TM, IL CHAPTER 3, "First Blood"
Narrator's POV
PASADO ala sais na ng gabi ngunit may ilang mga kabataan pa ring nasa loob ng isang esklusibo at sikretong taguan na ito. Hindi katulad ng napapanood sa mga telebisyon, hindi dito madilim, magabok in short hindi ito isang inabandonang gusali. Pawang may mga posisyon sa buhay ang mga magulang ng mga batang nandito, kaya naman pinagkagastusan talaga itong pagkakatayo ng hideout. Ngunit ang lahat ng ito ay nananatiling lihim maging sa mga pamilya nila.
"Zup, Grelle." Bati ng isang matangkad at mestizong lalaki sabay tapik sa balikat ni Grelle.
"Nothing new. Except for that transferee." Sagot ni Grelle habang halatang may pag-aalala sa mukha.
"What about this transferee? Is she hot? Gorgeous?" Mapanglokong tanong na isa pa nilang kasamahan.
"The fuck, Mckinleigh. He's a goddamn guy." Kalmado pero punong-puno ng sinseridad na sambit ni Alecx, ang leader ng---.
"Shit haha, my bad. So what are we going to do now? I want some action scenes you know." Mayabang na saad nito na agad namang ikinatuwa ng grupo.
"Then, let's get it on?" Walang patutsada na tanong ni Grelle.
"No. We're not going to make any harsh moves unless we're sure na may alam na talaga yung Suarez na yun." Maawtoridad na sambit ni Alecx pagkatapos inumin ng straight ang hawak na wine at saka siya lumabas ng hideout.
**
Grey Suarez's POV
Tumingin ako sa relo ko at nakitang oras na para umuwi. Ayaw ko man, wala naman akong choice eh. Saan naman ako pupunta diba? Hmmm...Ang hirap pala talaga pag bagong salta ka lang sa isang lugar. Walang kaibigan, walang makausap. Halos natatanaw-tanaw ko na mula rito ang aming bahay ng biglang may kakaiba akong naramdaman.
"Mama?" Tawag ko sa pag-aasam na tumugon si Mama. Pagkatapos kong makailang lingon ay napagdesisiyunan kong tumuloy na sa paglalakad. Nakakadalawang hakbang pa lamang ako ng biglang---
"Shit, aray!" Napabalikwas naman ako ng may makita akong isang pigura ng babae sa harapan ko. Shit, ansakit nadali ko sya. Wala kaseng street lights man lang eh.
"Miss, sorry ha. Ang dilim na kase, nasaktan ka ba?" May halong pag-aalala ang tanong ko kahit feeling ko kasalanan niya. Kase naman pahara-hara siya sa daanan eh. Yumuko naman ako ng makitang nalaglag pala ang school pin ko na may konting patak pa ng dugo. Shit, saan galing 'to?
"Miss, okay ka lang ba talaga?" Tanong kong muli, ngunit sa pagkakataong ito wala na akong kausap. Hindi ko alam kung bakit biglang nawala yung babaeng kausap ko. 'Di naman maaaring nag-teleport siya 'diba? Hays, makauwi na nga baka guni-guni ko lang ang lahat. Dagli akong tumakbo pagkatapos nun.
**
Someone's POV
"Shit, nahalata niya kayang ako 'yun?" Bulong ko sa hangin as if naman may sasagot sakin. Itinakwil na nga pala ako ng mundo. Hayyy. Sa tingin ko naman hindi kase 'di naman niya natanaw ang aking mukha eh. At saka isa pa, hindi naman ako nagsalita kaya di niya ako makikilala sa boses. Masyado lang siguro akong napapraning dahil sa mga nangyari sa nakaraan ko.
**
Alecx's POV
Whistling, I walked slowly as I enter our mansion. Agad naman akong napansin ng isa sa mga maid at agad akong nilapitan.
"Young Master, kumain na po ba kayo?" She said habang kinukuha ang backpack ko at ang hinubad kong sapatos.
"Nah." I said as I make my way to the dining hall.
"Young master, ano pong gusto niyong kainin?" She asked and I glanced over the table para makita ang napakadaming putahe.
"Wow, seems like there's a feast. Nothing's new. Pero sige yung crab soup, roasted chicken and rice na lang po." I replied as I slouched at one of the chairs here in the dining hall.
Inihanda naman niya agad ang mga sinabi ko. Pagkatapos nun ay nagmamadali akong pumunta sa kwarto pero nasa half way pa lamang siguro ako ng bigla kong marinig ang pag-uusap ng dalawang maids.
"Aling asing, ayaw niyo pa ho ba umalis dito sa mansion? Nakakasawa na dito oh. Para tayong laging nakakulong. Tapos yung mga amo natin bihira lang naten makausap. Tapos kada uwi eh madalas mga maiinit ang ulo." Saad ng isang katulong na alam kong boses ni Esther.
"Esther, iha, naririnig mo ba ang sarili mo ha? Nakakulong? Tanga ka ba ineng? Kupo. Tayo'y mga katulong, maid, muchacha. Alangan namang kasama tayo sa mga gala at business trips ng ating mga amo? Nagana pa ba yang sentido mo? Pangalawa, kausapin? Bakit close ba kayo ni Boss at Queen? Hindi naman diba? Pangatlo, mainit ang ulo dahil sa stress. Multi-billionaire ang mga iyon. At ang pinaka-importante, AYAW ko umalis. Babantayan ko pa si Alecx." Mahabang paliwanag ni Aling Asing. Sa mga huli niyang sinabi ay tila ba nakaramdam ako ng tuwa pero at the second thought parang medyo kinilabutan din ako. Isama mo pa na she dropped the formality, "young master". Weird ng dalawang 'to ha.
"Bahala nga ho kayo dyan. Basta ako aalis na ako kahit pa kalabanin ko sila Boss at Queen." Hindi ba nila alam na masyadong malakas ang pandinig ko? Fvck those shitty heads! I rolled my eyes and dumiretso na sa kwarto ko. I scanned my surroundings bago i-tinype ang secret pass code ko. Napangisi ako dahil ang genius talaga ng naisip kong pass code.
Pagkahiga ko ay pinagmasdan ko ang mga kwarto ko na nagmistulang isang compartment ng iba't ibang klase ng gadgets. Umaangat naman dito ang mga camera na nagsisilbing mata ko sa loob ng buong mansion. This includes the maid's room pero walang camera sa comfort rooms. At akalain mo 'yun? Yung mga nag-uusap na maids narinig ko pa rin kahit napakalayo ng kwarto ko sa kanila.
Nakaramdam ako ng antok ng bigla namang may bwisit na tumawag sa cellphone ko.
"Fvck Grelle." I happily welcomed him on the phone.
"S-sorry leader-nim. Pero importante kase 'to eh." Bakas ang kaba sa boses ni Grelle kaya sumagot agad ako.
"What is more important than me?"
"S-si Phine...Si phine..." Paputol-putol niyang saad. Naiiyak na ata ang baklang 'to eh.
"What the hell is the matter with Phine?" Kating-kati na akong malaman kung ano ba nangyari sa slut na yun.
"One of the members texted me and said naliligo sa sariling dugo si Phine." Grelle announced and I ended the call.
Hmmm...I guess this will be a long night again.
BINABASA MO ANG
Trust Me, I'm Lying
Детектив / ТриллерTRUST ME, I'M LYING--- Grey Suarez, a transferee in North Polaris Academy, who discover the school's hidden lie. He then begin unravelling the school's curse, worst? The LIES. He discovered her presence, soon realizing that no one else in the class...