especially transferees. Every friend na makakakilala nila, sila lang ang papakitaan nila ng mukha nila in order for them to get closer after the party. In short..." Pagpuputol ko sa aking mga salita at inantay na siya ang magtuloy.
"Goal natin ang transferees." Nakangiti ako habang sinasabi niya yun sabay end ng call. Sinulyapan ko ang wrist watch na suot ko. Yes, may time pa ako para sunduin si Frances.
**
FRANCESKA JENSEN'S POV
I glanced at the white halter dress na may silver sequins all over its strap. Tinernuhan ko pa ito ng isang plain silver killer heels para naman mas umangat ang pagka-long legged ko. After kong mag-ayos ng mukha ay tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Wow, sobrang ganda ko. For sure mas ma-iinlove sa'kin ang boyfriend ko.
Napahagikhik pa lalo ako nang tumawag siya, "Hello babe?"
"O babe, kumusta? Tapos ka na ba?" Josh asked. Damn his voice is as sweet as sugar.
"Yes babe. Sa'n ka na ba?" I asked habang hinahanap ang silver pouch ko na bagay sa suot kong dress at saka bumaba ng hagdan.
"Gate babe." Saktong pagkasabi niya nun ay nakalabas na ako ng bahay. I kissed him on the cheek at saka niya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.
"So...how do I look?" I asked giggling.
He stopped for a minute and said, "You look...like my future wife. So gorgeous." At mas lalo pa akong kinilig dahil dun. He smiled back at ibinalik ulit ang tingin sa daan.
**
NARRATOR'S POV
7:30 PM, Multi-purpose hall. "LAB Struck: Finding love and friendship" 'yan ang nakasulat sa pagkalaki-laking banner sa may pintuan ng hall.
Mabilis dumami ang mga estudyanteng a-attend ng nasabing party. Agad naman silang nagsilapitan sa registration team para lumagda roon. Lahat ng estudyante sa North Polaris ay inaasahang dadalo dahil ginawa rin itong isang requirement sa ilang subject areas.
Maya-maya pa'y dumating na si Josh Grelle na naka-gray suit habang kahawak kamay si Francescka Jensen, McKinleigh twins at Kenjie Schnapp na parehas na dashing in their black suits at si Alecx Avestruz na lumilitaw ang kagandahan sa suot niyang vampire red na dress. Sabay-sabay silang nagtungo sa loob para simulan ang kanilang pakay sa gabing ito.
**
CALIX MCKINLEIGH'S POV
Kanina pa ako nakatitig sa kanya at sa tuwing titingin siya sa gawi ko ay umiiwas ako. Shit. Ang torpe ko talaga. Sobrang tagal ko na kasing inililihim ito. Pero bakit ganun? Hindi naman siya palabihis ng pambabae pero kasi bakit pa siya nag-ayos ngayon. Lalo tuloy akong nahuhulog. Isama mo pa yung maikli niyang buhok na natural brown na talaga namang bagay sa korte ng mukha niya. At yung labi niyang---
"McKinleigh!" Nagising ako sa katotohanang tinatawag pala niya ako. Shit. Kanina ko pa ba siya pinagpapantasyahan?
"B-boss." Kinakabahan kong pagtugon habang dama ko na may pumapatak na pawis mula sa epidermis ko. Ampuch. Sana 'di niya nahalata 'yun. Pero feel ko naman narinig niya. Ampuch to the second level. For sure, alam na niya ngayon.
"I've been calling you for about ten fvcking times, Calix." Shit mas kinilabutan ako nung tawagin niya ako sa given name ko.
"Sorry. Ano ba 'yun?"
"I fvking need a p-partner. Shit." Tila nahihiya pa siya ng sabihin niya yun dahil nauutal siya at 'di makatingin ng diretso. So as a man, I extended my hand and when she reached it, I guided her towards the dance floor. Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon and I'm still holding her hand.
"Boss, uhm..." Damn, Calix. I can't find the right words to say.
"Calix McKinleigh, don't you dare assume, okay? Tinitingnan ko lang si Suarez from afar at mas malinaw dito sa dance floor kaya kita inaya kase I will look idiot kapag nakatayo ako mag-isa rito." Seryoso ang boses niya at napansin kong binabantayan niya talaga si Grey.
Tumango na lamang ako at ipinagpatuloy ang masakit man pero kunwaring pagsasayaw namin ni Alecx nang biglang namatay ang ilaw.
"Fvck!" Dinig na dinig ko ang pagsigaw ni boss at ramdam ko ring kumawala na siya sa hawak ko. Damn. I tried following her pero andilim.
Sobrang daming bibig ang nagsasalita ngayon kaya mas nahirapan pa akong hanapin si boss. Bumukas naman ang ilaw dahilan para mapahinga ako ng maluwag. Ngunit agad ring tumigil iyon nang makita ko si boss sa 'di kalayuan. Sa kaninang puwesto ni Grey.
"Shit/Dammit/Ampuch!" Napalingon ako sa kakambal ko, kay Schnapp at kay Boss. Sabay sabay kasi kaming napamura nang makitang biglang nawala si Grey Suarez. Samantalang si Grelle nakaamang lamang ang bibig.
Shit, mukhang may nauna na sa amin.

BINABASA MO ANG
Trust Me, I'm Lying
Mistério / SuspenseTRUST ME, I'M LYING--- Grey Suarez, a transferee in North Polaris Academy, who discover the school's hidden lie. He then begin unravelling the school's curse, worst? The LIES. He discovered her presence, soon realizing that no one else in the class...